PUMAILANLANG ang masigabong palakpakan matapos ang farewell speech ni Lirika sa entablado. Itinaas nito ang hawak na diploma sa direksyong kinaroroonan ng kanyang pamilya maging ang mga medalya na nasa leeg.
It was her much awaited moment and indeed the happiest one as she commence to another milestone in life. Yet, there's something missing. Wala sa okasyong iyon ang lalakeng kukumpleto sana sa kanyang kasiyahan.
Mabilis na binura ng dalaga ang pagguhit ng mapait na ngiti sa labi. Iwinaksi nito sa isipan ang tungkol sa alaala ni Nathan. Hindi niya ito dapat pag-aksayahan ng panahon o pagtuunan ng kahit katiting na pansin.
Tatlong buwan na rin ang lumipas nang huli silang magkita sa treehouse. Ipinasundo siya nito kay Eldrew at kinaumagahan ay hindi na niya ito nasilayan pa hanggang lisanin nila ang Rancho de Apollo.
Mula nang araw na iyon ay walang oras na hindi niya nakalimutan ang sinabi nito, tumanim ito sa kanyang puso at labis na nag-iwan ng malalim na marka. Siguro kaya siya nasaktan ng sobra ay dahil inakala niyang espesyal siya dito.
Napayuko si Lirika. Marahan itong umiling. Hindi dapat magkaroon ng puwang si Nathan sa buhay niya. Hindi ito nararapat na maging bahagi ng kanyang tagumpay.
Nakangiting bumaba ng entablado ang dalaga. Nakasunod ang tingin ng mga tao dito hanggang tumapat ito sa mga totoong naging inspirasyon niya.
"Ipinagmamalaki ka namin, anak!" luhaang wika ni Dina.
Hinubad ni Lirika ang walong medalya, isinuot niya ang mga ito sa mga magulang at tatlong kapatid.
"We're very proud of you, Ikang!" wika ni Eldrew na agad namang itinuwid ng ama. "Lirika daw dahil dalaga na siya!"
Nagkatawanan ang pamilya. Mahigpit na nagyakap ang mga ito.
Matapos ang programa ay dumiretso na ang Gonzales sa kanilang tahanan at dito ay pinagsaluhan nila ang kanilang handa kasama ng mga taong malalapit sa kanila.
"Bakit parang malungkot ka yata?" puna ni Allyda. "Cheer up! Graduation mo 'to at hindi burol!"
Pilit na pinasaya ni Lirika ang mukha. "Pagod lang siguro ako, 'te. Bakit nga pala hindi mo kasama si Kuya Opium?" Kanina pa niya ito gustong itanong, pero hindi siya makakuha ng pagkakataon. Humabol lang kasi ang kapatid dahil foundation day kahapon ng eskuwelahan ni Apollo at may partisipasyon silang mag-ina sa taunang aktibidad dito.
"Ngayon din kasi ang araw ng unang concert ng banda ni Nathan sa Araneta."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lirika sa pagbanggit sa pangalan ng binata.
"Hiniling niyang kasama ang buong pamilya para dumalo. Gusto nga sanang sumama sa akin ni Opium, pero alam kong mas importante sa kanya na naroon ang presensiya sa pamangkin."
"Okay lang," halos pabulong nitong saad.
Hindi na siya aasa. Ano naman ang dapat niyang asahan? Walang pakialam sa kanya si Nathan. They are simply acquintance at hanggang doon na lang 'yun.
----
"HOY!"
Napapitlag si Lirika mula sa pagkakatitig sa kaharap na libro, nag-angat ito ng mukha. Bumungad sa kanya apat na kaibigan at kasamahan sa boarding house kung saan ay mahigit isang linggo na silang nanunuluyan para sa kanilang review at nalalapit na license exam.
"Sumama ka na."
"Ha?" pagtataka nito na inisa-isa ng tingin ang mga nakapaligid sa kanya. Magkakaklase rin sila at napagkasunduan nilang sabay-sabay na luluwas ng Maynila para sa review at exam.
BINABASA MO ANG
AWIT NG PAG-IBIG (Book 3: Rancho de Apollo) by: Lorna Tulisana
Roman d'amourIisa lang ang pangarap ni LIRIKA sa buhay, ito ay ang makapagpatayo ng gusali na papantay o hihigit sa katanyagan ng Eiffel at Paris Tower. Nagtapos siya sa kursong Civil Engineering as Summa Cum Laude at tumanggap ng mga parangal bilang pagkilala s...