8

82 5 1
                                    

Pagpasok ko sa nagmamasungit naming mansion may nakita ako na kinasaya ko. Oo sumasaya din naman ako kahit papaano, di ako bato.

Lumapit ako agad. Umupo at siya ang lumapit sa akin.

Hinawakan ko yung mukha niya saka ko hinalikan. "Baby how are you? Huh? Muah."

"Did you eat already? Were you waiting for me? Huh?" Bakit di siya sumasagot? May sakit kaya siya?

"Come here" Tapos niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Yaya!!!!"

"Ah yes Ma'am?"

"Bakit matamlay si Jacob? Ha?! "

"Ah eh ma'am di ko po alam."

"Wala kang kwenta!Lumayas ka sa harap ko mas lalo akong naiistress sa pagmunukha mo! Useless na pangit!" Sigaw ko sa kanya at pinanlakihan ko din siya ng mata.

"Jacob, go eat your food na." Ayaw niyang kumain.

"Yaya balik! "

"Ppo?"

"Painumin mo si Jacob ng gatas. Ayaw kumain." Pinat ko sa ulo si Jacob at umalis na dahil may bwisita pa daw ako at gwapo daw.

"Arf arf arf" Nilingon ko si Jacob.

"Kumain ka! Aarte pa?" Si Jacob yung aso namin ni Jada. 2 years old na siya. Syempre cute kukuha ba naman ako ng hindi?

Anyway papunta na ako sa Sala para harapin ang bwisit na bisita. Hindi daw si King. E sino naman kaya to?

O.O <-- Ako

^_^ <-- Siya

After kong makarecover sa pagkagulat umayos na ako at nagsalita.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko? Bwisit ka! Pano mo nalaman na dito ako nakatira! Stalker!"

"Hoy miss hindi ah. Haha. Naiwan mo kasi tong isang maleta niyo sa airport nuon. Nandyan yung address kaya pinuntahan ko " Ngiting ngiting sabi pa niya. Nawawalan pala ako ng bag? Di ko naman napansin.

"Eh bakit ngayon lang binalik?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Busy kasi ako sa dates ko this past few days e. Haha "

"Bwisit ka! Kinasaya mo yan?" Nakakainis. Nangangamoy playboy talaga!

"Oh nagseselos ka naman? Hayaan mo bukas magdedate tayo." Say what? Nabingi yata ako duon.

"Ang kapal ng mukha mo! Sino namang may sabi na gusto kong makipag date sa isang katulad mong mayabang! at Playboy!!!" Nanggagalaiti na ako sa galit. Nabubwisit ako! Mapapaslang ko na siya anytime!

"Ako haha. Sunduin kita bukas dito ng ....Uhm... 10? 10 am."

"Layas! Lumayas ka sa pamamahay ko!! "

"Okay. Good night din :). Pakiss naman." Tsup

"WAAAAHHHH! Raaaappppee!" Did he just kiss me? No!!! Papatayin ko siya!

"Haha. Bye Siena." Saka siya naglakad papalabas ng pintuan. Pero bago siya lumabas ng tuluyan lumingon muna siya at nagsalita. "I'm Ace by the way. Ace Choi ;)"

Eeewwww. Kinindatan pa ako! As if naman makukuha ako sa pakindat kindat lang no! Mukha niya. Manigas siya.

"Ma'am boyfriend niyo po? Ang gwapo po hihihi!" Tinignan ko naman kung sino yung lecheng nagsalita. Yung katulong pala na nakakabwisit ang mukha.

Bakit ba lagi nalang siya ang nakikita ko? Sa pagkakaalam ko naman more that 15 ang maids namin? Bwisit.

"Pakialam mo? Hihihi ka diyan gusto mo bang sampalin kita ng kutsilyo sa mukha?"

"Ho? Hhindi po. Mauna na po ako." Saka siya lumayas. Bwisit yun. Bwisit na nga ako sa lalaking yon dumadagdag pa siya!

"Siena and Ace sitting on a tree. K-I-S-S-I-N-G!" si Jada. -_-

"TIGILAN MO AKO!" lahat nalang ba ng tao sa mundo trabahong bwisitin ako? Paslangin ko pa silang lahat e!

"Ayyiieee. Ikaw ah. Natameme ka dun kanina ha!" Sabay hampas niya sa akin. Kaya ayun sinampal ko.

"Hindi lang yan ang makukuha mo pag di mo ako linubayan."

"Tinatakot mo ako niyan? Haha! Ako pa ba Siena? Anyway highway, mukhang tinamaan sayo yung playboy na yun ah." Naman! Sa ganda ko ba namang to? Haha!

"Talagang tatamaan yun sakin pag di ako tinantanan! Di lang mag-asawang sampal ang ibibigay ko sakanya! Mag-lolo pa. Hanggang third generation na!"

"Wag ka nga. Ang gwapo kaya nun. Sayang. Teka nga! Sienna, bakit ba ganyan ka? Dati rati gusto mo na nakikipaglandian sa mga ganon? Don't tell me pati ikaw tinamaan ha! " Sabi niya habang tawang tawa. Batukan ko kaya to!

"Pwede ba. Tinamaan ng kayabangan pwede pa. At isa pa Jada, ang mga katulad niya hindi nagseseryoso. Kaya nga playboy e. Puro laro lang."

"So makipaglaro ka." Binigyan ko siya ng questioning look. Hmmm. Not a bad idea.

"The playboy vs the playgirl, that would be interesting." Dagdag pa niya. Napagisip isip ko na tama siya. It would be fun.

"You know what? you're right. Di ako papatalo sa kanya. He asked for it so I'll give it to him."

"That's more I like it. Good luck Jade! Fighting!"

Tama. I'll play with him.

I'll give him a dose of his own medicine.

Be ready Ace. Dahil sa larong lalaruin natin may isang siguradong mahuhulog at matatalo.

And that's definetely not me.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

MAYBE?

When the PlayGirl PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon