\\Chapter Five

201 6 2
                                    

Dedicated to you! Salamat sa pag-fan. :))

--

Behind the Mask is a Deeper Secret 

[Chapter Five]

Point of View: 

[Bree Gonzales]

"Mr. Bautista, aalis na po ako. May aasikasuhin pa po kasi ako e." Sabi ko kay Mr Bautista pagka upo ko sa harap ng table nya sa office sa bahay nya. Weekend ngayon. At uuwi ako sa bahay ko. (n_n) Hindi ko alam, parang namiss ko sila untie kahit pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari kapag nakikita ko sila, o nakikita nila ko. Basta yun.

Sandali syang tumingin saakin kahit abala sya sa mga trabaho nyang talagang dinala pa nya sa bahay para lang matapos. Naalala ko tuloy si Daddy, ganyang ganyan din sya noon. Pero syempre, free time nya dapat ang Sunday. That's our 'days'. "Okay. Nakabihis ka na agad kahit ang aga pa ah?" He chuckle. Ngumiti lang din ako.

"Kayo din naman po ah? Nakabihis kayo kahit wala kayong pasok." Sabi ko sa kanya dahil naistorbo ko nanaman sya. Bleh.

"Ganun talaga hija, kailangang magtrabaho para sa pamilya. Lalo na't single parent ako, kailangan kong siguraduhing may makakain ang mga anak ko sa araw-araw." Paliwanag nya saakin. Napataas na lang ako ng kilay.

"E diba po, madami naman kayong pera? Kung tanggalin nyo na lang po yung mga trabahador niyo?--" Nganga! Anu daw sabi ko? Edi ako din matatanggal kapag ginawa nya yun? Pano yung mission ko? (T^T*) Bad suggestion Bree! BAD!

"HAHAHAHAHA!!" Bigla na lang syang tumawa. Tatanggalin nya na ko? "Nakakatuwa ka, lalo na ang mga reaksyon mo. Sana sakit na lang yan ano?"

"Bakit naman po?" Ang gulo kausap ng mga matatanda.

"Para mahawaan mo si Harvey pati na din si Kenedy. Good disease." He smiled. "Oh? Bago ka umalis, sabihin mo muna kay Harvey na wag nyang kakalimutan na magpamisa. Sabihin mo na rin, isama nya na yung kapatid nya para makalabas naman sila paminsan-minsan." Tumango ako at pinuntahan si Harvey sa kwarto nya.

Malamang tulog pa yun, late na yun umuwi kagabi e. Hindi ko na kinausap, mukhang may problema e. Baka ako pa ang sigawan nya kesa ako ang sumigaw sa kanya.

Pagka dating ko sa tapat ng kwarto nya, kumatok ako pero mukhang walang makakarinig saakin dahil sa lakas ng tugtog. Nagdadalawang isip pa ko kung kakatok ako hanggang sa may magbukas---o baka mamaga muna yung kamao ko---o papasok na lang ako.

Without any hesitations, I entered the room. Maingay na tugtog ang bumungad saakin, at hindi lang yon. Alam mo kung ano pa? Ang naka-topless na katawan ni Harvey. Nanlaki na lang mga mata ko.

"AAH!!"

"HOY!!! Manyak!!" Napasigaw na lang kami sa sobrang gulat. Okay na yung akin e, sigaw lang na maririnig sa buong bahay, pero sya, nakabato pa sya ng tshirt sa mukha ko. Anyare saken? Akala ko sanay na kong makakita ng shirtless hot fafas, pero hindi pa pala.

Behind the Mask is a Deeper Secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon