Enjoy reading!! :)
____________
Andito na ako sa apartment ko.
Wala akong mga magulang.
Hiwalay yung papa at mama ko.
Okay lang sana pero...
Iniwan rin ako ng nanay ko nang wala man lang sinasabi. Nalaman ko nalang sa tita ko na pumunta na pala siya sa England at dun rin bumuo ng pamilya niya.
Putcha! Ako dito, naghihirap sa pagsayaw at pagrampa habang siya dun nagpapakasarap!
Tinitignan ko nalang ang magagandang nangyare sakin para hindi ako malungkot.
Naging independent ako at an early age.
I became stronger than yesterday. Idol ko si Britney eh.
*tok tok*
Tsk! Sino ba yan! Pagod ako eh!
Binuksan ko yung pinto.
"Hi, Sabra."
Ang landlord pala. Isa pa tong manyak eh!
"Hello PO." Walang ganang sabi ko.
"Ano PO ba yung kailangan niyo?" Pahabol ko. Ano bang kailangan ng matandang toh? June 7 pa at bayad na rin ako sa upa!
"Ikaw."
"Ano?!"
"ikaw ang kailangan ko."
Lalapit na sana siya sakin pero sinampal ko na siya ng malakas sa mukha.
"Aba'y! Bwiset kang babae ka ah!"
"Ikaw ang bwisit PO! Yung kamanyakan niyo PO ang bwiset dito PO!"
"Lumayas ka dito!"
"Oo! Lalayas talaga ako! Hindi ko na matiis yung kamanyakan niyo PO! Ang tanda niyo na PO pero manyak ka pa rin PO!" Sinarhan ko yung pinto.
Wag kayo! Hindi ako umiyak!
Gasgas na ang eksenang yan!
Nabwisit lang talaga ako sa matandang yun. Panot na nga, manyak pa rin!
Bakit ako palage ang nabibiktima? Kulang pa ba yung nangyare sakin noon?
------
Umalis ako agad sa apartment pero bago yun, hiningi ko ang limang buwan na bayad ko sa landlord. Sabi ko, kung hindi niya ibibigay ay isusumbong ko siya sa pulis. Ang manyak natakot agad! Guilty kasi eh.
Napadpad ako sa park ngayon.
Bwiset! Mahirap pa naman maghanap ng apartment ngayon lalo na pag pasukan. Diba?
Saan ako tutuloy ngayon?!
"Wait, ikaw yung captain sa cheerleading squad diba?"
Napatingin ako sa nagsalita. Wag na kayong magulat kung bakit halos lahat ng tao kilala ako.
Sikat ako. Pangit nga lang ang title ko. CAMPUS BITCH.
Sino kaya yung gumawa ng title ko at mapatay ko na.
Balik tayo sa kanya.
Tinignan ko siya.
Hindi ko siya kilala pero familiar yung mukha niya.
Mataas, matipuno. Pero, mukhang manyak din!
Tall, dark, and nevermind.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ahh, ako pala si John."
"And then? As if I care." Kinuha ko yung phone ko at naghanap kung sino ang pwede tumulong sakin pero para akong tanga. Wala namang number dito eh. Wala akong kaibigan.
Merong isa.
Boyfriend ko.
1st boyfriend ko.
Ang taong minahal ko ng sobra.
Bwisit lang. Iniwan rin ako sa kung kelan kailangan ko siya.. Parang si mama lang.
Mag-eemote pa sana ako pero biglang tumabi sakin si John.
Bakit ba ang FC nito?
Nagulat ako kasi kinuha niya yung phone ko.
Nag-type siya at ibinalik niya agad ito sakin.
"Ako nga pala ang captain sa basketball team. Wala lang, just so you know."
Tinignan ko yung phone ko.
Name: John, ang saviour mo
0906*******
"Anong just so you know pinagsasabi mo dyan! Humanap ka ng ibang makakausap! Dun oh! Yung serbetero!" Tinuro ko yung manong serbetero.
"Hahahaha! Totoo nga pala talaga." Sabi niya.
"Anong totoo?! At bakit si-nave mo yung number mo dito?! Ang kapal. John, ang saviour mo?! Eeew." Naiinis na talaga ako!
"Suplada ka nga. Parang may dalaw ka parati. Tsaka, yung number ko, dyan na muna yan. Baka kailalanganin mo yan eh."
Bwisit. Umiinit ang ulo ko sa kanya! Hindi ako natutuwa!!
Pinalitan ko ang pangalan sa number niya.
Name: John, ang bwisit
Tumayo ako at hinila yung mga maleta ko.
Paghila ko, hindi ko mahila yung maleta ko. Nasabit ata sa bato o ewan.
Tinignan ko ito.
"Hoy! Bitiwan mo nga yung maleta!" Hinahawakan pala nitong lalake.
"Bakit ka may dalang maleta?"
"Wala ka na dun!"
"Bakit nga?"
Ako ang taong walang pasensya.
"PWEDE BA!! WAG KA NGANG MAKIALAM SA BUHAY NG MAY BUHAY!!" Ayan na nga. Pumutok na ang butsi ko.
*BRRRRRGDRRRG!!!!!!!*
BINABASA MO ANG
I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]
General FictionLIVING WITH THE MAN YOU HATE THE MOST. Isang babaeng may madilim na nakaraan na ipinalayas sa kanyang bahay at kinupkop ng isang lalakeng ubod ng bait pero medyo manyak. Parang may mangyayaring hindi maganda. So, sit back, relax, and enjoy this stor...