Sisimulan ko ang kwento ng buhay ni Juan sa mismong araw na naaninag niya ang sikat ng araw. Pero noong nangyari yun eh wala naman talagang araw. Nung ipanganak kasi si Juan ay gabi at medyo umuulan pa. Sadyang sa mismong araw pa ng kanyang kapanganakan ay naambunan na siya ng kamalasan. Bagyo pa nga yata ng kamalasan. Paano kasi muntik pang maputol ang ulo niya nung inilalabas siya ng mama niya. Buti na lang talaga at hindi siya napuruhan. Kung nagkataon wala sana akong ikwekwento sa inyo. Wala sanang opular na Juan Tamad ngayon. Tapos nung ititiwarik na siya ng kumadrona, nabitawan pa siya. Kaya hayun at bukol to the max na agad ang inabot niya.
Ang lakas ng iyak niya ng mga sandaling iyon. Pero ang iyak na iyon ay nagsilbing musika sa pandinig ng kanyang mga magulang. Hayun biglang natigbak si Maring, ang nanay ni Juan. Napagod yata sa kaiire. Suwi kasi itong si Juan Tamad.
Sobrang tuwa naman ang naramdaman ng ama niyang si Bochok. Sa wakas kasi ay nagkaroon na siya ng anak. Pinagduduhan na kasi siyang bakla ng mga kumpare niya dahil madalas itong nabibighani sa mga abs ng mga ito. Buti na lang at may ebidensya na ito. Sa isip ni Bochok:
“ Yes, sa wakas, may alibi na ako!!!hahahaha….ngayon magagawa ko na ang lahat ng gusto ko!!!hahaha…..”
Sinisigawan nap ala siya ni Dokling, ang kumadrona ngunit hindi niya naririnig dahil iniimagine nito ang mga nakita niya sa kanyang mga kumpare.(Mala slang ni Juan bakla talaga ang tatay niya.)
“Hoy, Bochok, Bochok!!!!!!!........kunin mo yung alcohol…..Napakabingi mo ah???? Hinadupak na to nagkaanak lang nabingi na?”
“Ah sori ho…masaya lang talaga ako.”
“ Oh, siya siya….akin na yung pinakukuha ko sayo….Ayaw ko ng mga dramang ganyan…!!!”
(Kasungit naman pala ng kumadronang iyon noh??? Gusto nyo patayin ko na agad????....Hahahaahaha….easy lang kayo… May mahalaga pa siyang gagampanan mamaya.)
“Oh heto po madam. Ano po ba gusto niyo? Isopropyl o Ethyl?
“Sige, kahit isopropyl na lang.”
“Wala na ho eh.”
“Oh, siya yung ethyl na lang…pwede na rin yun.”
“Wala din po.”
“ Oh ba’t nagtanong ka pa? Wala rin naman pala. Wag ka ngang tatanga tanga!!! Ito si Bochok umiiral na naman ang-.”
“Ang ano ha???” mukhang napikon yata si Bochok dahil sa sinabing iyon ni Dokling.
“Mamili ka, Bobo o Tanga.”
“ Bobo na lang po.”
Ay! Pasensya na. naubos na eh.”
Tanga na lang po.”
“ Ay! Wala na rin!!!”
Nagalit si Bochok dahil ginaya ng kumadrona ang style ng joke niya.
“ Leche. Bakit nagtanong ka pa?”
“ Naubos na nga silang lahat. Ikaw na lang ang natira. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”
Umalingawngaw ang tawang iyon sa buong kabuuan ni Bochok. Noon lamang niya naramdaman ang ganoong kasakit sa damdamin. Nadungisan ang kanyang kakapiranggot na pride. Halos mabaliw si Bochok dahil paulit ulit iyong lumalamon sa kanyang ulirat.
“Hhhhhhhhhhiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnddddddddddddddiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!”
Biglang tumigil sa pagkabruha ang kumadrona ng mapansin niyang nagising na pala si Maring. Bumalik na rin sa katinuan si Bochok.
Marahan at mahinang nagsalita si Maring.
“Nasaan ang anak ko?” bakas sa mukha nito ang pagkasabik sa anak.
“Heto siya, isang napakalusog na anak. Pero hindi gwapo.”
Inilapit niya ang sanggol sa tabi ni Maring.
“Ang anak ko! Ang anak ko!”
Nagtanong si Dokling.
“Ano ang balak mong ipangalan sa bata?”
Kaybilis namang sumagot si Bochok.
“Juan! Juan ang ipapangalan natin sa kanya. Sagisag ng isang batang matapang!”
“Sige! Ang ganda naman ng pangalan na napili mo!” Tuwang tuwa din si maring dahil mukhang nagustuhan nito ang pangalan na binigay ni Bochok.
(Bakit ganun? Ang cheap nila magbigay ng pangalan ano?)
Sige, Juan na lang!”, pumayag na rin ang kumadronang si Dokling.
Dahil sa katuwaan ay biglang nagtatalon itong si Bochok.
“Yes! Yes! Yes!” Nagkarech na rin aketch ng junakis!!!”
Biglang nanlaki at lumuwa ang mga malalaking mata nina Maring at Dokling dahil sa narinig nilang mga katagang binigkas ni Bochok. Hindi sila maaaring magkamali sa narinig nia. Malinaw na malinaw. Gay Language ang sinabi ni Bochok. Halos malaglag ang baga nila dahil sa gulat.
“Boooooccccchhhhhoooookkkkk/?????????!!!!!!”
Nadulas lang si Bochok nang masabi niya iyon. Sa mga hibla ng utak ni Bochok:
“Bochok! Bochok! Hindi nila dapat malaman na baklushi ka!”
“Korak! Korak! Korak!”
“Sabihin mo nabingi lang sila!!!”
At sinunod nga ni Bochok ang sinabi sa kanya ng utak niya.
“Oh bakit kayo nagkakaganyan?” pagkukunwari ni Bochok.
“Tama ba yung narinig namin ha Bochok?” nanggagalaiting tanong ni Maring
“Anong narinig?” patuloy pa rin sa pagmamaang-maangan itong si Bochok.
“Sus, tatanggi ka pa! kinig na kinig naming ni Dokling! Ganito ang sinabi mo “Yes! Yes! Yes!” Nagkarech na rin aketch ng junakis!!!”. Nagsalita ka ng gay language!!! Bakla ka Bochok!!! Bakla…………….!” Ito ang mga salitang lumabas mula sa kadulu-duluhan ng dila ni Maring.
Ha? Hahaha….haha..haha…”, Tatawa-tawa pa si Bochok. Kailangan talaga niya tumawa para hindi siya mahalata at para makatanggi siya.
“Tatawa-tawa ka pa dyan.”, hirit pa ni Dokling.
“ Baka naman kasi nabibingi lang talaga kayo.” Giit na Bochok. Sige pa ang dalangin ni Bochok n asana mapaniwala niya ng mga ito na nabingi lang talaga sila.
“Hindi. Hinding-hindi kami maaaring magkamali.”
“Ooopppsss,,,ooopppsss….Baka nakakalimutan mo Maring kakapanganak mo pa lang. Kaya baka kung anu-ano ang pumapasok dyan sa utak mo. At ikaw naman Dokling, kakatapos mo lang diyan ah? Sigurado talagang kung anu-ano ang mga pinag-iisip mo.”
“Sige, panalo ka ngayon Bochok. Pero wag na wag lang talaga naming malalaman ang katotohanan. Dahil kapag dumating ang panahong iyon, tiyak na luluhod ang mga tala! (Este ang mga bakla!)”
BINABASA MO ANG
Ang Napakawalang Kwentang Kwento ng Buhay ni Juan Tamad
HumorSa mundo ni Juan Tamad, laging masaya at walang problema. Kasama ang crush at buong barkada. Kung saan malaya kang mamayabas kahit may klase. Pwede mag-out of the world. Kung saan ang kontrabida ay ang mga gurong walang ibang itinuro kundi paulit-ul...