(Xiumin's POV)
"KIM JONGDAE!" sigaw ko, hanep na lalaking yon tumambay na lang dito sa bahay, porke't kaibigan si Luhan hindi na nag tratrabaho.
"Wae mah labs?" nakangiting tanong nya, sht! Ang gwapo nya *O* Hep Minseok! Galit ka sa lalaking cheekbones na yan! Pero ang gwapo nya talaga!
"Hoy Mr. Kim Jongdae! Baka gusto mong pumasok sa opisina ano? Pambihira ka! Tambay ka dito? Ganon?!" kunyaring galit na sabi ko, maya maya niyakap nya ako mula sa likod.
"Relax kumander baka mapaanak ka ng maaga" hinalikan nya ang leeg ko, napapikit ako ng mariin.
"Huwag mo akong daanin sa kalandian mo ha! Mag trabaho ka!" bulyaw ko at hinampas ko sya.
"Aray naman babe! Pero babe tinatamad ako e" nakapout na sabi nya na kinakunot ng noo ko.
"Ano?! Tinatamad ka mag trabaho?! Bubuntisin mo ako tapos hindi mo pala ako kaya buhayin! Sige, maiwan ka dito at ako mag tratrabaho" naiiritang sabi ko, akmang aalis na ako ng niyakap nya ulit ako mula sa likod
"Joke lang mahal ko, liligo na ako babes pahanda naman ng susuotin ko. Thank you! I love you Minseok bebe!" hinalikan nya ako sa pisngi, napangiti naman ako sa kasweetan nya. Mainggit yung nag babasa nito, please?
Pumunta ako sa kwarto para ihanda lahat ng gagamitin nya, maya maya naramdaman kong may yumakap na naman mula sa likod ko.
"Ano ba Jongdae?! Basa ka kaya!" reklamo ko, lumayo sya at tumawa
"Ang arte naman nitong asawa ko, e noon nga feel na feel mo pa ang basa kong katawan na humahaplos sa iyong masarap na--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at tinampal ang bibig nya
"Yang bunganga mo ha." irap ko sa kanya at akmang lalabas pero hinagilap nya agad ang kamay ko.
"San ka pupunta?"
"Duh? Sa labas malamang para makapag bihis ka!"
"Wag na! Parang di mo nakikita ang katawan ko noon, bihisan mo na lang ako babes!"
"May kamay ka ikaw ang gumawa nyan!"
"Ano ba yan? Nakakapagtampo ka naman! E dati nga ikaw na mismo ang nag tatanggal ng damit ko para lang makipag make love sakin tapos ngayon--" hindi ko na sya pinatapos at tinampal ulit ang bibig nya, pero mas malakas na.
"Oo na! Manahimik ka lang!" pag suko ko, mapapaanak ako ng wala sa oras dahil sa lalaking to. Tumawa naman sya at kinilig, matapos ang kalokohan nya bumaba na kami at kumain.
"Mag ingat ka mahal ko ha, tsaka tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka. Ok? I love you bebe" malambing na sambit nya, tumango lang ako at hinatid sya sa labas ng bahay namin.
"Oo na po, mag ingat ka din. Wag na wag kang mambabae doon ha! Sasapakin kita!" pang iirap ko sa kanya, tumawa namang sya at hinawakan ang pisngi ko
"Ang possessive mo talaga pero wag kang mag alala, sa'yo lang naman ako e" kumindat pa sya pag katapos sabihin yon.
"Nga pala Minseok babes, wag mong kalilimutan na mahal na mahal kita." seryosong sabi nya, natawa na lang ako
"Dae, paano ko makakalimutan yan e araw araw mo sinasabi sakin." nakangiting sabi ko.
"Naninigurado lang." hinalikan nya ang labi ko at humiwalay.
"ANG SARAP TALAGA NG LABI NG ASAWA KO!" nanggigil na komento nya, napatingin naman yung mga tao samin.
"Nakakahiya ka, kelangan talaga isigaw yon?" natatawang tanong ko.
"Sa masarap naman talaga e!" nakapout na sagot nya.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (XiuChen FF)
FanfictionKaya mo pa bang lampasan ulit ang problemang nangyari sa inyo noon? WARNING : boyxboy, yaoi XiuChen and Chenmin, para sa inyo to. Kung mahal nyo ang cute na baozi at trollelong camel kelangan ko ng basbas nyo :D © HH041220 Note : Huwag kopyahin ang...