A/N: Chapter 44 is ready! Enjoy reading!
Quote of the day:
• Sometimes you'll realize that even though you like being alone, you didn't fancy to be lonely.
******
Author's POV:
Masaya ang lahat ngayong araw dahil ikakasal na si Darren at si Pearl. Lahat sila ay suot ang magaganda nilang kasuotan para sa kasal. Lahat ay nasa simbahan na maliban sa bride. Si Darren ay halatang kinakabahan at excited sa mga mangyayari.
"Bat ang tagal niya?" Tanong niya.
"Pare, huwag kang excited. Padating na 'yon sigurado. Pfftt." Sagot ni Zack at tinapik ang balikat niya.
"Halata namang kinakabahan. Huwag mo ng itago pare. Ganyan din ang pakiramdam ko nang magpakasal kami ni Jewel." Sabi naman ni Jayshin.
"Tangina mo, Kean. Bat hindi mo sinabing ganito pala ang pakiramdam ng nagpapakasal? Edi sana nakapaghanda ako." Reklamo pa niya.
"Tangina mo rin, nagtanong ka ba? Gago." Sagot ni Jayshin sa kanya na siyang ikinatuwa ni Zack.
"Pfftt, nasa simbahan tayo. Huwag kayong magmurahan." Dagdag pa ni Zack.
"Ay oo nga noh. Sorry lord, peace tayo." Sabi ni Darren at nag-peace sign pa sa imahe sa altar.
"Sorry din, Lord." Sabi ni Jayshin at nag-sign of the cross pa.
Puro kalokohan talaga ang alam ng tatlong magkakaibigan na 'to. Nasa loob nalang ng simbahan nagbibiruan pa. Pamilyadong tao na ang dalawa peri kung makapag-isip parang bata pa din.
"Maghanda na ang lahat. Nasa labas na ang bride." Anunsyo ng iba.
"Goodluck, dude." Bulong sa kanya ni Jayshin.
"Umalis kana nga! Lalo akong kinakabahan sayo eh."
"Haha, relax. Ikakasal ka lang." Sabi naman ni Zack at pumwesto na nga ang dalawa.
Namangha si Darren nang makita niya ang itsura ni Pearl. Napakaganda ng pagkakaayos sa kanya. Ang bongga din ng suot niyang wedding gown. Ngumiti ito sa kanya habang hawak-hawak ang bouquet of roses na ihahagis niya mamaya.
Nagsimula na ang seremonya ng kasal. Lahat ay nakangiti at masayang naghihintay kay Pearl para makapunta sa harap. Hinihintay siya ni Darren at ng mga magulang nito. Si Pearl naman ay nagsimula ng maglakad papunta sa harap. Habang naglalakad ay nagsimula na ang pagtugtog ng kantang 'On this day by David Pomeranz'. Naiiyak habang nakangiti ito papalapit kay Darren. Ang Tito Kent niya ang naghatid sa kanya sa altar.
"Huwag na huwag mo siyang papabayaan, hijo." Bulong ni Kent sa kanya.
"Oo naman po, Tito. Ako pa ba?" Confident na sabi nito at hinawakan na nga ang kamay ni Pearl at humarap na sa pari.
Maya-maya pa ay sinimulan na ng pari ang seremonya ng kanilang kasal.
"Friends and Family of the Bride and Groom, welcome and thank you for being here on this important day. We are gathered together to celebrate the very special love between Pearl Danielle and Darren Stanley, by joining them in marriage. All of us need and desire to love and to be loved. And the highest form of love between two people is within a monogamous, committed relationship. Pearl Danielle and Darren Stanley, your marriage today is the public and legal joining of your souls that have already been united as one in your hearts..."
Habang nagsasalita ang pari ay halos mawalan ng malay sa kaba si Darren. Masaya siya pero kabang-kaba talaga. Iniisip niya na para bang ang bagal ng oras. Hindi niya akalain na ganun pala kahaba ang seremonya. Pero maya-maya pa...
BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Teen FictionHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...