Andrea's POV
Tapos na ang kalse ko lahat pero nasa room parin ako. Ayaw ko kaseng makipagsabayan sa kanila at tsaka inaabangan ko pa si Andrei. Antagal naman nya. Hayyyy. Makauwi na nga.
Kinabukasan
Maaga akong pumasok sa school, pumunta muna akong cafeteria kase akala ko ako pa lang ang tao. Pagpasok ko, nadatnan ko si Andrei na kumakain din. Bumili na lang ako. Dun sa malayo sa kanya ako umupo kase nahihiya ako. Natapos na akong kumain, pagdaan ko sa table ni Andrei, hinigit nya yung isa kong kamay. Hindi naman ako nakapalag.Teka teka, Bakit ba nandito to? . Tiningnan nya ako sa mata.
"Ano ba! Ano bang problema mo?"
Nagawa na kami ng eksena dito sa Cafeteria. Yae na! Kahit nakakahiya!
"Umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba sa akin?"
"W-wala! Bakit naman ako magkakagusto sayo aber?!"
"Kung wala, bakit ka tumitingin sakin lagi?"
Nagulat naman ako. Pano nya nalaman?
"Huh?! Tumitingin? Sino? Ako? Sayo? Kelan?"
"Wag ka ng magkaila, kitang-kita kita lagi sa umaga, pagpasok ko, sa likod ng aking mga fans, nandun ka nakatingin!"
"Anong pinagsasabi mo?"
"Pag hindi ka umamin, sasabihin ko sa mga magulang mo na gusto mo kong pakasalan! Sige ka!"
"Argh! Oo na! Tumitingin na ako sayo lagI! Gusto kita! Ay mali, Mahal pala kita! Ano masaya ka na?!"
"HAHAHAHAHA! Sabi na nga ba eh! Hinuhuli lang kita, di ko alam na ganun ka pala kadaling utuin!"
Halos lumabas na yung ugat nya sa leeg kakatawa!
"Grabe ka! Bahala ka nga!"
Iniwan ko na sya dun na mamamatay na kakatawa!Kala nyo galit ako 'no?Well, Konte, Nakakahiya kaya! Pero Hinding hindi komagagawang magalit sa taong yun. So alam na nya, kaya ipagpapatuloy ko na.Tuwing umaga, nakikisigaw na din ako pero halata naming naiirita sya sapagsigaw na ginawa ko. Wahahahaha! Inulit ulit ko lang 'yon tuwing umaga.Sinusundan ko sya lagi pero lagi naman nya akong tinataboy. Hanggang mataposako ng Grade 10 ganun ginagawa ko, ganun din naman sya. Lagi pa rin akongtinataboy. Pero one time, ipinahiya nya ulit ako sa buong campus.That time Hindi ko kinaya.Ayos lang naman na tinataboy, pero yung pahiyain ako sa buong university? Yunang di ko kaya. Ilang araw akong umiiyak. Hanggang sa dumating yung kababata kona umamin na may gusto daw sya sakin. Tinanong nya ako kung pede ba daw syamanligaw. Nung una ayaw ko, pero nung naalala ko yung ginawa ni Andrei, biglangnagbago ang isip ko. Pinayagan ko sya. Tapos hiniling ko kina mommy na dun nalang ako magaral sa ibang bansa. Pumayag naman sila basta ba daw kasama si JohnPaul. Sya yung kababata ko. John Paul Vanguardia. Pumayag na rin ako na kasama sya.