Tinipon at iginuhit ni Boy F. Madriguera
Matagal na panahon na ang nakaraan, may isang kabataang lalaki na labis na iginagalang ng matatanda. Siya ay si Manto. Pinamumunuan niya ang isang nayon ng mga Igorot na kilala sa tawag na Suyok. Bukod sa malakas ay matapang si Manto kaya naman mataas ang pagtingin sa kanya maging ng matatandang pantas.
Ang Suyok ay isang tahimik na komunmidad kung saan may tapat na malasakit sa kanilang kapwa ang mga naninirahan ditto. Malaki ang takot nila sa kanilang Bathala kung paanong malaki rin ang kanilang pagmamahal ditto dahil sa tuwina ay maganda nilang ani. Isa sa paraan nila ng pagpaparangal sa mga anito ay ang pagdaraos ng kanyao.
Halong lingo-linggo ay nagdaraos ng kanyao ang mga taga-Suyok. Nagpapatay sila ng mga baboy-ramo na kanilang inihahanda. Nagsasayaw sila at umaawit bilang papuri sa mga anito.
Isang araw ay naisipan ni Manto na magpunta sa gubat para mamana ng ibaon. Eksperto siya sa pamamana at walang nakaliligtas sa kanyang busog at palaso. Nang araw na iyon, sa kanyang paglalakad ay nakakita si Manto ng isang daraanan at parang hinihintay siya.
Nagtaka si Manto nang hindi man lang tuminag ang uwak nang lumakad siya palapit rito. Lalo siyang nagtaka nang mapalapit sa kinatatayuan nito.
Ang ibon ay tumitig kay Manto at bago pa siya nakakilos ay tumango ito sa kanya ng tatlong beses. Pagkatapos noon ay lumipad na ito. Matapang si Manto pero ng sandaliing iyon ay kinilabutan siya. Hindi niya kayang ipaliwanag kung anon ang nararamdaman.
Bumalik si Manto sa nayon. Ipinaalam niya sa matatandang pantas ang nagging karanasan. Ang sabi ng mga ito ay maaring sugo ng kanilang Bathala ang ibon. Marahil, anila, ay ipinaaalala nito na kailangan na nilang magdaos ng kanyao.
Noon din ay nagpakalat ng utos si Manto sa buong nayon ng Suyok. Ipinaalam sa lahat ang pagdaraos ng espesyal na kanyao. Nagkakaisnag kumilos ang lahat. Isang magandang altar ang ginawa ng kalalakihan. Ang kababaihan naman ay naghanda ng pinakamasasarap na putahe.
Isang malaking baboy ang hinuli nila at inialay sa Bathala upang kung sakali man at galit ito ay agad na mapawi. Napatda ang lahat nang masaksihan ang pagbabago ng anyo ng baboy-ramo. Nagging isa itong matandang hukluban.
Maging si Manto ay hindi nakapagsalita. Tulad ng mga nasasakupan ay waring umurong din ang kanyang dila.
Lumukob ang takot sa lahat ng mga taga-Suyok.
Nagsalita ang matanda. Sinabi sa kanila na huwag mangatakot. Sinabi pa nitong gagantimpalaan ang kanilang kabutihan at katapatan sa Bathala.
“Isa lamang ang aking pakiusap,” anang matanda.
“Maglagay kayo ng isang tasang kanin at ilagay sa aking tabi.”
Ipinagbilin rin ng matanda na sukluban ito ng isang malaking palayok habang ipinagdiriwang nila ang kanyao. Pinabalik sila ng matanda sa ikatlong araw.
“Makakakita kayo ng isang uri ng punongkahoy na hindi pa ninyo nakita sa buong buhay ninyo. Maaari ninyong kunin ang bunga nito pero hindi ninyo maaaring galawin o sugatan man lang ang katawan nito,” mahigpit nitong bilin.
Ang lahat ng ibinilin ng matanda ay mahigpit na tinupad ng mga taga-Suyok. Pagkaraan ng tatlong araw ay bumalik sila sa lugar kung saan nagpakita ang matanda. Makaraan nilang alisin ang pagkakataklob ng palayok ay nakita nila ang isang munting punongkahoy. Kakaiba iyon dahil isa itong gintong punongkahoy! Mula sa ugat hanggang sa pinakamaliit na sanga at dulo ng mga dahon ay lantay itong ginto.
Nagdiwang ang mga tao. Malaking kayamanan ang dumating sa kanila at labis-labis ang kanilang ligaya.
Unti- uni, ang mga nasasakupan ni Manto na dating simpleng mga tao ay nagging mapag-imbot at mga sakim. Nawala ang pagbibigayan at pagmamalasakitan.
Samantala ay patuloy sa pagtaas ang puno. Ilang panahon pa at mabilis nitong pagtaas ay halos umabot na ang dulo nito sa langi.
Nag-usap ang mga taga-Suyok. Pinagmitingan nila kung ano ang pinakamainam na gawin sa puno. May nagpanukala na putulin na ito at paghatian ng lahat ng tagaroon. Naging mahirap na kasi sa kanila ang pag-akyat ditto para kunin ang mga bunga nito at mga dahon.
Pinigil ni Manto ang mga Igorot. Ipinaalala niya ang tungkol sa bilin ng matanda. Pero sa pagkakataong iyon, nangibabaw na ang kasakiman ng mga tao at ayaw nang making sa kanya.
Hindi napigil ni Manto nang kunin ng kalalakihan ang kanilang mga itak at mga palakol. Ang iba naman ay kumuha ng matalas na sibat. Tinaga ng iba ang puno para mabuwal ito. Ang iba naman ay pilit na pinaluwag ang lupa sa pagitan ng mga ugat ng puno. Tuwang-tuwa ang mga tao dahil malapit nang mabuwal ang puno. Pero gayon na lang ang sindak nila nang biglang kumidlat ng napakatalim at kumulog ng ubod-lakas kasabay nang pagbuwal ng puno. Nayanig ang lupa at bumuka sa mismong binagsakan ng puno.
“Ginantimpalaan ko ang inyong kabutihan, pero ano ang inyong ginawa? Ibinigay ko sa inyo ang gintong puno upang umunlad ang inyong buhay. Sa halip, ito pa ang naging sanhi para sumama ang inyong mga ugali, maging sakim at mawalan ng pagmamahal sa kapwa. Sa ginawa ninyo ay parurusahan ko kayo.”
Dahil sinaktan ng mga taga-Suyok ang puno, anang matanda ay hindi na nila ito basta makikia. Kailangan daw paghirapan ng mga tao ang paghuhukay bago muling makakuha ng ginto. Napagmaang na lamang ang mga taga-Suyok nang Makita nila ang unti-unting paglulon ng lupa sa gintong puno.
Mula noon, nakukuha lamang sa pamamagitan ng paghuhukay ng lupa ang mga minang ginto sa Baguio.By:jeovie Reyes