Chapter 20 - Empty

34.9K 654 59
                                    

This chapter is for inLoveWithLesterGiri! Thank you sis! :))

Thank you po ng marami sa feedback niyo nung nakaraan. I'm so happy! Labyu guys! :*

Sorry kung walang masyadong Mi-Gi Scenes sa chapter na ito. Peace!

Enjoy!

===========================

CHAPTER 20

Naghari ang kaba sa dibdib ni Mikay nang imbes na sa bahay ay sa isang ospital siya dinala ng kuya niya. Did it mean that her father was really sick?

“Kuya? Nandito si Papa?” pagkukumpirma niya bago bumaba ng sasakyan.

Her fears were confirmed when her brother silently nodded. Guilt washed over her. Hindi siya makapaniwalang naging napaka-makasarili niya. Malala na pala ang lagay ng ama niya, ngunit nakuha pa niyang unahin ang sarili.

“Kailan pa?”

“Labas-pasok siya ng ospital. It got worse over the past month. Dala na rin siguro ng pag-aalala niya sa’yo.”

Lalo siyang nahiya sa sarili. She really was one selfish brat. “What is wrong with him?”

Sumunod siya sa kuya niya papasok ng ospital. The got in an elevator. Naghintay ito na sumara ang pinto noon bago siya sinagot.

“Mahina na ang puso niya. Tumaas ang blood pressure niya. The doctors said it was nothing serious. Makakalabas na siya ng bukas. But as much as possible, dapat daw ilayo ang papa sa stress. Kailangan na niyang mag-ingat.”

She nodded her understanding. Stress. That was exactly what he gave her father. Sakit ng ulo at kunsumisyon. Wala siyang kwentang anak.

Tumigil ang elevator sa ikalimang palapag. Ilang sandali pa ay binuksan na ng kuya niya ang isang pinto. She took a deep breath bago sumunod ditong pumasok.

Hindi niya alam kung paano haharapin ang ama. Kung paano siyang hihingi ng tawad dito. Kung mapapatawad pa ba siya nito.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon