Maskara

133 0 0
                                    

Nagtatago sa tunay na katauhan

Na tila’y isang masakit na katotohanan

Isang rebelasyong pilit pinagtataguan

Ngunit lahat ng pagpapanggap ay may hangganan

Sa lahat ng pagkakataon, ikaw ay naiipit

Sumisiklab na damdaming, mahirap ipilit

Munting sugat sa puso, namumuo ang malaking galit

Lumalabas ang tunay na kulay, kailangan ng ipagpalit!

Masama at maitim na budhi

Impluwensyang nakuha sa naturingang ugali

Kanyang katauha’y, balot ng pagkukunwari

Sa mga ka-PLASTIKANG gawi, nasa huli ang pagsisisi

Mag-ingat sa taong may maskara

Bawat kilos at salita, may kasinungalingang kasama

Huwag basta-basta magtiwala.

Dahil iba ang iyong pagkakilala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MaskaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon