Enjoooyyy!!
_____________
"Miss Sabra, may practice po ba ngayon?"
"Tinatanong pa ba yan? Diba malapit na ang basketball season?" Nakapamewang kong sabi sa kanya.
"Sorry po, miss."
"Sige, sabihin mo sa kanila na may practice mamaya. Ang magtatangkang mag-absent, may parusa!"
Tumango at agad namang tumakbo yung babae.
3rd year engineering student pala ako.
Actually, palagi kong nai-imagine ang sarili ko na nakatayo sa isang site na may hawak na blue print at nakasuot ng hard hat with matching clothes na pang-executive.
Ang weird diba?
Isang bitter at masamang babae, gusto maging engineer?
Pero hindi ako ipinanganak na masama! Sila yung may gawa nito sakin.
Tinitignan ko ngayon yung lalakeng palakad-lakad sa field.
Siya naman talaga yung may gawa nito sakin.
Siya ang puno't dulo nitong lahat.
I became a heartless monster because of him.
He made my life miserable.
"Huy, Sab!!"
"SHIT!"
Nagulat ako kasi tutok na tutok talaga ako sa taong yun tapos biglang susulpot si John sa likod ko.
Bwiset na lalake!!
"Grabe ka naman!"
Bakit ba nakakabwisit nitong si John? Walang ginawa kundi sirain yung araw ko.
Dalawang linggo na akong bini-bwisit.
Bwisit!
Bwisit!!
Bwisit!!!
Pasalamat siya nakatira ako sa kanya. Amp!
Naglakad nalang ako papalayo sa kanya.
"SABBY, ANONG ORAS KA UUWI MAMAYA?!" Sigaw niya.
"WALA KA NA DUN!" Hindi na ako lumingon at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
---------
Umuwi ako ng maaga ngayon dahil wala ako sa mood mag-practice. Sirang-sira na kasi yung araw ko.
Yung isang trying hard na cheerleader yung pina-take over ko muna.
Kinuha ko na yung susi sa bag ko. (Oo, binigyan niya ako ng susi.)
Bubuksan ko na sana ito pero bukas na pala siya.
Nanakawan kaya kami?
Inilapit ko yung tenga ko sa pinto.
Parang may kumakaliskis sa loob.
Unti-unti kong inikot yung doorknob at dahan-dahang pumasok sa loob.
OoO
>__<
Nagulat ako sa tumambad sakin.
It's John making out with a girl on the couch.
Kaya pala nagtatanong kanina kung anong oras ako uuwi. May hidden agenda pala.
Pumasok ako at tinignan lang silang dalawa pero parang hindi nila ako napapansin at patuloy pa rin sa ginagawa nila.
Nakakadiri! Mga baboy!! Putcha!!
Pumunta nalang ako sa kwarto niya at nagbihis.
Nakakahiya naman sa kanya. Baka maistorbo ko lang sila sa pagpapalitan ng laway nilang dalawa.
Ang dumi na tuloy ng isip ko ngayon.
Nagbasa-basa lang ako ng mga libro ko para ma-occupy yung isip ko.
Nung nakaramdam na ako ng gutom, lumabas ako para magluto.
Gumawa ako ng lasagna. Mayaman si John eh. Kumpletos rekados.
Habang nasa-oven pa yung lasagna, sinilip ko na naman yung dalawa kasi baka may ginagawa na sila na hindi kaaya-aya.
Aba!!
Hindi pa tapos?!
Tsaka wala na silang shirt dalawa.
Tsk, tsk, tsk.
Mga mahalay!!!
*ting!*
Tumunog na yung indicator ng oven.
Hmm! Ambango ng gawa ko!
Dinala ko yung lasagna sa dining table.
Nag-slice ako at inilagay ito sa dalawang platito.
Nagtimpla rin ako ng juice.
Inilagay ko sila sa tray at pumunta na ako sa sala.
Ayun, parang hindi nga nila naamoy yung lasagna na gawa ko eh.
Lunod na lunod sila sa isa't-isa.
"Excuse me, mag-snack muna kayo. Baka nagugutom na kayo sa pinag-gagagawa ninyo eh."
Napatigil silang dalawa sa paglalampungan.
1 second
2 seconds
3 seconds
"SABRA?!" Sigaw nilang dalawa.
"Hi." Malamig na sabi ko.
Kinuha nung babae yung blouse niya at itinapis sa dibdib niya.
"Sab? Akala ko ba mamaya ka pa uuwi?" Nagtataka at nakakabahang tanong ni John.
Um-insert naman si girl.
"Dito ka nakatira? Wait, hindi ko na pala dapat tinanong yun. Yun ngang ~~~"
Hindi niya naituloy yung sasabihin niya dahil pinigilan siya ni John.
"Stop it Jennette!"
"Totoo naman ah!"
"Ako pa ang malande? You don't even know the real story, you cheap bimbo!" Sabi ko.
"I'm not the cheap bimbo here. You are! Kung hindi mo ba naman pinatulan si~~"
"I said stop it, Jenette!! Sige na umuwi ka na!" Inilagay ni John yung dalawa niyang kamay sa mukha niya tsaka yumuko.
Sinuot ni Jenette yung blouse niya at kinuha yung bag niya.
"I will."
Tumayo siya at lumabas pero huminto muna siya.
"By the way, your boyfriend is such a good kisser." Bulong niya sakin.
"Jenette or whatever. Please tell that to someone who cares, kay?" Sabi ko habang naka crossed-arms.
"Bitch."
I just rolled my eyes with what she said.
Boyfriend? Bitch?
Oh, come on!!
BINABASA MO ANG
I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]
General FictionLIVING WITH THE MAN YOU HATE THE MOST. Isang babaeng may madilim na nakaraan na ipinalayas sa kanyang bahay at kinupkop ng isang lalakeng ubod ng bait pero medyo manyak. Parang may mangyayaring hindi maganda. So, sit back, relax, and enjoy this stor...