Dawn's POV
"Nagmamadali akong lumakad papunta ng elevator, ayokong malate sa bagong trabaho ko , i have still 15 minutes kelangan kong makarating agad sa office ,
Ting*
Haixxx , salamat bumukas din , dali dali akong pumasok at pumwesto sa likod , medyo madaming sakay itong elevator , at naiinis pa ako kasi naman ang tagal tagal magsara malelate na ako , eksaktong magsasara na ng may pumigil sa elevator at pumasok , medyo naipit pa ako sa likod kasi umurong ung mga nakasakay para bigyang space ang sumakay , nagtaka naman ako , gaano ba kaimportante ang taong un at ganun na lang makareact ang mga tao dito , natigil ang pagiisip ko ng makita ko kung sino yun ,
Medyo tumago naman ako sa likuran ng mga tao na nasa harap ko para hindi nya ako mapansin, bumilis ang tibok ng puso ko at bumalik lahat ng memories, mga hindi masyadong masayang memories , more on hatred ,
Memories of Frank Richard Tan
5 years ago
"Get off me Frank Richard! " hinigit ko ung braso ko na hawak nya , hila hila nya kasi ako palabas ng bar , as in kinaladkad nya ako ,
"Ano bang sinabi ko sayo , ang sabi ko sasamahan kita , pero hindi mo ako hinintay , kung hindi ako dumating malamang naikama ka na ng mga lalaking un , what the hell MARIE RACHEL " galit na galit na sya , sya lang ang tumatawag sakin nyan pag nagaaway kami
"Edi salamat sa pagdating , salamat din at nakahanap ka ng oras na makipagaway sakin , all i know lang naman na wala ka ng time sakin at ipinagpalit sa trabaho mo" sinabayan ko ung init ng ulo nya , hindi pwedeng ginaganito nya ako
"ayan , ayan ka na naman , pinaiiral mo na naman yang pagiging spoiled brat mo, hindi mo iniintindi ang mga sinasabi ko, kahit anong paliwanag ko hindi mo ipinapasok sa kokoti mo na madami akong inaasikaso sa trabaho ko " tama sya , ilang beses na naming pinagaawayan to
"Ang alam mo lang kasi ay ang trabaho mo , hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko bilang girlfriend mo, ang alam mo lang ay ang mga business affairs mo at ang mga babae sa opisina mo" sigaw ko pa sa kanya , super frustrated na sya, wala akong pakialam sa kanya , bwisit sya
"Ah ganun , kaya kung kani kaninong lalaki ka na lang sumasama at nakikipaglandian , di ba ang sabi ko ayokong sumasama ka sa Tonton na yan pero ang tigas ng ulo mo " gusto kong ilapat sa muka nya ang palad ko , pero pinipigilan ko , ako pa ngaun ang nakikipaglandian
"kaibigan ko sya , ikaw tong naglalagay ng malisya sa kanya, tsaka kasama ko ung mga college girl friends ko"
"Hindi masama kung hindi mo sya hinahayaang tsansingan ka , kung makadikit ka naman para kang linta, alam mo ba ang sinasabi nila na napakalandi ng girlfriend ko " sa sinabi nyang yun , napuno na ako ng galit at sinampal sya ,
"AHhhh , yung sabi nila , ung sabi nila ang pinaniniwalaan mo against me , kung ganun maghiwalay na lang tayo at maghanap ka ng matinong girlfriend" hindi ko paexplain ang sarili ko na gusto kong umiyak,sobrang disappointed ako dahil ganun ang tingin nya sakin , pero mas masakit ang sinabi nya ulit sakin
"Buti pa nga , pagod na akong umintindi sa isang katulad mo , spoiled brat and childish girlfriend" nasampal ko ulit sya, nashock ako dahil hindi ko alam na kaya nya akong sabihan ng ganun , agad akong tumalikod at tumakbo , it all ends there
end of flashback
Sa kamalasan ko , ako pa ang unang bumaba mula sa elevator, sigurado akong nakita nya ako, binilisan ko naman bawat hakbang ko ,nilingon ko sya saglit and our eyes met , shitt !
Hindi ko alam sa kanila pala ako nagtatrabaho, kahit gusto kong magresign hindi ko magawa, alam nyo kung bakit? kasi kelangan kong kumayad para makakain, oo spoiled brat ako pero noon yun nung buhay pa ang mga magulang ko, mayaman kami at lahat ng gusto ko nakukuha ko, pero noong naaksidente kami dahil nadisappont sakin si Daddy dahil nabunti ako, oo nabuntis ako at si Richard ang ama,naiwan akong nagiisa ng mamatay ang mga magulang ko. naiwan ako sa yaya ko habang buntis ako, pero di nagtagal nakuha samin ang mansyon, wala akong mapuntahan ng araw na un, sinubukan kong tumawag kay Richard pero alam nyo ba ang ginawa nya sakin, sinabi nyang hindi nya ako kilala, hindi nya alam na buntis ako , i tired to call her pero di nya sinasagot, pag gumagamit ako ng ibang number sasagutin nya pero kapag narinig nya ang boses ko ang sasabihin lang nya "Do i know you" ang sakit sakit ng mga ginawa nya sakin,