XXXVI - Reaching You

289 3 0
                                    

XXXVI – Reaching You

Kinabukasan ay Sabado pero bukas ang school though walang pasok. Yeah, I’ve decided. Aamin ako sa kanila, tatanggapin ko lahat ng consequences ng ginawa ko.

Palabas na sana ako ng bahay pero pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa’kin ang apat na mga babae.

“Judges?”

“HYA!!!” silang apat sabay yakap sa’kin.

“A-anong ginagawa niyo dito ng ganito kaaga?”

Kumawala sila isa-isa sa yakap.

“Dahil sinabi sa’min ni Manesca kung ano’ng nangyari kahapon.” - Ces

“Aish. Si Jeremy talaga oh.”

“Huwag kang magalit sa kanya dahil actually, pinilit lang namin siyang sabihin kung ano’ng nangyari.” – Bru

“Napasobra nga ata ang pagpilit namin sa kanya eh. Ayun, mukhang masakit ang buong katawan.” – Eunice

“Eh?”

“Eh, kasi naman kung sinabi niya lang sana ng mas maaga.” – Raez

“Aish. Tara na nga, pumasok na muna tayo sa loob.” – Bru

“Bahay mo famous?” – Eunice

“Hindi. Hehe!”

-.-

Ang mga kaibigan ko talaga! Pero… napangiti na rin ako. Mahal na mahal talaga ako ng mga neto :)

---

Pagkaupo na pagkaupo naming, pinaliwanag ko na agad sa kanila lahat. Sure, gulat na gulat sila sa mga nalalaman nila pero except kay Eunice. Siguro, matagal na rin niya talagang alam ang ginagawa ko.

“Alam mong kasalanan lahat ng ginawa mo di ba Bru?” – Cath

“Oo, at nagsisisi na ko sa lahat ng ginawa ko.”

“Hay. Okay lang yan Hya. Naiintindihan ka namin dahil kaibigan ka namin.” – Ces

“Tama. At ang mahalaga naman sa lahat, yung tanggap mo sa sarili mo na mali yung ginawa mo.” – Raez

“So ano’ng plano mo?” – Eunice

“Aaminin ko sa kanila. Sasabihin ko ang totoo.”

“HA??” lumapit sa’kin si Bru at kinalog-kalog pa ko.

“Nahihibang ka na ba, Hya?” – Raez

“Teh, alam mo namang puwede kang makick-out di ba?” – Ces

“Bru, gagradweyt na tayo! Lilipas din yan! Makakalimutan din nila ang lahat ng nangyari.” – Bru

Hay. Naiintindihan ko sila kung bakit sila ganyan. Ayaw lang talaga nila ko mapahamak. Pero… iba ang sinabi ni Eunice.

“Hayaan niyo siyang umamin sa kasalanang ginawa niya.” – Eunice

“Ha? Heller, Ma.Eunice? Alam mo ba ang sinasabi mo?” – Bru

“Hahayaan mong mapahamak ang kaibigan natin?” – Ces

Ngumiti si Eunice at sinabing, “Kilala ko si Hyacinth. Ano ba kayo? Wala ba kayong tiwala sa kanya?”

Nagkatinginan naman yung tatlo na parang sinasabing, hindi nila maintindihan ang point ni Eunice.

“Kilala ko si Hya. Sa kahit ano’ng laban sa buhay niya, hindi siya sumusuko. Matapang ang kaibigan natin. At mahal natin siya dahil sa katangian niyang yun hindi ba?” patuloy pa ni Eunice.

MOVING CLOSER by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon