XXXV – Still Into You
Oo, ang kamay ni Jeremy ang tinanggap ko. Pasensya na dahil hindi ko kinayang tanggapin ang kamay ni Xander. Sa sobrang dami ng nalaman ko ngayon, masyado akong nahihirapan i-absorb lahat ng yun. Sinamahan ako ni Jeremy bumalik sa room para kunin ang bag ko. Sinubukan akong kausapin ng Judges kung ano’ng problema pero hindi ko sila nasagot. Dire-diretso lang kaming umalis at inihatid na rin ako ni Jeremy sa bahay.
Napahiga na lang din ako sa kama na tila sobrang pagod ako.
Ano nang gagawin ko? Bukod sa katotohanang alam na ng lahat ang tungkol sa mga kalokohang ginawa ko pero hindi nila alam na ako ang may kagagawan ng lahat ng iyon, mas mahirap sa’kin na tanggapin na si Xander ang siyang taong nagmanipula sa’kin. Minanipula niya ko para mapigil ang mga pinaggagagawa ko. At… nagtagumpay siya dun.
Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko, kasabay ng pag-alala sa lahat ng nangyari.
"Class, may bago kayong classmate." Eh? Eh July na ah? Psh. Ang school talaga namin, ayaw paawat sa mga dumadating na enrolees!"
"Sige, Xander. Umupo ka na dun sa tabi ni Torres." sabay turo ni Cher sa upuan sa tabi ko.
At dahil boring dito, kinuha ko ang aking magic notebook kung saan nakasulat din ang ilan kong plans. Magdadagdag ako!!! Yes!
"Hansel de la Cruz? Bakit ano'ng problema sa kanya?"
“Ayun. Mayabang. Mahangin. Wala ngang makalaban sa kanya eh, takot yata sila sa tatay nitong--" Ha? Sino kausap ko?
:)
"Oh? Tapos?" sabi pa niya.
Tss. Sa simula pa lang, mukhang planado na ang lahat. Simula pa lang, alam na rin niya ang pagkatao ko… katulad ng problema ko kay West noon.
"Naniniwala akong walang mga taong pa-asa bagkus, mas naniniwala pa ko na may mga taong assuming. Kami kasing mga lalaki, dumarating sa punto na makikipagkaibigan talaga kami sa mga babae. Ang hindi lang din namin talaga maintindihan ay kung bakit binibigyan nila ng meaning iyon. Tapos sasabihin niyo, nagiging pasweet kami sa inyo? na binibigyan namin kayo ng rason para mahulog ang loob niyo sa amin? Well, hindi na namin talaga kasalanan kung mahalin niyo kami. In the first place, wala namang ligawan na naganap. So, ibig sabihin lang noon, kayo lang ang nagbigay ng kahulugan sa mga ginagawa namin. Natural lang naman sa aming mga lalaki ang maging nice sa inyong mga babae. Kayo na nga rin ang nagsabi, hindi niyo maintindihan ang point kung bakit namin ginagawa iyon, well.. hindi niyo talaga maiintndihan. Kasi, ayaw niyong tanggapin na nag-assume lang kayo. Well, I'm not taking part of the boys only kasi may mga babae din na nagmumukhang pa-asa sa mga lalaki. Siguro sa point na 'to, inayunan lang natin kung kaninong side ang may mas maraming pa-asa at assumera." -Xander
"Kung ganun, bakit bigla niyo na lang kami iiwan? Ibig sabihin lang nun, alam niyo na na simula pa lang mahuhulog ang loob namin sa inyo hindi ba? Pero hangga't maaga pa, hindi niyo pa kami pinigilan na mahulog sa inyo. Kung kailan, nahulog na kami saka kayo lalayo? What's the sense?" -ako
"Sinabi nang hindi nga namin alam na nahuhulog na kayo at hindi rin namin kasalanan iyon. At kung bakit kami lumalayo? Dahil binibigyan lang namin kayo ng time para mag-move on. Para masanay uli kayo na wala ang presensya namin sa buhay ninyo. Mas madali kasi kayong makakamove on kapag nasanay na kayo na wala kami."
BINABASA MO ANG
MOVING CLOSER by Eunice
عاطفيةThis story is written by Eunice Laurito with the help of Hyacinth Manesca in cooperation with LOVE OUR BLOG POST :D She's no ordinary. She loves manipulating people's lives until she met this guy who have turned her world upside down and also the gu...