Hi loves. Sorry kung late ako nagupdate ngayon, naging super busy po kasi ako lately. Yung chapter na to dinededicate ko sainyong lahat.
___________________________________________________________________________________________________________________________
~PUNISHMENT PART II
(Dawn's POV)"Ahhhh!"
Hindi ko na kaya. Bakit ganito kasakit? Heto ba yung kabayaran noong mga ginawa ko kay Zeus. Napapahiyaw ako sa sakit.
"Teka. Wag kang makulit.. Malapit na tayo matapos." Sabi ni Zeus. Tumango naman ako sa kanya. At isang impit na sigaw na naman ang kumawala sakin.
"Ahhhhh. Ang sakit! Hindi ko na kaya.." Tumutulo na yung luha ko pati ang pawis ko.
"Dawn.. Konting tiis na lang ha. Malapit na tayo matapos." Mahinahong sabi ni Zeus sakin.
At natapos na nga kami. Tagaktak ang pawis ko, ganun din si Zeus madilim kasi at mainit dito sa kwarto. Wag kayong ano ha! Hmp! Kasama namin si nanay Zeny at yung manghihilot dahil hinihilot nila yung paa ko. May naipit daw na ugat and guess what. Super sakit! Pero noong matapos na okay naman na.
"Salamat po Mang Kanor.." Sabi ni Zeus at may inabot kay Mang Kanor.
"Painumin nyo siya ng paracetamol para sa lagnat at pain reliver hijo. Hindi lang kinaya ng katawan niya yung sobrang sakit. Hindi kasi dumadaloy ng maayos yung dugo sa parteng yun ng paa niya dahil namamaga."
"Okay po mang Kanor. Salamat po ulit."
Yun lang at lumabas na rin si mang Kanor. Napayakap ako kay nanay Zeny. Para akong batang inaapi ngayon. Lumapit sakin si Zeus at hinawi yung buhok ko, pero pinalis ko yung kamay niya. I don't need his damn concern! He's so pathetic.
"Dawn.. Ginawa ko yun kasi wala ng option."
"Walang option? You can send me to hospital but because of your damn selfishness. Pinabayaan mo ako. Go away!" Sabi ko na umiiyak.
"Baka kasi tumakas ka na naman?!"
"Tumakas?! Paano? Halos hindi nga ako makagulapay diba? I don't want to see you! Get out of here!"
"Pero Daw-"
"Lumabas ka na muna anak.." Si nanay Zeny na ang nagpalabas sa kanya. Nakinig naman siya kay nanay, tumango siya at lumabas ng kwarto.
Ayoko na! Ayoko na dito. Parang unti-unti akong pinapatay. Pagdating namin ni Zeus dito nagsimula nang sumama yung pakiramdam ko. Around 3pm namaga yung paa ko at nakikiusap ako kay Zeus na dalhin ako sa hospital pero nag-insist siya. Sabi niya pa na nagsisinungaling lang ako kaya naman nagkulong na ako sa kwarto nun hanggang sa inaapoy na ako ng lagnat pero imbis na dalhin ako sa hospital tumawag siya ng albularyo/manghihilot at pinilipit yung paa ko.
"Hija.. Alam ko ang nararamdaman mo. Masakit talaga kasi first time mo. Ganito kasi rito sa lugar na 'to. Madalas na herbal ang ginagamit sa panggagamot. Ganito kasi dahil nasa probinsya ka. Sigurado ako na bukas gaganda na ang pakiramdam mo."
"Nanay.. Bakit po ganun si Zeus?"
"Anong ibig mong sabihin Dawn?"
"Bakit po siya ganyan? Bakit po niya ako ginaganito? Pati bakit ba sinusunod niya lagi si Parker? Para siyang tuta."
"Hindi ko alam kung bakit ganyan yang anak ko na yan. Lumaki si Zeus sa haciendang ito. At tama ka sobrang loyal niya sa mga Soriano, dahil napakabait din naman nila sa pamilya namin. Malaki ang utang na loob namin sa mga Soriano lalo na kay Parker."
BINABASA MO ANG
Breaking His Dark Secrets
RomanceFanfiction of Zeus Collins and Dawn Chang. Enjoy reading guys. :) And oh BTW it's Fifty Shades Of Grey inspired din pala guys. Full of mysteries 'tong story na 'to.