Chapter 17 : Moving into House

12K 216 7
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na titira kami ni Brett sa iisang bubong , actually wala naman talaga yon sa plano namin kaya nagulat talaga ako ng malaman ang bagay na yon. Yes I admit gwapo si Brett yong nga lang mayabang at isa pa hindi ko pinangarap na makasama siya sa iisang bahay kahit na kunwari lang ang lahat ng to.

At ang malupit sa lahat ay ang nalalapit na kasal namin este fake marriage pala , ilang days na lang mangyayare na ang bagay na yon , everything is okay na kaya wala na kaming inayos don dahin si Tita Fiona na ang umasikaso ng lahat regarding sa wedding thingy na yan kaya ngayon hindi ko mapigilan ang mag advance sa pag iisip ng mga what If's thingy na posibleng mangyare sa loob ng bahay.

At ngayon nga , lilipat na ko sa bago naming bahay este bahay niya pala. Kong hindi lang sa pangungulit ng Brett na yon hindi ko talaga gagawin to, pero wala akong choice dahil trabaho ko to kaya kailangan kong gawin , wag lang syang mag feeling dahil kahit sa panaginip ko hindi ko gusto to.

Nag paalam na ko kila Mama at Mila , actually umiiyak nga sila ng makita nila yong mga gamit na dala dala ko , three months lang naman to eh , and after that magiging normal na din ang lahat sana lang talaga wag mag iba ang takbo ng eksena dahil ayuko ng mag extend pa , dahil ang laki laking kasinungalingan ang nagawa ko kaya hanggat maaari hanggang don na lang yon.

Nasa loob ako ng private car na pinasundo niya sa kin , actually hindi talaga sanay si Brett na sinusundo ako at isa pa mas ayuko namang mangyare din yon baka kong ano anong kayabangan na naman ang tumakbo sa isip ng alien na yon.

"Ms. Alexa , mukhang excited na talaga kayo sa wedding ah " Tricia

Ngumiti ako ng pilit.

"Yes of course , I know Brett also happy " sabi ko

"You know what , I can't imagine Ms. Alexa na darating yong point na ikakasal na kayo " Tricia

"What do you mean ?? " sabi ko

Para syang nagulat sa tanong ko.

"What I mean , masaya lang ako sa inyong dalawa dahil finally magiging happily married na si Sir Brett , kayo " Tricia

Ngumiti lang ako saka nag isip. Okay din tong si Tricia siya na talaga ang pinakamagaling na tsismosa , paano na lang kaya kapag nalaman niya ang totoo na fake lang ang lahat ng to.

Habang nasa byahe ako hindi ko mapigilan mag isip ng kong ano anong kadramahan , hindi ko alam kong anong mangyayare sa min sa iisang bahay.

"Tricia " sabi ko

"Yes Ms. Alexa " Tricia

"Matagal ka na bang nag tatrabaho bilang personal assistant ni Brett ?? " sabi ko

"Ahmm , hindi pa naman , bakit Ms. Alexa ?? " Tricia

Tumingin ako sa kanya ng deretsu.

"Ahm gusto ko lang naman malaman kong may alam ka sa kanya , I mean regarding sa mga Ex's niya ?? " sabi ko

Tumingin siya sa kin

"Ex ?? Sa pag kakaalam ko Ms. Alexa , wala pa naman syang pinapakilala sa public as girlfriend or whatever , kaya nagulat ang buong BC na finally ikakasal na si Sir Brett " Tricia

Hindi naman talaga siya tsismosa eh no ?? Kaya pala ganon na lang siya ka interesado sa kin para mag panggap dahil kahit isa wala pa syang naipapakilala sa public at ako pa talaga yon. Actually madami ng nakakakilala sa kin na magiging asawa ni Brett pero most of them maka ka business partner or mga investor pero sa public wala talaga dahil wala namang lumabas na mga pictures sa mga news, internet o kahit saan kaya nga safe pa rin ang ginagawa ko dahil hindi alam nila Mama kong ano ang pinasok ko.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon