Copy Right 2015 ©
All Rights ReservedNaranasan nyo na ba ang mainlove? Ofcourse halos lahat naman ng tao diba? Eh ang mainlove sa bestfriend mo? Hirap diba? Lalo na kung popular sya as in good catch talaga. Ang mas mahirap alam mo sa sarili mo...
Isa ka lang dakilang bestfriend"Parekoy!!!" speaking of her
"oh Parekoy.."
"Sensia na natagalan ako ha?" meron kasi kaming date este usapan na tumambay.
"Sus ok lang yun, alam ko namang sinamahan mo yung manliligaw mo."
"Sino dun Parekoy?" painosente nyang tanong kaya agad akong napalingon sa kanya. Tingnan mo to!
"Parekoy, oo na. Marami ka nang manliligaw!" natawa sya sa sinabi ko. Totoo naman kasi..
Yan si Alyssa, Maganda, mabait, matalino, almost perfect na nga sabi nila. Bestfriend ko sya since grade school until now na 1st yr college na kami. At oo! Marami syang manlilgaw, as in marami. Na sa sobrang dami alam kong wala na kong pag asa! Hirap talaga diba? Mahal ko sya pero di nya alam. Ayokong sabihin dahil natatakot akong mawala sya.. Di ko kakayanin yun.. Ok na yng ganito, kahit masakit pag nakikita ko syang kasama yung mga manliligaw nya, wag lang syang mawala sa tabi ko..
"Hahaha Parekoy joke lang! Eto naman, nangungulit kasi eh.. Kaya pinagbigyan kona! Pero sulit naman kasi pinakain nya ko Haha!" Psh ang takaw.
"Ahh ganun.."
"Oh Parekoy.. Don't worry! Di kita nakalimutan, eto nga may dala ako para sayo."
"Tsk ay----"
"Hep! Hindi to galing sa manliligaw ko, ako nag provide nito. Kaya kain ka na oh, sorry na din ha?" w/puppy eyes and pouty lips pa. Augh nanggigigil ako, ang cute nya.
"Ano pa nga ba magagawa ko? Lika nga dito" then tinap ko yung tabi ko. Sumunod naman sya at masayang umupo sa tabi ko. Nakaupo kami ngayon sa tambayan namin. May malaking puno dito at dun kami sa ilalim nakaupo..
Nilabas na nya yung dala nya, at siomai pala. Wow paborito namin to. Ang dami nga eh, pala kakain din sya, ang takaw talaga nito. Muntik pa nga akong mabulunan dahil ang laki nung siomai sabay sinubo ng buo sa bibig ko! Aba naman talaga!
Kain lan kami ng kain, tawanan, at kwentuhan.Ako nga pala si Jerald, simpleng lalaki. May mga nagkakagusto naman sakin pero loyal ako kay Alyssa, syempre mahal ko eh Haha. KAhit na alam kong walang patutunguhan 'tong pagmamahal ko ng palihim..
"Parekoy.." napalingon ako sa kanya dahil sa tono ng boses nya at paglingon ko kasing seryoso ng boses nya yung mukha nya. Ano problema nito?
"Oh? Ang seryoso mo naman masyado! Problema mo?" umiwas sya ng tinginsakin tapos huminga ng malalim at tumingin ulit sakin. Luh???
"Ui ano ba? Wag mo nga---"
"Parekoy ba't ganun?"
"Teka nga! Ano bang---" itinapat nya yung palad nya sa mukha ko kaya natigilan na naman ako
"Patapusin mo muna ako, pwede?" tumango ako bilang sagot. Sabi ko nga tatahimik na eh. Ano ba talaga nangyayari dito? Huminga ulit sya ng malalim na para bang kumukuha ng lakas ng loob.
"Bakit ganun.. Marami ngang nanliligaw sakin.. Pero bakit.. Bakit yung taong.. Amh.." psh pabitin naman!
"Parekoy pwede ba, deretsahin mo ko. Nabibitin ako eh!""Ano kasi Parekoy.. May.. N-nagugustuhan akong guy.."
Bigla akong na speechless sa sinabi nya. Sya naman yumuko. May.. Nagugustuhan sya?? Isa 'yong napakalaking OUCH! Parang gsto kong mabingi! Na sana di ko nalang narinig yun, kaso narinig ko eh! Tagos nga sa puso oh! All this yrs. Ngayon lang sya nagsabi ng ganito.. Dahilsa dinami dami ng manliligaw nya noon pa man, ni isa dun wala syang sinagot! Kaya hanggang ngayon NBSB sya eh. Tapos ngayon... Malalaman ko.. May nagugustuhan na syang lalaki?! Sakit BROO! Mas lalo akong nawalan ng pag asa..
BINABASA MO ANG
Fall Inlove With Her
RandomNaranasan nyo na ba ang mainlove? Ofcourse halos lahat naman ng tao diba? Eh ang mainlove sa bestfriend mo? Ang hirap diba? Lalo na kung popular sya, as in good catch talaga.. ang mas mahirap, alam mo sa sarili mong.. Isa ka lang nyang Dakilang Best...