CHAPTER 1 ✔️

2.1K 42 31
                                    

It's been two hours and we're still walking to find a better place to stay. The sun will soon be off and it's really dangerous to walk at night, especially when you're in a place full of zombies.

Ako at ang mga kasama ko ngayon ay ipinadala para sa mission na ibinigay sa amin. Alam kong delikado pero ayaw ko mahiwalay sa taong mahal ko, si Kyle Andrey Velasquez. My father trust him so much na dumating sa punto na ipagawa itong mission at ako, gumawa ng paraan para lamang makasama sa kanila kahit ayaw ni Papa. Si papa at anak ng General ng Arm force at dahil si papa lang ang nag-iisang lalake sa anak ni lolo, siya ang sumunod sa yapak nito at eto ako ngayon, nag-iisang anak at babae pa.

Nag stop kame sa isang building at sinuguradong wala ibang zombie ang nasa loob, nang sigurado na kaming wala ay agad naming sinarado ang ang pinto ng kwarto. Isang laboratory room ang napasukan namin at medyo magulo siya dahil siguro may nakapasok nang zombie dito at ginulo nila ito.

Si Dave at Shiela ang naka-assign na magbabantay samin ngayon. Kagabi kasi kami na ni Kyle ang nagbantay sa kanila at ang hirap hindi matulog lalo na wala kaming kapeng iinumin.

Ngayon gabi, sana walang mangyareng masama samin lalo na sa taong katabi ko ngayon

----
Nagising kami dahil sa isang malakas na sigaw at alam namin kung kanino galing iyon, kay Shiela!

Napakabilis ng pangyayare. Narinig ko na lang na sumigaw si kyle, "Kiera! Mag-tago ka sa isang lugar. Bilis!" ayaw ko. Gusto kong sabihin sa kanya dahil ayaw kong iwanan siya.
"Hindi! ayaw ko kyle. Dito lang ako!" sigaw ko sa kanya habang tinaas ko naman baril na dala ko.
"Wag ka nang makulit Kiera! Magtago kana lagot ako kay Tito pag may nangyare sayo." hindi ko alam kung nag-aalala siya sa akin o nag-aalala siya dahil sa sasabihin sa kanya ni Papa.

Pero kahit anong sabihin niya ay buo na ang desisyon ko. Lalaban ako kasama nila.

"Kyle! Malaking problema ito. Maraming Zombie ang pumasok sa Building" Sigaw ni Andrew sa labas ng kwarto.
"shit." agad ako napatingin kay kyle. I know na naiinis na siya sa mga nangyare.
"Sila Shiela at Dave? Nasan na sila?"
"Dead."
shit. Not shiela! isa si Shiela sa mga best of friends ko since this apocalypse happens.
"Kiera, babe. You really need to hide. Makinig kanaman sa akin. Please."  umiwas ako sa tingin niya. Hindi ko kayang abandunahin  ang mga kasama ko.

"Sorry..."  agad akong tumakbo palabas ng kwarto at tanging sigaw niya lang ang narinig ko habang papalayo ako.

•—•
Hi guys! Under Construction itey at marami akong babaguhin :) sana magandahan kayo :)
lahat ng may ✔️ ibig sabihin nabago ko na siya at na revised na po.
-MJ

The Heart Of A ZombieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon