His Regret

35 1 0
                                    


A/N:

This is a short story. 

Maraming grammatical error, bare with me. haha

hope you like it :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 


Kurt

"Pare ano na? tara na sa bar"

ayan na naman ang pangungulit sakin ng mga kabarkada ko

"tsk, di nga pwede, pupunta pa ako kina Mi"

"aysus naman oh" angal ni Lavi

"yaan mo na tol tara na lang magbar!" yaya ni Hex tapos inakbayan si Lavi

"tsk, sige, di na naman din natin mapipilit yan eh, si Mina na naman ulit" tampo pa ang loko

napailing nalang ako at umalis na sila

nagayos na ko para papunta sa bahay nina Mi

napadaan ako sa may park, binagalan ko ang paglalakad at nagmasid, malaki na din pala ang pinagbago ng park na to,

napatingin ako sa may malaking acasia tree na malapit sa may fountain,

aalis na sana ako ng mapansin kong may nakaupo sa may bench duon,

Nakatalikod sya at nakatingin lang sa fountain,

biglang humangin at nadala ang buhok nya, inayos nya yun at sinumping sa tenga nya at napatingin sa gilid nya para iwasan ang hangin

s-sya?

hindi ako nakagalaw sa pagkakatayo ko dun, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko pero hindi ko pinansin,

nakatingin lang ako sa kanya..

Tatlong taon na din ang nakakalipas mula nung huli ko syang nakita.

Tumayo sya sa pagkakaupo tumalikod, mukhang paalis na sya.

Lumakad sya papunta sa tinatayuan ko pero hindi nakatingin sakin kundi sa mga batang naglalaro sa may siso

aalis na ba ako? siguro dapat na akong umalis, hinahanap na din naman ako ni Mi,

pero bakit ganito, ayaw gumalaw ng mga paa ko.

takteng mga paa naman oh! gumalaw kayo!

napatingin sya sa unahan nya at saktong napatingin sakin.

maganda pa din sya, hindi, mas gumanda pa sya lalo.

ng makita nya ko ay napatigil sya sa paglalakad. Magkaharap na kami ngayon at konti na lang ang layo sa isat isa

dapat ba akong magsalita?

"n-nakabalik ka na pala?"

ngumiti sya sakin at tumango

"oo, nung isang araw lang, nabore kasi ako sa bahay kaya naggala muna ako" wala pa din syang pinagbago, mabait pa din sya at palangiti

''ganun ba?" arg! say something!

"kamusta ka na Kurt?"

"o-ok lang naman... maayos naman...ahm...graduate na" sagot ko tapos nginitian ko sya "ikaw?"

"mabuti naman kung ganun. maayos naman, masaya" masaya, bakit ganun, bakit sumama ang pakiramdam ko nung sabihin nya yun..

"architect ka na ba?'' tanong nya

Regret of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon