Enjoy reading!! :)
____________
*BRRRRRGDRRRG* <-- tunog ng thunder.
Nagulat ako kasi biglang pumatak ang napalakas na ulan.
Could this day get any better?!
Nagulat nalang ako nang hinubad ni John yung blazer niya at ginawa itong payong saming dalawa. Kinuha niya yung maleta ko at inalalayan akong tumakbo hanggang naabot na namin ang isang napakagarang sasakyan.
"Teka!!" Sabi ko.
"Pumasok ka na!!" Sigaw niya.
Binuksan niya yung pinto at tinulak na ako sa loob.
Pagkatapos niyang ilagay ang maleta ko sa trunk, pumasok agad siya.
"Grabe yung sigaw mo. Haha! Pati langit natakot!!"
Inirapan ko lang siya.
Nagsimula na siyang magmaneho.
"Saan mo ba ako dadalhin?!"
"Huy! Sagutin mo ako! Gamitin mo yang madaldal mong bibig!"
"Tumahimik ka muna, Sabra."
Napatigil ako sa sinabi niya. Mahina lang yung pagkakasabi niya at parang seryosong-seryoso siya. Tumahimik nalang ako sa buong byahe.
"Bumaba ka na." Nagulat ako.
"Saan ba tayo?"
Wala siyang sinabi at lumabas siya at kinuha ang maleta ko. Nasa parking lot kami ng isang building. Parang condominium ata to eh. Nagsimula na siyang maglakad papasok sa building.
Ambweset! Iniwan ako sa loob ng sasakyan!
Bumaba ako sa sasakyan at hinabol siya.
"Huy! Aking na yang maleta ko!!" Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Sundan mo nalang ako, okay?" Ngiting sabi niya.
Sinundan ko nalang talaga siya.
"Huy! Bat tayo andito?"
Andito kami sa unit niya. Obvious naman na unit niya toh dahil puro poster niya at pictures yung nasa wall niya.
Model rin pala siya?
Ang raming framed posters dito. Poster ng bench, unisilver, may mga poster pa na pagkain yung ini-endorse niya. Grabe. Parang ako lang toh ah.
Lahat kasi ng modeling agency, pinupuntahan ko. Buti biniyayaan ako ng magandang mukha at mahahabang biyas.
Lumingon siya at ngumiti.
"Oo, nakita nga kita nung fashion summit last year." Sabi niya.
Inilagay ko yung kamay ko sa baba ko.
"And then?"
Siya pala yung partner ko. Model kasi ako ng bench. What a small world.
Kaya pala familiar ang mukha ng ungas nato.
"Bakit parang tumahimik ka? Ang gwapo ko noh?" At nag pogi sign pa siya.
Bumalik na naman ako sa pagiging suplada.
"Pwede ba?! Wag kang mahangin! Akin na yang maleta ko!"
Inabot ko yung maleta ko pero inilayo niya lang sa kamay ko toh.
"Dito ka muna tumira." Ngumiti siya ng napakalaki.
"WHAT?!"
"Kitang-kita naman na lumayas ka sa inyo eh."
"Hoy!! FYI, hindi ako lumayas!! Umalis ako sa apartment ko pero hindi ko kailangan ang tulong mo! Akin na yan sabe eh!"
Inaabot ko parin yung napakalaking maleta ko.
"Dito ka na nga sabe eh! Will you please shut your fvcking mouth for a while?!!" Ibinagsak niya yung maleta ko.
Nagulat ako dahil sinigawan niya ako.
*PAK!*
Sinampal ko siya sa mukha.
Kinuha ko yung maleta ko at lalabas na sana sa unit niya pero pinigilan niya ako.
"Sorry, okay? Ang tigas kasi ng ulo mo!" Hinawakan niya ako sa pulso.
"Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako eh! Bitawan mo nga ako!!"
Kahit anong pagpupumiglas yung ginagawa ko, hindi ko makuha yung kamay ko sa kanya.
"Okay, dito ako titira pero ngayon lang toh ha?"
Binitawan niya na ako.
"Good!" At kinuha niya na yung maleta ko.
Dinala niya ito sa isang kwarto.
"Teka! Iisa tayo ng kwarto?!"
Mamay!!
"Oo! Alangan namang dun ako sa sofa matulog?"
"Dun nalang ako sa sofa." Lalabas na sana ako pero hinarang niya yung braso niya sa pinto.
"Hindi pwede. Okay lang naman na tabi tayo eh. Pwede mo ko rapin."
"As if! Ang kapal mo!!" Tinulak ko siya ng malakas at napahiga siya.
"Easy lang, Sabra. Hindi pa ako handa." Tsaka siya nag-wink.
BWISET! ANG KAPAL NG KALYO SA MUKHA NG LALAKENG TOH!!
Kinuha ko yung maleta ko at lumabas sa kwarto niya.
Kinamot niya naman yung ulo niya na parang naiirita na talaga.
"Aaaish!! Sige! Ako nalang doon sa sofa!"
"Sure ka? Parang hindi ka naman sanay matulog dun eh." Sabi ko
"Akala mo lang yun. Pwede nga tabi tayo dun eh."
Nakita niya siguro na hindi na maipinta yung mukha ko kaya lumabas nalang siya sa kwarto.
Naligo muna ako at lumabas na ng kwarto ko.
"Wow!!" Tsaka niya tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Si John ang tumambad sakin.
"Pwede bang mag-t-shirt ka?"
Tama bang palakad-lakad siya dito na naka-pants lang?!
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
Bakit ba ang angas ng lalakeng toh?!
"Alam ko namang macho ako, di mo na kailangan titigan ang katawan ko." Tinignan niya yung katawan niya.
"Pwede ba?! Hindi ko tinitignan ang katawan mo! Kinukumpura ko lang ang mukha mo sa paa mo!!"
Lumapit naman siya sakin.
"Talaga?"
"Oo! May similarities nga sila eh."
"Talagaaaaa?? Sigurado kaaaa??"
Ang lapit na ng mukha niya.
>///<
"Hmm! Talaga!!"
Napayuko siya sa ginawa ko.
Sinikmuraan ko lang naman siya.
BINABASA MO ANG
I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]
Ficción GeneralLIVING WITH THE MAN YOU HATE THE MOST. Isang babaeng may madilim na nakaraan na ipinalayas sa kanyang bahay at kinupkop ng isang lalakeng ubod ng bait pero medyo manyak. Parang may mangyayaring hindi maganda. So, sit back, relax, and enjoy this stor...