CHAPTER 1

6 0 0
                                    


"Hon,alis na ko,malalate na ko sa office,ok na ba mga gamit natin diyan,wala ka na ipapabili?"tanong ni Nick ke Bella. "Wala naman,hon,ok na ko. Salamat,wag ka magpapawis,ha? Mag ingat ka sa work mo." sabay ngiti ni Bella. Sa kabila ng pagiging maalwan ng buhay nila,matipid pa rin ang mag asawa. Sa limang taong pagsasama nila,binabudget nila ang lahat,kasama na dun ang needs ng anak nila. Hindi sila palakain sa mga sikat na restaurant dahil pareho silang nagbibigay sa mga sari sarili nilang mga pamilya. SI Bella ay nagpapahinga muna ng mga dalawang buwan dahil kakapanganak niya lang sa bunso nilang si Ariana. Isa siyang doktora sa isang sikat na ospital habang si Nick ay me hawak na research company. Pinagaaralan nila kung paano maiimprove ang mga produkto. Kung tutuusin,pinagpala talaga ang pagsasama nila dahil nakapundar na sila ng mga gamit,bahay at mga sasakyan. Masayang maituturing ang pagsasama ng dalawa. Walang gusot,pag nagaaway sila hindi nakakaapekto sa mga anak nila. Pinaguusapan nila ang lahat ng bagay.

Hirap na hirap sa paghinga. "Pare,ayoko na! Hindi ko na kaya yung ginagawa mong pagpatay sa workers mo para lang ialay ang dugo nila dito sa site mo. Hindi na ito tama,pare! Isipin mo na lang ang mga pamilya nilang umaasa sa sahod nila na tinatapalan mo ng halaga. Kaya ako walang magawa dahil me kapit ka sa pulis at papatayin mo ang pamilya ko!!" galit na sambit ni Nick ke Jojo. "Pare,last na to,kilala mo naman ako di ako papayag na hindi ka umayon sa plano ko,tandaan mo kaya nakuha mo ung research company mo dahil din sa tulong ko kaya wag mo ko gagalitin. Sige,bayaran mo ang share ko ng isang milyon kasama ang interes." Sabay akmang susuntukin ni Nick si Jojo. " Ayoko na ng ginagawa mo,pare. Oo bestfriend kita pero hindi na tama tong ginagawa mo." Galit na galit na nagkahiwalay ang magkaibigan dahil hindi na pumayag si Nick na maging sunud sunuran pa sa maitim na namang balak ng kaibigan. Halos mapaluha siya hindi dahil sa paghamon nitong pagbabayad niya sa share niya kundi sa maitim na balak nito pati ang balakna masama sa pamilya niya. Tahimik na nagdasal si Nick sa kaligtasan ng magiina niya dahilbukas pa siya makakauwi sa kanila sa dami ng tambak na trabaho. "Panginoon,sukdulan na hanggang langit ang kasamaan ni Jojo,iligtas mo ang magiina ko."


I love the way You Lie.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon