Bagong umaga na naman. May klase na naman. Ano ba yan! Umagang-umaga bv ako.
Tinignan ko na lang yung picture ni Kenneth sa bedside table ko. Yieee. Inspiration ko yan.
"Good morning baby ko! Makikita na naman kita mamaya. I love you!" sabay halik dun sa picture niya.
Makita ko lang picture na okay na ako.
FYI, hindi ko po siya boyfriend. Pero malapit na. Promise yan! Pakipot lang talaga yun!
Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako at kumain. Kinuha ko muna yung nakabox na brownies na binake ko para kay Kenneth. Pinagpaguran ko to. Sana magustuhan niya!
Nagpaalam na ako sa mama ko at sumakay na ng tricycle. Medyo malapit lang yung bahay namin sa school.
Pagbaba ko ng tricycle, nakita ko agad si Kenneth na papasok na sa gate. Sakto!
Kaya lang naman ako pumapasok ng maaga eh dahil maaga rin siya. Mahirap na! Baka may lumapit na iba dyan! Hihi
Binilisan ko yung lakad ko para masabayan ko siya. Kasama niya yung kuya niya, si kuya Joshua.
"Hi!" bati ko sa kanilang dalawa. Nag-hi din sa akin si kuya Joshua. Nginitian naman ako ni Kenneth. Ang cute niya talaga!
Binigay ko na yung brownies na binake ko para sa kaniya.
"Thank you dito, Cassiopeia." sabay ngiti.
"You're welcome!" jolly kong sabi ko sa kaniya. Narinig ko kasi na gusto niya daw yung babaeng masayahin.
Nang dumating ang lunch break, pumunta na ako sa cafeteria para umorder ng pagkain. Hindi kase ako nagbabaon at tinatamad naman akong umuwi.
Nung nakita ko kung saan nakaupo si Kenneth, nagwave ako sa direksyon niya. Nginitian na naman niya ako. Haaaay! Ang cute niya talaga!
Pagkatapos niya akong ngitian, medyo nrinig kong inaasar siya nila Kuya Joshua tsaka nung iba nilang kasama. Bakit kaya?
Umupo na lang ako dun sa kung saan ako madalas umupo. Ayaw ko namang sabayang kumain si Kenneth baka sumusobra na ako.
Wala akong close friends. This year lang ako lumipat at isa pa, naiinis rin ang karamihan ng mga kaklase ko sa akin dahil parati kong nilalapitan si Kenneth.
Malandi na kung malandi pero nung una ko pa lang nakita si Kenneth, nagustuhan ko na siya. Guwapo siya at gentleman pa. Naging seatmates kase kami nung first grading kaya alam ko.
Pagkatapos kung kumain, pumunta muna ako ng CR.
Habang nasa loob ng isang cubicle, may narinig akong pumasok.
"Uy girl! Alam mo ba, nakita ko si Cassiopeia kanina binigyan ng brownies si Kenneth!" Huh? Ako yun ah? Bakit naman nila kami pinag-uusapan?
"Hahaha! Walang hiya talaga yun! Hindi niya ba nahahalata na asar na asar na si Kenneth sa kaniya? Napakadesperada niya!" sabi nung isa.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love (one shot)
Short StoryUnrequited nga ba o sadyang manhid ka lang talaga?