Short Story

18 1 1
                                    

One Day Nightmare Love
Copyright ©
By Kresmel
___________________________

Five pa lang ng umaga ay nagising na si Kathryn dahil family day nila ngayon at pupunta sila sa Rizal Park. Minsan lang silang magpunta dito dahil sa busy na schedule nilang pamilya.

Maganda si Kathryn at nagiisa lang siyang anak dahil broken family sila. Sa nanay niya siya nag stay simula bata. Ang mga makakasama niya papunta sa Rizal Park ay ang kanyang tito, tita at nine niya pang pinsan, kasama ang apat na anak ng tito at tita niyang kasama.

Nagbaminton sila ng tito niya at siya ay nanalo sa dalawang beses nilang laro. Dahil takot siyang matalo ay nandaya siya. Nakalaro rin niya ang bago niyang kakilala na si Daniel, gustong gusto niya itong matalo kaya nandaya ulit siya. Binago niya ang score ng hindi nito namamalayan.

Maya maya rin ay nagpahinga na siya at umuwi. Dahil sa pagod ay agad siyang nakatulog pagkahiga sa kama.

Nagising si Kathryn at nandoon nanaman siya sa Rizal Park. At may biglang sumigaw na nakapagpalingon sakanya dito. "Kathryn, dinaya mo ako sa laro!" Umiiyak nitong sigaw at may hawak na axe. Agad siyang tumakbo ng tumakbo at napunta siya sa isang bahay. May pagkamadilim ngunit may nakikita pa rin dahil sa liwanag ng buwan na pumapasok sa bintana. Nagtago siya sa likod ng malaking divider na naghaharang sa sala at kusina ng bahay. Nakita niya si Daniel at napansin niya rin na may dalawa pa lang tao sa sala at nanonood ito ng kung anong palabas. Tumayo ang isang lalaki at naglakad papunta sa direksyon niya. Nagulat si Kathryn ng higitin ni Daniel sa ulo ang lalaki na parang ang lakas lakas nito, at ito rin ang sanhi ng pagsigaw ng babae. Gamit ang hawak na axe ay pinutol nito ang leeg ng lalaki at isinunod ang sumisigaw na babae.

Nagsimula nanaman tumakbo si Kathryn, hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng bahay dahil nakita na lang niya ang sarili na tumatakbo sa isang mall at kasama ang lola at pinsan nitong bata, tinignan niya ang kanyang likod habang tumatakbo at nandoon pa rin ang humahabol sakanya. Biglang namatay ang ilaw na dahilan ng pagsigaw ng mga tao sa loob. Hindi niya alam ngunit pinalabas sila ng mga tao. Nang makalabas ay siya na lang magisa ang tumatakbo dahil naiwan niya ang kanyang lola at pinsan. May nakita siyang jeep at agad na sumakay dito. Inilabas niya ang cellphone at nagsimulang maglaro. Hindi niya alam kung bakit siya naglalaro sa gitna ng panganib. Nakita niya ang kanyang dalawang kaklase, hindi ito gumagalaw na tila isang istatwa. Nakita niyang lumingon ang driver at doon, nakita nanaman niya si Daniel, ito ang driver ng jeep. Nagkunwari siyang isang istatwa dahil may kutob na siya na ito ang may gawa nito, kaya habang nagkukunwari ay tinetext niya na ang nanay niya. Ngunit hindi nagtagal ay bumaba rin siya dahil itinigil ang sasakyan at akmang bababa ang driver kaya nagmamadali siyang tumakbo.

Napunta naman siya sa isang hardin at ang tanging madadaanan na lang niya ay ang hagdan na napakahaba. Hindi mabilang kung gaano ito karami at halata ang mga lamat nito. Habang tumatakbo pababa ng hagdan ay parang naging madali sakanya ang pagtakbo dahil sa pagiging straight ng pagkakababa sa hagdan. Nang matapilok siya ay tsaka niya lang napansin ang isang napakahabang kadena na nakakabit sa kanyang kanan at kaliwang paa. Hindi nagtagal ay nalapitan na siya ni Daniel. Napapikit siya at hinintay na mahati ang kanyang leeg. Ngunit laking gulat niya ng may marinig siyang pagkalas ng isang bakal kasabay ng pagluwag ng bakal sa kanyang mga paa. Iminulat niya ang kanyang mata at nakita si Daniel na nakangiti sakanya. Niyakap niya ito at maya maya lang ay biglang naging itim ang kanyang paningin.

Ikinapa niya ang kanyang kamay at binuksan ang mga mata. "Isang panaginip." Kanyang bulong sa sarili. At simula ng araw na iyon, hindi na siya muling nanduga pa.

One Day Nightmare Love (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon