Lance ang pangalan niya. Chinito, matangkad, mapunti, matangos ilong... in short pogi siya. Haha Nasa 1st world country siya samantalang ako ay nasa 3rd world country. Advance sila ng mga isang oras ang bansa nila sa bansang Pinas.
Sa paningin ko may hitsura siya, actually crush ko siya noon. Pero ngayon ewan ko na. >_<
Schoolmate ko siya noon, pero bumalik siya sa Taiwan para ipagpatuloy ang pag aaral niya.
Kaya kami nagkalayo.Bago siya bumalik sa kanila, inamin niyang matagal na pala niya ako gusto.
At hindi ako mapaniwala dahil hindi ko alam kung totoo bang may ibang tao nagmamahal sa akin. At para bang wala akong tiwala sa ibang tao.
At ang lakas ng loob niya na sabihin sakin na gusto niya na ako ang makasama niya sa "poreber"
Hahah.
Hindi parin ako naniniwala xDAt nung pagbalik niya sa ibang bansa...makalipas ang ilang buwan bumalik siya ulit sa Pinas para kunin ang mga document niya sa school na naiwan At pinuntahan niya ako sa bahay ko.
Nag date kami sa SM, kahit na para saakin wala lang yun. Wahaha
Hindi ko siya gaano kinakausap kasi wala na akong english naubos na pero masaya parin siya at natatawa pa siya saakin kasi hindi man lang daw ako nagsasalita xD.
Nilubos niya ung mga araw na pwede pa siya mag stay sa Pinas.
Sinasabi niya saakin na mahal niya ako.
Pero hindi talaga ako mapaniwala na ako mamahalin niya??? XD nakakatawa talaga siya!
Problema saakin, Kahit ako nga hindi ko maisip na papahalagahan ako ng ibang tao.
... kung papapasukin ko siya sa puso ko, parang hindi pa ako handa sa mga time na yun na nakakasama ko pa siya. Masyado yata ako nagiging maingat sa puso ko, gayon na napaka laki ng pagkakaiba namin nagustuhan pa niya ako ng ganito?
Ngayon... sinasabi niya saakin na pupunta siya sa Pinas dahil gusto niya ako makita.
Kung pupunta siya ibig sabihin nun ganoon talaga ako kahalaga sakaniya kahit na 2 taon ng hindi kami nagkikita na pero naguusap naman kami thru social networking site.
Siguro takot ako mag take risk, or masaktan, baka sa huli umasa lang ako.
Pero nagdadasal ako na kung siya ay para saakin pagtatagpuin muli kami ng tadhana.
Kung mahal mo ako Lance, babalik ka.
Sabi mo ba't hindi ako magtiwala sayo. Sa tuwing binibiro kita na may ibang gusto kang babae maliban saakin.
Bakit ang usapan nalang natin parang may relasyon na tayo?
Ayoko ng M.U. gaya nga ng sabi mo gusto mo akong maging asawa, ibigsabihin hindi lang tayo sandalian lang kundi panghabang buhay na.
Pero hindi ako masyado umaasa sa pangako.
Patawarin mo ako, dahil masyado akong segurista.
Takot lang akong mawalan ng taong minamahal ko.
Ngayon hindi mo alam 'to, kasi hindi ka naman talaga nakakaintindi ng tagalog, at hindi ka naman mahilig magbasa sa wattpad... tingin ko nga hindi mo alam ito eh.
At ang alam ko, hindi ka naman writer/reader.
At iba ang pinagkakaabalahan mo.Hayy... darating din yung time na mawawala ang lahat ng kinakatakutan ko, wala ng matitira kundi pag ibig nalang lahat.
Malay ko ba, kung ikaw pala yung mag po prove saakin na pinaglalaban ako para mahalin.
Kung hindi naman.... :( sana hindi mo nalang ako kinausap nung mga panahong nanahimik ako sa tabi tabi. -_-
Sana dun kanalang noon na padaan daan sa daan ko, at hanggang crush nalang kita.
XD
Pero IF we're meant to be...
I will stay kahit na magkalayo tayo...
Secure me, at maaasahan mong may babalikan ka sa Pinas.
** nangliligaw palang yan. Pero iba kasi utak niyang taong yan, gusto asawahan agad >_< hahaha!!
BINABASA MO ANG
Kung Mahal ka babalikan ka
RomanceSi Lance at ako ay may magkaiba ng kultura, lenggwahe, kinalakihan, at magkaiba ang aming mundo. Pero Hindi ko akalain na magkakaroon kami ng munting mundo kung saan binuo ng sandaling panahon ng makasama ko siya. Sa una hindi ko pa siya feel pero...