Chapter 10

1.9K 70 1
                                    

Rhiana POV

"You look stunning." Chris blurted when he saw me.

Im wearing a lavender backless gown. Halos nga masira ang budget ko nang dahil sa damit na to eh. Mahal ang designer dress!

"Thank you." I said and smiled.

Tonight is the Org. Ball. Ngayon na din ang auction for the charity kaya lahat ang piniprepare ang mga pera nila for a gorgeous Sapphire Necklace na ginamit mismo ni Princess Diana noong nabubuhay pa siya.

Kung magkano man ang malilikom namin ay ibibigay namin sa isang charity na pinili namin ni Chris kaya dapat maging succesful ang gabing ito.

Kumapit ako sa braso ni Chris at sabay kaming lumabas ng hotel kung saan kami nakabook. Syempre separate room no! Kahit naman model tong kasama ko hindi ako tatabi! Like ewww!!!

"By the way Rhian, mamaya na natin makikilala kung sino yung caterer of the event. Diba gusto mong makilala kung sino yung gumawa ng Pineapple Chicken Dish?"

Tumango na lang ako bilang sagot.

Nasarapan talaga kasi ako sa pagkaluto eh. Ilang taon na dib simula nung makatikim ulit ako ng ganun kasarap na Pineapple Chicken. Hmm makahingi kaya ng recipe o kaya magpapaturo na lang ako!

"Ah eh pwede favor?" Tanong ko.

"Basta hindi involve tong gwapo kong mukha okay lang-- aray!!" Sinapok ko kasi. Feeling niya ha!

"Seryoso kasi!"

"Tss, oo na. Ano ba yun?" Tanong niya habang hinihimas yung batok. Gusto oa kasing masapok eh. Yan tuloy!

"Eh kasi magpapaturo sana ako dun sa chef na gumawa ng Pineapple Chicken, ang sarap kasi eh." Sabi ko.

Napangiwi naman siya.

"Yun lang?! Hay nako Rhian uso google no, inabala mo pa yung tao. Kita mong busy yun eh."

"Paano mo naman nalaman aber?? Atsaka madali din naman akong matuto eh. Sige na kasi." Pilit ko.

"Haisxt!!! Oo na. Pasalamat ka at cute ako."

"Eeeh ano connect?"

"Syempre pagbabae yung chef magpapacute ako."

"Ewan ko sayo!!!"

Jusko! Wag naman sanang buong gabi gumana ang saltik ng lalaking to!

==============

Nang makarating kami sa venue ng Ball ay agad kaming binati ng mga guest. Halos lahat nga ng mga sikat ng personalidad ngayon ay nandito. Pero hindi lahat sila gustong tumulong, well if i know publicity lang ang gusto ng karamihan sakanila.

"Christian, Ms. Velasco good evening." Bati ni Mr. Santillan. Isa sa mga major sponsors ng org. Kakarating niya lang kasi from New Zealand. Ninong siya ni Chris.

"Ninong! Mabuti po at nakarating kayo." Masayang sabi ni Chris.

"Ofcourse. I want to support you on your project and besides im willing to help."

"Well i guess we can start now the party."

Then we signaled the staffs para na simulan ang party. Dumeretso kami sa aming mga respected seats. Kasama ko si Chris, Mr. Santillan and other major sponsors sa table.

Nagsimula na ang bidding at nagsimula ito sa mga low cost materials. Well masasabing low cost nga ito but it still cost a huge money like the gown that Beyonce wore on the last Met Gala or the one Angelina Jolie wore on her Wedding.

Back For You (TLG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon