Chapter 1

2 0 0
                                    

Curfew
-

Kath's POV

"Fuck! Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi ito tama, maling mali! Hindi to pwede, kailangan kong tigilan to" sabi ko sa kaibigan kong si Rose na kausap ko sa telepono.

"Kath, alam mo hindi naman maiiwasan yan e. Kita mo ha, lagi kayong magkasama at magkausap. Babae ka at lalaki siya! Anong mali dun?" Giit ni Rose sa kabilang linya.

"Mali na mahal ko siya, masisira lang nito ang pagkakaibigan namin" sagot ko sa panay ang buntong hininga kong kaibigan na nasa kabilang linya parin.

"Kath! Ano ba ha? Ano gusto mo ha? Oo mali na mahalin mo siya kase masasaktan ka. Pero ano bang magagawa natin? Wala naman diba" payo ng kaibigan kong kulang nalang e ipamukha nalang sakin na sakit lang ang dulot nito sa akin.

Naputol ang aming pag uusap dahil dumating dito ang best friend/ mahal kong si Cedric.

"Oh ano nanaman yang drama na yan ha? Hm you girls are soo...."

"So what, huh Ced?" tanong ko sa mataray na tono. Damn, kung alam lang niya. Pero I won't let that happen, I would do my best para iwasan ang mahalin siya. Wtf! Is that even possible. Pero iiwasan ko to sa lahat ng makakaya ko.

"So never mind, tara na! Yan na ba susuot mo sa party? Grabe akala ko pa naman ang taas ng taste mo sa fashion!" sabay halakhak at upo sa tabi ko.

Hell! I forgot about the party. Oh God! Im just wearing a spaghetti strap and a pajama right now. Ugh. "What was that supposed to be? A joke, eh? Well that ain't funny. Go out! I'll just change, asshole!" sabi ko dahil sa inis at hiya na nararamdaman ko ngayon.

"Uh-oh did I push the bitch button on? Or Damn do you have a period girl? Chill. Im just joking. Wag ka magtagal please, it's already late" sabay ngumiti at kumindat sa akin, at tumayo na para lumabas.

Ugh bwisit na yon! Feeling ko matutunaw ako dahil sa kindat niya, hindi ko mapakalma ang mga paruparu sa tiyan ko! Walangya! Nagpunta ako sa walk in closet ko para mamili ng damit. Isang plain black midriff at floral na bandage skirt. Night party iyon at wala namang theme kaya ayos na ito. Kinuha ko ang black pumps ko at isinuot. Nagaayos ako ng buhok ng biglang pumasok si Cedric sa kwarto ko.

"So, you are trying to be matchy with me?" Sabi niya ng nangingiti pa.

"Fuck, what are you saying" sabi ko nang hindi siya nililingon.

"Turn around my love!" sabi niya at humalakhak

"Damn! Are you--" naputol ang sinabi ko at napahawak ako sa bibig ko nang nakita kong matchy nga ang suot naming dalawa. He's wearing a floral polo shirt, a black pants and a vans gum sole kicks. "No! I never meant to be like this! Hindi ko napansin! Go out, I'll change again."

"No, my love. It's almost time and I like to be matched with you." sabay ngisi at akbay sakin.

"Shut up idiot! Don't call me your love, cuz' I'm not." Sabi ko sabay irap sa kawalan

"No, you'll always be my love, bestfriend" at hindi parin ako nilulubayan sa pag akbay.

"Yeah, bestfriend" sabay nguso at senyas na okay na ako at makakaalis na kami.

"Wait, let's take a pic first." sabi niya habang inilalabas ang kanyang cellphone.

Umiling ako pero wala nakong magawa nang hatakin niya ako at napaupo sa tabi niya. Inilagay niya ang kanyang phone sa harap namin para mag-selfie "Smile for me, please" bulong niya sa tenga ko. Nakailang picture din kami at hindi pa siya nakuntento. Pag baba namin ng hagdan ay tinawag niya ang kapatid kong si Kyle para daw kuhaan kami ng picture. Tumango ang kapatid ko at sinunod ang utos ni Cedric. Nagpaalam kami sa aking mga magulang, binigyan ako ng curfew pero binaliwala ko at umalis na.

Sumakay kami sakanyang Chevy na nakaparada sa harap ng bahay. Sa frontseat ako umupo, pinaandar agad niya ang kanyang sasakyan at umalis na kami. Tahimik lang ang naging byahe at tanging radyo lang ng sasakyan ang gumagawa ng ingay sa sasakyan. Dumating kami sa Valk at halos maingay na ang lahat, marami na ang tao at mayroong mga lasing na, siguro ay kanina pa nagsimula. Napahiwalay ako sa kanya ng hinatak ako ng mga kaibigan kong babae na nadoon rin. Ilang oras na inuman at sayawan. Napahinto ako nga hawakan niya ako sa braso at kinaladkad papunta sa may bar counter kung saan medyo tahimik.

"What now?" Sigaw ko dahil gusto ko pang pumarty.

Inilapit niya ang bibig niya sa aking tenga at sinabing "Curfew" sabay turo sa kanyang relo.

Gosh! Really? Iuuwi niya ako on time? What is he my father? I hate curfews. Late na nga ako dumating maaga pa aalis. Well, kasalanan ko kung bakit late pero ang aga pa. Ang naalala kong curfew na binigay sa akin ay 3 am. It's just 1:00 am for God sake! The heat is just starting!

"No, ang aga pa Ced!" Sigaw ko at umambang aalis na para bumalik ngunit hinawakan niya ako at kinaladkad paalis sa Valk.

Panay ang mura ko sakanya ng papunta na kami sa parking lot para sumakay sa kanyang Chevy.

"Stop talking shits! Let's go!" Sigaw niya at bukas ng pinto para makasakay.

Umikot siya at sumakay narin sa kanyang sasakyan, hindi na ako nagsalita dahil sa inis ko sakanya. Umalis na kami doon.

Sa kalagitnaan ng daan ay napansin kong hindi iyon papunta sa bahay namin. Oo, nakainom ako pero hindi ako lasing para hindi mapansin iyon.

"Where are we going?" tanong ko ng hindi inaalis ang mata sa daan.

"Seaside, let's talk" sabi niya sa malamig na tono.

"Talk about what?" tanong ko dahil curious nako sa kung ano nanaman pakana nito at gagawin niya"

Matagal siyang sumagot. "We're here" yun lang ang kanyang nasabi sa akin.

"So, what is it now?" Tanong ko habang umuupo sa bench malapit sa pinagpark-an nya ng sasakyan.

"I saw you dancing and talking with your ex" sagot niya at tumabi sa akin sa bench

"So, what's wrong with it?" sagot ko sabay yakap sa aking braso dahil nilalamig nako.

"Hm. I thought you hate him? That you don't wanna talk to him. Im just worried that you'll go crazy over that jerk!" At mas lumapit pa sa akin

"Aw, thanks dude! Wag ka magalala, hindi naman ako ganun katanga para magpaloko ulit no" sagot ko sabay siko sakanya at ngumisi.

"Well, I'm glad na natauhan kana!" Sabay akap sakin. "So, lika na. Iuuwi na kita.

At bumalik na kami sa sasakyan at inuwi na talaga niya ako.

Forever, Remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon