Enjoy reading!! :)
__________
"Go! Ang lalampa niyo!!"
Sinigawan ko yung mga amateur cheerleaders.
Nakakabwisit kasi eh. Simpleng pyramid, di pa magawa-gawa!
At dahil nagulat sila sa sigaw ko, nasira ang pyramid at nahulog silang lahat.
"Tsk! Nakakabwisit naman kayong lahat! Tumayo nga kayo dyan!"
Umayos silang lahat.
"Ano ba naman, Sabra! Hindi kami ang mga alipin mo!"
Lumapit ako sa babaeng sinigawan ako.
"Sinong may sabi sayo na pwede mo ako tawagin by my name? Miss Sabra itawag niyo sakin! Mga bobo! Ako ang captain dito hindi ikaw!" Dinuro-duro ko siya.
Tumalikod na ako sa kanya.
Narinig ko namang bumulong siya. Bobo talaga.
"Bitch talaga." Sabi niya.
Bitch pala ha?
"30 push-ups, NOW!!"
Mabait ako sa mababait. Masama ako sa masasama.
"B-but?" Sabi niya.
"Oh? May angal ka?! Gusto mo mawala ka sa team?"
Wala siyang magawa kundi mag push-up. Once kase na maging cheerleader ka, certified popular ka na. Trying hard kasi maging popular tong isang toh eh.
"All of you! Pwede na kayo umuwi!"
Mas mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-alis ng mga alipin ko.
Kinuha ko na rin yung duffel bag ko.
"Dyan ka lang ha? Wag kang magtangka na hindi tapusin ang 30 push-ups mo. May mga mata ako dito."
Lumabas na ako sa gym.
Hmm, try niyo lang kalabanin ako. Kung noon, hindi ako lumalaban. Pwes, ipapakita ko sa inyo ang hinahanap niyo.
Umupo ako sa benches malapit sa engineering building.
"Sabra?" Napatigil ako sa nagsalita.
Umupo siya sa tabi ko.
"Sabra? Anong nangyare sayo?"
"Libbie?"
Siya yung bestfriend ko na mas bata sakin. Hindi na kami nagkikita for 3 years. Hindi niya rin alam ang mga nangyare sakin dito.
"Sabra, bakit ka naging ganyan?"
"Anong course mo?" Ginaw na sabi ko sa kanya. Hindi naman kasi talaga ganto manamit noon eh at ayaw ko rin simulan yung topic na yan.
"Sabra, bakit ka nga naging ganyan?"
"Pwede ba, Libbie? Wag nang matanong." Napapigil naman siya.
"S-sorry." Yumuko siya.
"Sorry rin. Wag ka ng magtanong kung bakit ako naging ganto. Hindi ko rin yan masasagot."
Ayaw kong malaman niya ang dahilan kung bakit ako naging ganto..
"Buti nakita kita. Na-miss talaga kita."
Pagkasabi niya nun, niyakap niya ako ng mahigpit.
Gumaan ang loob ko.
Naramdaman ko kasi na mahal niya talaga ako.
Naramdaman ko na naman ang mahalin ng isang tao.
"U-uhh, Libbie? Aalis na ako. May klase pa ako."
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.
Tumayo ako.
"Bye." Sabi ko.
-----
Papasok na sana ako sa classroom nang hinarang ako ng isang lalake.
"Hi, Sabra." At agad niyang ipinulupot yung mga kamay niya sa bewang ko. Manyak.
Maraming umaaligid sakin dito. Easy to get ako eh, SABI NILA.
But I'm still a clean and a pure woman.
Never been touched.
Hindi pala.
Almost touched na pala.
Muntik na akong galawin ng demonyong lalakeng yun.
"Do I know you?" Sabi ko habang pilit kong kinukuha yung kamay niya.
"You don't need to know me." Inilapit niya yung mukha niya sakin na para bang gusto akong halikan.
Tinulak ko siya.
"Pwede ba!? I don't even know you at kung makaasta ka dyan parang syota kita! Who you?!"
Nakita ko namang gulat na gulat siya sa ginawa ko.
"Akala mo kung sino ka?! Sino ka ba dito?! Ha!" Sagot naman ng lalake.
Nabi-bwisit na ako.
"Didn't you hear the gossips about me? I'm the campus bitch!" Pagkasabi ko nun, tinapakan ko ng mariin yung sapatos niya with my high-heeled shoes.
__________
Thanks for reading!! :)
Vote the chapters you like the best :)
Comment to help me improve my story :)
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
BINABASA MO ANG
I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]
Aktuelle LiteraturLIVING WITH THE MAN YOU HATE THE MOST. Isang babaeng may madilim na nakaraan na ipinalayas sa kanyang bahay at kinupkop ng isang lalakeng ubod ng bait pero medyo manyak. Parang may mangyayaring hindi maganda. So, sit back, relax, and enjoy this stor...