EOTD 1

4 0 0
                                    


"JADE!" Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang taong sumigaw ng pangalan ko.

Nakita ko si Irene na tumatakbo papunta saakin. Pinalupot niya agad ang kamay niya sa braso ko ng maabutan niya ako.

"Goodmorning." Bati niya saakin.

Si Irene ang bestfriend ko mula 1st year highschool hanggang ngayong 4th year. Mabait siya at kwela kaya nagkakasundo kami.

Mas malala lang yung saltik ko sa ulo, pero okay na yun. Kasi minsan si Irene parang babae talaga kumilos tapos medyo pabebe siya.

"Aga natin ah!" Masigla kong sabi sakanya.

Nagpatuloy kami sa paglakad papunta sa mga classrooms namin.

"Agang n--." Hindi natuloy ni Irene ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang my bumati sakanya. Dahilan para huminto kami sa paglakad.

"Goodmorning Irene."

Napapigil ako sa paghinga ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Goodmorning, Caleb." Nakangiting bati naman sakanya.

Magkakilala sila?

"Ay nga pala bestfriend ko si Jade. Jade si Caleb." Dagdag ni Irene. Inextend ni Caleb ang kanyang kamay para makipag shake hands.

Nagdadalawang isip ako kung makikipag shake hands ba ako sakanya. Baka kasi makaramdam ako ng kuryente pag hinawakan ko siya.

Ayaw ko namang masabihan na rude ako kaya inabot ko na lang din sakanya ang kamay ko. Nag shake hands kami, pero agad ko naman itong binawi dahil nakaramdam talaga ako ng kuryente.

Binaling niya ulit yung kanyang paningin kay Irene. May sasabihin pa sana siya kaso my biglang sumigaw ng pangalan niya.

"CALEB!" Sabay kaming napatingin sa pinang galingan ng boses at nakita ko si Miko ang bestfriend niya na papunta sa amin.

Tinanguan niya kaming dalawa ni Irene at binaling ang tingin kay Caleb. Tara na. Nagagalit na dun si Coach." Mabilis niyang hinila si Caleb dahilan ng hindi na ito nakapag paalam. Hindi pa naman sila nakakalayo bigla na lang sumigaw si Caleb

"BYE IRENE!!"

Hindi niya lang naman ako napansin.

Umiling si Irene at pinagpatuloy namin ang paglalakad. Humigpit ang pagka kapit niya sa braso ko dahilan para mapatingin ako sakanya.

Nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha at pagpigil niya ng kanyang ngiti.

Crush niya ba si Caleb?

"Crush mo siya no?" Pinilit kong maging natural ang boses ko

"Yiieee! Enebe weg ke nge." Bigla akong napatawa ng maging pabebe ang boses ni Irene

"Tangna Irene! Huwag ka ngang pabebe."

"Hahahah. Sorry naman po hindi ko lang napigilan." Tumawa siya ng mahina

"Gusto mo nga siya?" Pag tanong ko

"Ang totoo niyan...." kinagit ni Irene ang ilalim ng kanyang bibig bago ulit mag salita "dati na akong may gusto sakanya."

"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin to?" May halong inis kong pagsasabi

Edi sana noon pa lang pinigilan ko ng magka gusto sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

END OF THE DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon