Kabanata Dalawampu't Walo

1.2K 42 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Walo

Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto ni Thadeus, lumabas na ako. Aware ako'ng nakakahalata na siya sa mga kinikilos ko. Subalit sigurado akong hindi pa niya alam na may natuklasan ako.

"Ako na magdadala nyan." Tinutukoy niya ang mga librong dala ko.

"Salamat pero kaya ko."

Magpupumilit pa sana siya kaso may tumawag sa kanya. Sabay kaming napalingon at nakita si Brett na kabababa lamang sa kotse niya.

Nakipagkamayan ito kay Thadeus nang makalapit pagkatapos nginitian ako. I smiled back at him. Sa kanilang anim, si Brett ang sinasabi nilang pinaka-bully. Halata naman sa kanyang playful look. Sa pagkakaalam ko siya ang pangalawa sa pinakabata sa grupo. Si Alfie ang bunso, pero mas mature iyon mag-isip kaysa sa lalaking ito. Unang tingin mo palang kay Brett, mararamdaman mo na ang kapilyuhan niya.

"Wala ka kagabi, ah." Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Nabasa ko sa text na magba-bar sila.

So hindi pala nagpunta si Thadeus kahit na may oras pa kagabi. Kung tutuusin pwede pa siyang humabol sa gimik ng barkada niya matapos namin makapag-usap.

"Baka mamaya hindi ka na naman namin makita. Ikaw ha, nainlove ka lang nakalimutan mo na kami." Tinawanan ni Brett ang sariling biro. Nakipag-apir pa siya sa akin. "Napapatino mo na ang kaibigan ko, miss."

"Umalis ka na nga!" Pabirong sinuntok ni Thadeus ang braso ni Brett.

"Sasama na siya sainyo mamaya," sabi ko na ikinatigil ng pagtawa ni Brett.

Napatingin sa akin si Thadeus. "No," tutol niya.

Through the corner of my eye, I saw Brett shifted his gaze from mine to Thadeus'.

"I would rather spend my night talking to you through phone than go clubbing, do dirty dance and flirt with random girls," he uttered, not keeping his eyes off me.

"In short, you chose to enjoy your night simply by talking with her," sabi ni Brett.

Nag-iwas ako ng tingin kay Thadeus at humarap kay Brett.

"'Kay, fine. Mali-late na ko sa klase ko. Di ako sanay. Bye, guys! See ya around!"

***

What time out mo? I'm waiting.

Text message ni Thadeus. Actually, one of his text messages. Nasa school pa rin siya, hinihintay ako. Hindi naman niya alam na umuwi na ako dahil hindi ko rin naman sinabi sa kanya. Yup, iniwan ko siya.

Nagtanong pa siya eh alam naman niya ang schedule ko. Ilang weeks na kaya kaming nagsasabay pumasok at umuwi. At alam na niyang magtatatlong oras na ang nakalipas after ng klase ko, hindi pa siya umuwi.

Nakaalis na ko sa school. Reply ko sa kanya.

Dalawang minuto palang ata ang nakalipas eh nakatanggap na agad ako ng reply mula sa kanya.

I see. Pupuntahan nalang kita sa bahay niyo.

Wala ako sa bahay. Matapos kong magreply binitawan ko na ang phone ko sa bedside table.

Bumangon ako at binaba sa sahig ang mga paa ko. Hindi ko pa tuluyang nasusuot ang bedroom slippers ko, nag-beep ang phone ko.

One message from Thadeus, na naging two rin agad.

Hindi ko iyon pinansin. Tumayo na ako. Lalabas na sana ako ng kwarto kaso pinigilan ako ng magaling kong phone. Kumanta ito ng Shake It by Sistar.

Thadeus calling...

Natigilan ako. Some part of me wanted to grab the phone and answer the call, but a big part of me was preventing me.

You. Must. Not.

Pumikit ako ng mariin. Think, HyoRin. Think. Pairalin mo rin ang utak mo, dahil kung puro puso nalang ang pagaganahin mo, kawawa ka sa huli.

Olrayt. I inhaled, exhaled deeply bago nagmulat ng mga mata.

Hindi pa rin humihinto ang tawag.

I turned back, ignoring his continous call. Nagsimula na akong maglakad hanggang sa makalabas ako sa kwarto ko.

A very simple thing, but a big achievement for me. Kasi, nagawa ko siyang ignore-in kahit na sa simpleng bagay. At ang malalaking bagay ay nagsisimula sa maliliit, right? Soon, makakayanan ko siyang iwasan. Sana.

Matapos kong makatulog ng mahigit dalawang oras sa duyan sa aming garden, nagpasya akong bumalik sa loob ng bahay. Kumain muna ako ng salad bago umakyat sa kwarto. Pagkarating ko, ang pinakauna kong ginawa ay kunin ang phone ko na iniwan ko kanina.

Nanlaki ang mga mata ko.

19 unread messages and 93 missed calls. Lahat iyon galing kay Thadeus. Kakaunti lang ang text messages, pero ang missed calls? Tiningnan ko ang pinakahuling missed call niya, sampung minuto palang ang nakalilipas.

Umupo ako sa kama at binasa ang mga text niya.

Nasan ka?

Gusto mo puntahan kita?

Hey, why aren't you returning my calls?

Sagutin mo please.

Ok ka lang ba? Bakit ayaw mo sagutin?

Busy? May ginagawang project? Sorry kung nakakaistorbo ako.

Sagutin mo na kasi para tumigil na ko! I'm dead worried here. Bat kasi ayaw mo sagutin. Tsk.

Magtext ka naman oh. Para alam kong safe ka. Di ako mapakali.

HyoRin?

Tinawagan ko si Azalea di daw kayo magkasama. Problema nun? Matapos akong sigawan binabaan ako. Hahaha. Text ka naman please :(

Damn. I'm being paranoid here. Nag aalala talaga ako.

Is it me or you are just ignoring me? Hindi ka naman ganito dati. Dati pagkatext ko palang nagrereply ka na. At walang tawag ko ang pinapalagpas ko. Galit ka pa ba sakin?

Sorry.

Sorry.

Sorry.

Answer my call, I'm begging.

Usap tayo sa personal. Sabihin mo lang kung nasaan ka, pupuntahan kita kahit saan pa yan.

HyoRin please...

I like you! Tandaan mo yan. Kaya di ako mapapagod na kulitin ka. Sorry.

Let's give him a round of applause! Tss. May mga lalake talaga na magaling mang-uto at magpaikot. Sorry siya, alam ko ang tunay niyang pakay. Kaya kahit anong kasinungalingan ang sabihin o itext niya, hinding hindi ako maniniwala.

Kung sumama ka nalang kaya sa mga kaibigan mo gumimik kaysa ang guluhin ako? Reply ko sa kanya.

Binagsak ko ang sarili sa malambot na kama at tinitigan ng ilang ulit ang text na galing sa akin. Kumurap kurap ako. Medyo hindi makapaniwala na ganun ang naitext ko. Dala ito marahil ng galit sa dibdib ko. Galit sa kanya.

Yun ba ang gusto mo? Ang gumimik ako para hindi na ako makagulo sayo? Sige. Pasensya na. Gusto lang talaga kita makausap.

Tinamaan ako ng konsensya kahit na hindi naman dapat. And I hate this! Hindi ba pwedeng mawala nalang ng isang snap ang nararamdaman ko sa kanya?

;i


Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon