Chapter Four: Facebook Famous
Apriel's POV
Pagkatapos ng galaan doon kay Tin, umuwi naman kami agad. Bawal ako magpagabi eh, strict parents ko. Insert pabebe laugh. (Hihihi)
Ang cliché tuloy ng storya! Ang panget ng writing kabanas!
Anyway, nandito ako sa kwarto ko. Facebook lang ang tema, enjoy the moment kasi dahil may free Facebook. Dahil isa akong dakilang tamad, ayun. Nandito lang ako hayahay habang yung nanay ko nagluluto. Eh, hindi naman kasi ako marunong magluto! Bakit ko pipilitin yung sarili ko sa hindi ko naman kaya?
Ano daw.
Pagkalipas ng isang oras na pa scroll, scroll sa newsfeed ko, may lumabas na limang friend requests. Tsineck ko syempre kaso hindi ko naman kilala! Ngi mutual friends nga wala eh! Pumunta ako sa profiles nila at wow ha! Famous ata mga ito! Mga big accounts eh! As I observe, mga Directioners pala mga ito. Bumalik ako sa profile ko at dumami na yung friend requests partida may messages pa!
Okay, I don't want to mean something here, okay?
Scrolling through my messages, nakita ko nag-message din si Tin.
"Wow! Famous kana Priel!"
Napa-poker face ako. Ha? Ano daw? Nasa likod ko ba s'ya at alam niya kung ano nangyayari sa notif, friend requests at messages ko?
Tumingin ako kaliwa't kanan, ako lang naman tao dito eh! Nako! Baka invisible 'yun! Umayos siya!
Che, ikaw ang umayos.
Opo, conscience.
Nag-log out nalang ako. Aba, baka kung hindi tunog ng tunog iyang cellphone ko. In-open ko na lang yung Fan Account ko kay Meghan, atleast walang mag-bo-bother sa akin doon.
Nang dahil nga sa kanya, todo tutok ako sa X-Factor UK eh! Ayun nga lang, wala kaming cable kaya YouTube nalang. Wala eh, poor kid.
Scrolling again to my newsfeed, mapansin ko yung mga friends ko na mga Mutifandom na kasali din sa 1D fandom. Eh, hindi naman ako interested kaso baka may post sila bakit na a-attack yung Facebook ko. Oh 'di ba, feeling famous lang?
Scroll, scroll, scroll. Basa, basa, basa.
'Harry Styles' filipina bestfriend, Found!'
Mga post nila. Aba, ano ito? Pulis?
Natatawa na lang ako sa mga posts nila ng bigla nakita ko yung pagmumukha ko.
'Guys! Apriel Caro yung pangalan ng bestfriend ni Kulot!'
Aba! Paano nila na-track yung account ko? Ako ba pinagloloko nila? Ako? Bestfriend yung Harry Styles na iyon? Naku! Kalokohan.
Nag-comment ako, siyempre iba yung pangalan ko sa fan account ko at sa personal account ko.
'Eh! Hindi pa nga natin sure kung siya talaga iyan! Wala pang evidence!'
Comment ko.
Inosenteng tao papakialaman. Ano ba 'yan.
Mga ilang segundo, nakatanggap ako ng replies. Siyempre kung may positive, may negative. Huwag ko nalang banggitin kesyo selos keme.
'Tama, wala pa talagang strong evidence.'
'Kailangan natin tignan ng mabuti'
'Sabi daw ayan daw talaga siya eh! May picture pa nga daw sila ni Harry nung bata pa'Picture with Harry? Ay wait, yung mga babae ata sa McDo pasimuno nito eh! Baka akala talaga nila si Harry Styles yung kababata ko na nasa picture!
'Pasend nga ng picture ng babae keme na iyan.' Reply ko.
After a few seconds, may nag-send sa akin.
'Ate, ito yung pic ng babae. Nakita daw nila sa McDo.'
Sabi na eh! Ako ito! Ano ba iyan!
'Ano pangalan ng mga co-fans natin na nakapag-pa picture?' Reply ko.
In a matter of seconds, I got the names.
Ime-message ko sana kaso bigla akong tinawag ni Mama. Pumunta naman ako siyempre, kahit inutil ako o ano, anghel pa naman din ako kahit papano eh. *laughs*
"Tignan mo ito." Sabi ni Mama
Tumingin ako sa T.V at nagulat ng sobra.
Author's Note:
Ang cliché ng writing ano? Kulang nalang lagyan ng emoji diyan eh! Ang Jeje ng pagkasulat! May pa kausap between the character and author pa nalalaman xD ang amateur ko naman mag sulat ng tagalog fanfic -3- I'll try my best hihihi. *pabebe wave*
-L x
BINABASA MO ANG
My Childhood Bestfriend is Famous
FanfictionMy Childhood Bestfriend is Famous Tagalog One Direction FanFiction One Direction—ang biggest English-Irish pop boyband in the planet. One of the members, Harry Styles has a childhood friend in the Philippines. As he enters life of being famous, auto...