Si Ema

62 10 2
                                    

Kaibigan ko siya...

---

Masayahin siya, mabait at makulit.

Pero minsan pabago-bago ang mood.

"Psst."

Lumingon ako sayo. Ilang upuan ang layo sa akin.

Sinenyasan mo ako na umupo sa pwesto mo.

"Pano 'to?"

Nagpapaturo ka na naman.

"Nakalagay naman diyan yung directions ah?"

"Di ko maintindihan, turuan mo na lang ako."

Kinamot mo ang iyong batok katulad ng lagi mong ginagawa kapag nagsasagot ka.

Madami akong pedeng makasama sa room. Kahit kung sino-sino na lang. Ewan ko ba kung bakit ikaw yung lagi kong kasama.

Siguro madami tayong pagkakatulad.

Uwian na, simula na naman ng mahaba nating pagkwe-kwento tungkol sa mga  bagay-bagay sa paligid.

"Kanina, tawang-tawa ako kasi si Giro. Yung shake niya sa desk, ininuman ni Ned..."

Ang haba ng sinasabi mo, pero tulala lang ako sa nilalakaran natin. Nakangiti kahit 'di gaanong nakikinig.

"... ayun, nagkasalo ng laway si Ned tapos si Giro. Tinanong ko si Giro kung anong lasa, nagtaka siya kasi lasang boy bawang daw. Haha."

Nakitawa na rin ako sa kwento mo. Nakakatawa naman kasi talaga. Hindi ko lang maisip na nips yung kinakain ni Ned kanina bago niya mainom yung shake ni Giro.

Mabilis lumipas ang oras, pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, nasa loob na ako ng bahay.

Ang pagkakaibigan natin ay parang pagsibol ng bulaklak sa tagyelo. Hindi pangkaraniwan.

Masaya kang kasama. Nakakatuwa, at nararamdaman ko ang presensiya ng tunay na kaibigan.

Sa sumunod na araw nagkaroon tayo ng saagutan na modyul.

Abala ako sa pagsasagot nang makarinig ako ng sitsit.

"Psst."

Ayan ka na naman at mangongopya.

Lumingon ako, sabay ng pagtawag sakin ng isa ko pang kaklase.

"Pakopya, upo ka dito sa tabi ko."

Sinenyasan kita ng 'saglit lang'.

Nilingon ko ang nasa unahan kong  si Kris.

"Diba 'pag sinabing lungsod-estado, polis 'yon?"

"Oo, may sagot ka na ba sa gawain 2?"

"Meron, ito oh."

Binigay ni Kris yung modyul niya sakin at kinopya ko 'yong ilang sagot.

Nang matapos na ko magsagot lumingon ako sayo.

Nakahalumbaba ka, nakatingin sa kawalan, at halata ang pagkainis sa mahinahon mong mukha.

Si EmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon