Ashton's POV
Dumiretso ako sa locker ko para kumuwa ng damit. Lampa kasi nung babae kanina. Tsk.
Nagpalit na ko ng shirt at napagdesisyunan na pumunta sa gym.Madadaanan ko nga pala yung classroom namin. Napatingin ako sa relos ko, 3:27 palang at nagtuturo padin yung Mrs. Brinotcha na yun.
Habang naglalakad ako palapit sa classroom namin, nakita ko si Kaizen na nagmamartsa palabas ng room. Napalabas din ata yung loko. Nainggit sakin. Haha.
Nakita naman niya ako kaya naglakad siya palapit sakin. Nakangiting aso pa yung loko kaya alam ko na sinadya niyang galitin si tanda para mapalabas siya. Nag brofist kaming dalawa nang makalapit siya sakin.
"Bat nagpalit ka ng damit?" panguusisa niya nang mapansing di ako naka polo.
"Natapunan e." sagot ko at tumango lang siya.---
"Tangina pre lupet mag-dunk ni Thrace haha" sabi ni Kaizen habang dinidribble yung bola.
"Half monkey nga kasi yan tol haha"
"Ulol" sabi ni Thrace at nagtawanan kami.Andito kami sa gym, napagdesisyunan kasi naming maglaro ng basketball. Wala naman kasing magawa dahil napalabas kaming dalawa ni Kaizen at si Thrace naman nag-cutting. Wala e, mababait kame.
Pinasa sakin ni Kaizen yung bola, dinribble ko muna yung bola bago shinoot. Three points!
Sinalo ko yung bola at pinasa kay Thrace. Pero hindi nya nasalo, dere deretso lang yung bola dahil rin sa lakas ng paghagis ko rito."Miss may bola!"
"Miss!" Sigaw ko ulit pero huli na yung reaksyon nung babae dahil natamaan na siya ng bola. Napahiga yung babae sa lupa kaya nataranta ako.Tumakbo ako palapit dun sa babae na napahiga. Lakas ng impact e.
"Miss, gising." Tinapik ko pa yung pisngi nito pero walang epekto. Walang malay yung babae kaya naman nagpaalam ako kila Kaizen. Binuhat ko papunta sa clinic yung babae.Pagkarating namin sa clinic, Sinabihan ako nung nurse na ilapag nalang siya dun sa kama. Sinabihan ako nung nurse na pwede na raw ako umalis. Pero umayaw ako, pumayag naman yung nurse na bantayan ko yung babae. Dapat lang naman na bantayan ko siya, ako may kasalanan e.
Naglalaro ako sa cellphone ko habang nakahiga sa kabilang kama. Napatigil ako ng mapansin kong gumalaw na yung babae.
Tumayo ako at lumapit dun sa kama niya.Unti unti niyang dinilat ang mata niya at nilibot ito. Lumaki yung mata niya ng makita niya ako. Parang nakakita ng multo. Putangina mukha ba akong multo? Ang gwapo ko kaya.
Napapakunot pa ang noo niya habang nakatingin sakin. Minumukaan niya ata ako? Di naman pamilyar mukha niya sakin.
"S-sorry" Bat nagsosorry to?
"Sorry for what? Ako nga dapat nagsosorry ngayon sayo." she shook his head.
"S-sorry. I-ikaw yung kanina" Nawiweirdohan na ako sa babaeng to.
"Ano ba pinagsasabi mo miss?"
"Ako yung nakabunggo sayo kanina. Nakatapon ng hot choco sa polo mo. Sorry." Aah.Teka. Tangina. Siya pala yon. Lampa nga pala talaga tong babae na to.
"Quits na pala tayo." Napanguso naman siya bago tumango.
"Sorry." Nagkasabay pa kami sa pagsabi.
Nakaupo na siya ngayon sa kama na hinihigaan niya kanina. Hinihilot niya pa yung ulo niya. Nung maayos na siyang nakakakilos, tumayo na ako."Okay kana?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Una na ko. Uwian na, mag ingat ka. Lampa ka pa naman" Lumabas na ako ng clinic at nakita ko naman yung dalawa na nakaabang sa labas ng clinic.Nasa sasakyan na kami pauwi ng biglang sumagi sa isip ko yung babae kanina.
Di ko pala natanong pangalan niya. Magkikita pa kaya kami nung lampa na yon?Taena bat ko ba siya naiisip? Bahala na nga. Tsk.