Sa isang pasilyo, lumalandas ang isang babaeng kakikitaan ng tuwa sa mukha. Lumulukso-lukso pa ito habang naglalakad. Maririnig din ang mahina nitong pag-awit at pagsambit ng mga salita.
~lalalala forty-eight, forty-nine, fifty lalalala~
Patuloy lang ito sa ginagawa hanggang marating ang pintuan sa dulo ng pasilyo. Hinawakan nito ang seradura at pinihit. Ngunit bago niya binuksan ang pintuan ay muli muna itong tumingin sa pasilyong dinaanan.
"Salamat sa lahat! Hindi ko nakalimutan lahat ng ginawa niyo sa akin at napagbayaran ko na!"
Ngumisi ang babae at makikita sa mga mata nito ang kakaibang kislap.
Sa kabila ng pinto ay maririnig ang mga ingay na waring may nangyayaring gulo.
"Ahhh. . . Sila naman ang hindi makapaghintay sa gagawin ko."
Litanya niya at tuluyan ng binuksan ang pinto. Bago pa man sumara ito ng tuluyan, nakakalokong tawa at mga sigawan ang umalingawngaw.
BINABASA MO ANG
Paradise in My Head
Mystery / ThrillerWhat if the things you thought were right is just in your head? She doesn't care. She just want to have fun and payback those people who made her a monster -in her own way. She met an interesting person who wants and is willing to help her in ever...