MNGO-15
Dahil malapit na ang Final exams kaya dumistansya muna ako kay Trivy. Sinabihan ko naman siya and thankfully, he agreed. Kailangan rin naman niyang mag-aral. And honestly, gusto kong sabihan siyang kahit huwag na. Huwag na siyang mag-aral total mapapabagsak ko rin naman siya. Hindi nga lang ngayon. But sooner.
I stretched my arms and yawn. Napatingin ako sa wall clock at nakita kong pasado alas tres na rin pala. Pinahid ko ang luha sa gilid ng aking mata. Buti na lang alas dyes pa ang klase ko mamaya. I still have time to sleep kahit ilang oras lang.
Napatingin ako sa aking cellphone na katabi lang ng calculator ko ng tumunog iyon. Kinuha ko iyon at ganon na lang ang pagtalon ng puso ko ng mabasa ang pangalan ng nag-text. It's Trivy. Dali-dali ko iyong binuksan.
You still awake?
Napalabi ako. Re-reply-an ko ba siya o hindi? I stared at my phone for a while before I moved my fingers. Bawat tipa ng mga daliri ko sa keypad ng cellphone ay kalakip doon ang nag-uumapaw na kaba. I don't know why I'm so tensed gayong isang simpleng text lang naman ito.
Yes.
Isang salita na tatlong letra lang ang nagawa kong isagot sa kanya. Pero ang tatlong letra yun ay nagpapawis sa akin ng malagkit. I cleared my throat. I squeezed my eyes shut and counted one to three to calm myself. Shit. Ano bang nangyayari sa akin? It's just a text asking me if I'm still awake! Pero kung maka-react ako daig ko pa ang isang batang lalaking magpapatuli. This is absurd!
Tumunog ulit ang aking cellphone na nagpatalon sa akin sa aking kinauupuan. Muntik pa akong nahulog. Damn. With my shaky hand I pick my phone and read the message.
You are still studying at this hour? Give yourself a break, Andrea.
Napalitan ng init ng ulo ang kaba ko ng mabasa ko ang message niya. Give myself a break? Ha! Is he kidding me? Napakagat labi ako sa sobrang inis. Hindi ba niya alam na dahil sa kanya kaya halos patayin ko na ang sarili ko sa pag-aaral? I studied hard para maungosan siya. Tapos ngayon sasabihin niyang I should give myself a break! Hell, no!
Titigil lang ako kapag naungusan ko na siya. But I guess, I won't stop with that. I will strive hard until I graduate. I won't let him to be at the top of the throne again. Together with my plan I know in no time makakamit ko yun.
Hindi ko na nagawang reply-an si Trivy. Wala naman kasi akong dapat i-reply sa kanya. Nagpatuloy na lang ako sa pag-aaral hanggang sa lumiwanag ang aking kwarto. Niligpit ko muna lahat ng gamit ko bago humiga sa aking katre.
I slept for two hours. Medyo mabigat pa ang mga mata ko pero pinilit ko ang sarili ko na bumangon at nagtungo sa banyo. I took a bath and did my daily routine. Pasado alas nuebe y media na ng makarating ako sa university. Di ako dumiretso sa classroom namin kundi sa library. I stayed there to calm my mind. Kailangan rin kasi ng utak ko na magpahinga bago sumalang sa madugong exams.
Ilang minuto akong nanatili doon bago nagdesisyong umalis. Medyo malapit na ako sa classroom namin ng biglang may sumabay sa akin. I looked at the person and I was nailed on the ground when I saw him. Huminto rin siya ng mapansing huminto ako. I stared at him with my forehead knotted. Nakangiti kasi siya at mukhang ang saya-saya niya. At naiinis ako. Kasi parang wala lang sa kanya na Finals namin ngayon!
"Anong ngiti-ngiti mo diyan?!", di ko napigilan ang sarili kong medyo pagtaasan siya ng boses. I was lack of sleep at ito pa ang bubungad sa akin? Ang ngiti niyang nakaka...nakaka...arggh!
He shrugged pero nandoon parin ang ngiti niyang nakakirita. "Nothing. I'm just happy that I saw you before we take our exam. Pampa-gana. Inspiration.", he said with a smug. Napasinghap naman ako ng sinundan niya iyon ng kindat. Napaiwas kaagad ako ng tingin. Bwesit!
Pumikit ako ng mariin at nagbilang ng tatlo bago bumaling sa kanya. I gave her my fakest sweet smile that I could offer. "That's good to hear.", I said , almost gritting my teeth. Sana ako rin sayo. Di ko na hinintay pa na sumagot pa siya. I continued my pace towards our classroom. Agad akong nag-ikot ng mata ng makita ko ang si Tia at ang mga kabarkada niya na nag-a-arrange ng upuan. Cheating arrangement kung baga. I shook my head with pure disgust. Hopeless case.
Umupo ako sa nag-iisang upuan na halatang hinanda para sa akin. Nasa pinakadulo iyon at nasa pinakasulok. Well, I can't blame them. They already know the drill. Di uso sa akin ang magpa-kopya. I am not stupid to let them copy my answers na dugo at pawis ko ang pinuhunan. Masyado naman yata silang sinuswerte.
"Trivy, dito ka!", kaway ni Tia ng makapasok si Trivy. "Dito ka. Dali!", at di pa talaga siya nakuntento. Lumapit pa talaga siya kay Trivy at humawak sa braso nito at kiladkad palapit sa inihanda niyang upuan para rito. I can't help but to roll my eyes. Bobo na nga, malandi pa!
Napaupo ako ng tuwid ng dumako ang mga mata ni Trivy sa akin bago siya makaupo sa tabi ni Tia. He smiled at me pero nag-iwas ako ng tingin. Pareho kayo ng katabi mo. Malandi.
I settled myself at the very back and kept silence until our first instructor for today arrived. Agad niyang ibinigay sa amin ang questionnaire and we answered it quietly. At dahil nasa pinakalikod ako kitang-kita ko lahat ng mga modus ng mga kaklase ko. Napapailing na lang ako kapag may nahuhuli akong nagchi-cheat.
I was the first one to pass my answer kaya agad akong pinalabas ng instructor. I gathered all my things bago lumabas. Nakakailang hakbang pa lang ako mula sa pinto ng classroom namin ng may tumawag sa pangalan ko. Walang gana kong nilingon si Trivy na papalpit sa akin.
"Bakit?"
He stopped in front of me. Ilang sandali muna niya akong tinitigan bago siya tumikhim at nag-iwas ng tingin. "Let's date.", he whispered.
Nakunot ang noo ko. Medyo di ko kasi narinig dahil sa sobrang hina. "A-Ano?"
His ears reddened and his cheeks. Tumingin siya sa akin at huminga ng malalim. "I said...let's date.", he said...clearly. Rinig na rinig ko. Sa sobrang linaw nang pagkakarinig ko ay tumalikod ako at naglakad palayo sa kanya.
"Andrea!", he called my name pero di ko siya nilingon.
"Andrea!", he called again pero wala. Di ko siya pinansin.
Dahan-dahang lumipad ang kamay ko papunta sa aking dibdib. There, I could feel my heart beating wild. Beating wild as its best. Daig ko pa ang nag-marathon ng ilang kilometro gayong nakakalimang hakbang palang ako mula kay Trivy. Together, I closed my eyes and inhaled deeply to fill my lungs with sufficient air and I slowly exhaled it.
Be calm, heart. Be calm. He's just asking me for a date. It's just a freaking date! With him. With Trivy Fuentes. With Trivy.
A date...with Trivy.
Shit.
**
Please, do check out Breaking Benjamin. My first installment for my first ever series. Sana magustuhan niyo. I already posted one chapter there. At sana mag-comment kayo don. Thank you!!! ;)))
Vomments. Muwaaaah! :* :* :*
BINABASA MO ANG
Mr. Nice Guy's Obsession
General FictionWhen the Mr. Nice Guy is obsessed. My first ever story on wattpad.