Ngayon, nasa airport na kami ni JP. Iniintay na lang namen ang flight namin. Habang nag-iintay kami bigla ako tinanong ni JP.
"Sigurado kana ba talaga dito Payat?"
"Oo Naman Payat. Bakit mo naitanong?"
"Wala naman. Baka kasi pag nandun na tayo Bigla ka na lang magbago."
"Oy. Ano ka ba. Diba sabi ko sayo Ikaw ang pinili ko? Kaya wala ka ng dapat ipag alala."
Rinnnnng. Rinnnnng.
"Payat, Wait lang a? Sagutin ko lang to. Si Mommy kasi yung tumatawag e."
"Sige payat Take your time!"
"Dito ka lang ah! Wag kang aalis!"
"Opo Boss! Dali na! Sagutin mo na baka magalit pa Si Titaaa!"
"Oh Sige."
Napaisip ako sa tinanong ni JP. Paano nga kung Magbago ako. Well, Mahal ko pa din naman si Andrei e. Pero anong magagawa ko, Wala eh. Sinaktan na nya ako.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Andrei's POV
Nung araw na umamin sakin si Andrei, obrang saya ko na nun! Lalo na nung araw araw na nya akong sinusundan. Pero syempre kailangan kong magpakipot. Bakla lang ang peg, Syempre! Para di halata na may gusto ako sa kanya. :D Pero Nung isang beses pinahiya ko si Andrea sa campus, hindi ko sinasadya yun. Natapatan lang na Nandun sya ng araw na yun. Yung araw na yun ang pinakapangit na ginawa ko sa buong buhay ko. Ipahiya mo ba naman ang Babaeng mahal mo sa buong campus. Pagkatapos nun, hindi na nya ako sinusundan. Nakakapanibago. Tapos pag nadaan ako sa room nya. Wala palagi. Akala ko nung una absent lang. Nung pumunta ako sa Guidance, Nalaman ko na kakakuha lang ng card nya. Magtatransfer na sa ibang bansa. Sobrang sakit nung nalaman ko na aalis na sya. Pero anong magagawa ko, Pinahiya ko sya eh. Sinaktan ko ang babaeng mahal ko. Kinabukasan Pumunta ako sa bahay nila, Oo sa bahay nila. Kung nagtataka kayo kung bakit alam ko, Well ako pa ba? Pagkapunta ko, saktong nasa garden sila kaya kita at dinig ko sila. Oo sila. May kasama syang lalaki at masaya silang naguusap. Grabe. Ang sakit. Di ko kinaya. Umuwi na lang ako dahil feeling ko durog na durog yung puso ko. Ang bakla man isipin pero ganun talaga. Hayyyyyyyyyyyyyy! Pero kahit ganun, di ko parin sya natiis, Mahal ko eh. At gusto ko ring sa kanya marinig yung nakita ko nung isang araw. Pumunta ulit ako sa kanila pagkalipas ng ilang araw, pagbaba ko sa sasakyan nadatnan ko yung yaya nila sa labas. Tinanong ko kung nasan si AndreaTapos yung sagot nya, talagang dinurog ang puso ko.
"Umalis po si Ma'am Andrea. Pupunta po syang ibang bansa. Kaaalis lang nya. Kung gusto mo, pumunta kang airport. Baka maabutan mo pa."
Tumakbo agad ako sa sasakyan ko. Dali dali akong nagdrive. Habang nagdadrive ako Tinawagan ko yung tita ko sa Airport. Ipapahanap ko si Andrea sa kanya. Pero ayaw sumagot eh. Jusko. Wag naman sana . Ayokong mawala ang babaeng mahal ko ng dahil lang sa pagkakamali ko. Paulit-ulit akong nagdasal na sana di pa nakakaalis si Andrea. Promise, wag ka lang umalis Andrea, mamahalin kita ng buong puso! Pangako! Para akong tanga na kinakausap ang sarili. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko, di ko napansin na may truck pala akong kasalubong. Sinubukan kong ipreno ang sasakyan pero ayaw gumana. Tatalon sana ako, pero wala na akong nagawa. Tumama na ang truck sa kotse ko. Hanggang sa naramdaman ko na unti unting namamanhid ang katawan ko. I love you, Andrea