TULA 2: Lumapit-lapit, Lumayo-layo

230 16 6
                                    

Humakbang ka para sundan siya

Ngunit nang bigla siyang lumingon,

iniwas mo sa kanya

ang iyong mga mata


Ano ba ito?

Bakit parang kinakabahan ako?


Ano ba iyan?

Parang nakakahiya namang lapitan.


Kunwaring humawak ka

sa isang gitara

Nabigla ka nang may

nakita kang kamay

na humawak din sa gitara

Ngunit mas nagulat ka

nang makita mo siya

sa tabi mo


Muling nagtagpo

ang inyong mga mata

Nginitian ka niya


Ngingitian ko rin ba siya?


Pero tumingin ka uli sa gitara

Napansin mo

na ang inyong mga kamay

ay magkadikit na


Lumayo ka

Kumunot ang noo niya

Nilingon mo siya

Subalit naglakad na uli siya

palayo


Ano na ang gagawin mo?



Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon