Chapter 35 Harsh Noah

16.1K 396 17
                                    

Dedicated to: @GirlThatLovesWriting

Noah's POV

Kanina pa ako naghihintay dito sa sala at wala pa rin si Audrey. Saan ba ito dinala ni Mommy at gabi na. Naisipan ko na lang na mag inom mag isa marami akong alak na naka stock dito sa condo. Naramdaman ko na lang na bumukas ang main door at nagkatitigan kami sandali ni Audrey. Napako ang tingin niya sa iniinom kong alak. "Gabi na. Hindi mo ba naiisip ang mga responsibilidad mo dito sa condo?" Singhal ko pa sa kanya.

"Nagyaya kasi si Mommy mo. Hindi ko na namalayan ang oras. Noah pasensiya na. Hayaan mo ipaghahanda kita kaagad ng makakain." Sabi nitong hindi na magkandaugaga sa mga dalang pinamili.

Napatingin ako sa mga shopping bag na pinamili niya. Siya na mismo ang nag explain kung bakit marami siyang dala. "Ah, Noah. Pinamili sa akin ni Mommy. Nakakahiya nga eh." Pag explain pa nito.

Tiningnan ko ito. "Feeling mo talaga this marriage will work out as you planned. Mommy na ang tawag mo sa Mommy ko. Suhol na ba niya yan sayo at na accomplished mo ang mga utos nila?" Masakit kong akusasyon sa kanya. I don't care about her. I felt like she's just being so opportunistic at ako ang naging biktima niya.

"Noah, lasing ka lang kaya hindi mo alam na nakakasakit ka. Ipapasok ko lang muna itong pinamili sa room ko at ipagluluto pa kita. Bakit kasi na inuna mo pa ang uminom? Mamaya magkasakit ka pa." Sagot nito sa akin na malungkot ang boses.

"Bakit ikaw lang ba ang nasasaktan? Ako naisip mo ba ang sakit na dulot mo dahil sa pinanggagawa mo? Pu+cha! Ako pa ang masama!" Sabi ko pa dito.

Hindi na ito umimik pa at diretso na itong pumasok sa room niya. I don't give a damn on her. Kung dati may gusto ako sa kanya. Now I find her a filthy schemming bitch! I hate her for doing this to me.

Nandito ako sa sala mag isang umiinom. Samantalang busy sa pagluluto si Audrey. Masipag ito at maasikaso but you will never know kung ano namang panlilinlang ang kaya nitong gawin. Narinig kong nag ring ang phone ko. Si Mommy pala. "Yes po Mommy." Sagot ko pa dito.

"Noah, salamat pala sa pagpapahiram kanina kay Audrey. Kaya ako ang may kasalanan kung bakit kami ginabi." Sabi pa ni Mommy sa kabilang linya.

"That's alright Mom." Sagot ko pa dito.

"Noah, just take good care of Audrey. Tinatawag pa rin ako nitong Mrs. Tansinco. But when I told her to call me Mommy. Nakita ko ang saya sa mukha niya. I think ganyan lang siguro ang mga orphaned. They felt happy na finally may matatawag silang Mommy. Goddnight son!" Paalam pa ni Mommy. Napapaisip ako sa tinuran ni Mommy. Kahit na ano pang explanation ang gawin nila para sa kanya. Hindi ko pa rin ito mapapatawad. Wala akong pakialam sa kanya. Pag naasikaso ko na ang annulment namin. Ayoko ng makita pa ito.

Naramdaman ko ang mabibigat na yabag ni Audrey papunta sa akin. "Noah, ready na ang pagkain mo." Sabi nito sa mahina na boses. Hindi man lang ito makatingin sa akin. Tumayo akong nilagpasan ito. Nakita kong nagsimula itong magligpit ng pinag inuman ko. Masarap ang niluto niya sa akin. Mag isa lang akong kumakain dito sa hapag kainan at yun naman ang gusto ko. Ayokong magkasabay kaming kumain at hindi ko naman ito asawa. Mag one week na kaming mag asawa pero hindi ko ni minsan man pinaramdam sa kanya na asawa ko ito. Dapat yun ang ilagay niya sa kukote niya. Dahil hindi siya magiging Mrs. Tansinco forever.

Narinig kong may nag text sa kanya. Busy ito sa kusina na naghuhugas ng mga pinag lutuan niya. Lumapit ito sa akin. "Noah, si Mrs. Tansinco nag text na gusto niya akong isama bukas at pupunta daw kami sa boutique na pinagawan niya ng gown sa wedding ni Sir Michael." Sabi pa nito sa akin.

"Alam mo, I don't care about your damned shit! Kung hinuhuli mo ang loob nila dahil diyan sa feeling mo myembro ka na ng pamilya, bahala ka! Isa lang ang masasabi ko sayo. Don't give them or yourself a hard time. Sooner or later. I will get rid of you!" Pasinghal ko pang sabi dito.

"Yun nga ang sasabihin ko sana. Nahihiya kasi akong humindi. Tsaka every Saturday may photoshoot ako. Iiwasan ko na sila kung yun ang gusto mo. Pero pwede mo bang sabihin sa Mommy mo na hindi ako makasama sa kanya? Nahihiya kasi akong humindi." Pakiusap pa nito sa akin. Hindi na ako sumagot sa kanya.

Narinig kong nag ring ang phone nito. "Kung si Mommy yan sabihin mo na tatawagan ko siya!" Pabalang na utos ko sa kanya.

"Hello, Phillip?" Dinig kong sagot niya. "Nag text ang modeling company kanina. Oo, the same pa rin wedding gown ang i model natin tomorrow. 10:am ang meet up time. Sige i forward ko sayo ang text message. OK, see you there." Sabi nito in a casual tone.

Tumingin ako dito pagkatapos niyang makipag usap sa Phillip na yun. "Sino ba ang Phillip na yan? Future victim mo? Pag Saturday, hindi ba dapat mamalengke ka for our groceries dito sa bahay?" Asik ko pa dito.

Kalmado pa rin itong sumagot. "Si Phillip kung naalala mo. Siya yung kasayaw ko doon sa debut ni Mae. Siya yung palagi kong partner sa Wedding Magazine pag may mga gown akong isusuot at siya naman sa groom. Pwede naman akong mamalengke pagkatapos ng photoshoot. Kailangan ko lang ang trabaho na ito at para makaipon ako at makapag aral muli. Hayaan mo, hanggat nandito ako. Di ko pababayaan ang responsibilidad ko sayo." Sabi pa nito sa akin.

"Bahala ka sa buhay mo. Wala akong pakialam sayo. Hayan ang card gamitin mo para sa mga expenses dito sa bahay." Padabog ko pang iniwan ang card sa mesa at bumalik na sa sala para manuod ng TV. Nakita kong kumakain lang ito ng tahimik. Nakayuko itong pinapahidan ang mga luha. Wala akong pakialam kung masaktan man siya. Yun naman ang purpose ko. Ibalik ang sakit na binigay nito sa akin. Shi+t! My life is fvked up!

Langit Ka Sa Akin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon