*ito ay hango lamang sa mga karanasan at sabi sabi.
Sa isang relasyon daw ay may mga prerequisite na yugto para tumibay at mas maging masaya.
Una; 1st month [covered pa ng "honeymoon stage"]
(oo, kahit 'di pa kasal, iba na ngayon)
Dito nyo mapapansin ang mga physical flaws ng bawat isa na hindi ninyo nakita nung una, kasama na dito yung "sungki pala siya". Dito magkakaron ng "akala ko ganito sya". Dissapointments. pero dahil naniniwala kang sya na si "the one", e ipupush mo pa din.
Pangalawa; 4th to 6th month
Dito yung makikilala mo na yung mga ibang tao sa buhay nya kasama na yung naging crush nya ng kinder, na mukha kang tanga pinagseselosan mo pa din hanggang ngayon, iistalk mo pa sa social media para sa ikagagaan ng loob mo na mas maganda ka sa kanya sa pamamagitan ng dami ng likes at dami ng nagcocomment na "gandara", "ganda mo", "ganda talaga", "lalong gumaganda" basta may ganda isama mo pa yung "ayan nalike ko na".
Pangatlo: 11th month to 1st year
Eto yung magkakaroon na kayo ng medyo seryosong away.
Yung may sense, halimbawa kukunin na si bae ng kamag anak nya sa ibang bansa at magkakahiwalay kayo, kung kaya nyo ba ng LDR, pero sa totoo lang gawa gawa nya lang yun, pang thrill lang sa relationship. Yes, may mga ganyan. Pero meron din mas seryoso katulad ng kawalan ng career goal ni bae at ang 'di mawala walang pagseselos sa kung sinong chick dahil laging nilalike ni bae yung picture nya. Meron pang iba na agbebreak sa mismong 1st anniversary para lang masabing umabot sila ng isang taon.
pangapat: 2nd to 3rd year
Dito na yung mararamdaman ninyo na "nakakasawa" na may mga darating sa buhay niyo at maiisip nyo na "I deserve better" dahil kilala niyo na ang isa't isa pati uto't na walang tunog sa public kilala nyo kung si bae yun, idagdag mo pa yung mga 'di natapos na away na pinabayaan nalang para 'di nalang mag away at syempre ang di matapos tapos na selos. Madalas dito na nagbebreak yung mga di talaga meant to be pero pinush.
Pang lima: 5th year
Aba umabot pa kayo dito? e di wow! Bawat relasyon may haharapin na problema depende sa pinagsamahan niyo. dito nyo masasabi yung "nagbago ka na" o "di ka na nagbago".
Pang anim : 7th year to 8th year
aba naman talaga ang tibay niyo! push!
dito na yung iisipin ninyo lahat lahat!
mula sa simula!
magbobolahan pa kayo na "parang kahapon lang"
Depende sa edad niyo pero dito na yung maiisip
niyo yung totoong future niyo. Hindi yung biro biro na "ilan gusto mong baby" at "anong ipapangalan natin sakanila", "boy or girl?" ewwww. dito na yung seryoso. na malungkot kasi mapapatanong ka kung siya na ba talaga ang gusto mong maging forever.
sabay may dadating na bago.
fresh. better.
na mapapasabi kang "ito na to, sya na"
BINABASA MO ANG
A challenge?
RomanceIto ay isang storya na 'di ko maipapangakong may katotohanan pero kahit papano meron naman. hango sa pinagsama samang karanasan ng kung sino na baka isa ka. sa mga naniniwala sa destiny, forever, the one at kung ano ano pang kalokohan na ituturin d...