We were just both quiet on our way to the gym and even before we had dinner up to the time that we got in the hotel. I know Geline would want to talk about changing my life according to "God's plan" but she could not start the conversation. Alam ko, iniisip niya pa rin yung naging pag-uusap namin sa office pero wala akong magagawa.
Kung talagang God can change me, di sana ginawa na niya noon pa. Pero hinayaan niya lang akong mag-isa at kahit na nagsisimba ako at kasa-kasama ng mga magulang ko sa mission, I would still find ways to escape at night and live my own life. God did not do anything about it. He just allowed me to lose myself at mahulog sa malalim na hukay.
I remember asking Him yesterday if there is still a way out for me pero pakiramdam ko, mahihirapan ako. Mahihirapan akong umahon pero kakayanin ko. Kahit ni hindi Niya ako tulungan. Kahit ako lang mag-isa.
I cleared my throat and started a conversation. Kailangan naming magkaayos bago pa ko umalis lalo at baka isumbong pa niya ko sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung anong pwedeng gawin ni Geline. Mahirap na.
"Im sorry about earlier. I am happy that you've changed for the better pero sana wag mo nang ipilit sa akin kung anong paniniwala mo. Let us respect each other."
"I know but I'll pray to God that if you won't change because of me, then I hope that you'd find someone who will heal you and lead you back to Him."
Hindi ko na naintindihan pa ang sinasabi ni Geline dahil I saw someone familiar who got in the elevator. Hindi ako maaring magkamali.
"Hey, are you still listening?"
"I have to go. Good night Geline."
I kissed Geline on her forehead and looked for that familiar face.
Hindi ako pwedeng magkamali. Akala ko kanina di ko na siya makikita pa. Pero nandito siya. Sa di inaasahang panahon dumating siya. Nakita ko siya. Pero saan ako magsisimula?
Saan ako unang pupunta?
I have to think. Kailangan kong mag-isip ng mas mabilis na paraan.
I went down to the lobby and sat in one of the couches near the entrance. I waited for more than 20 minutes but there was no trace of her.
Saan ko siya pwedeng makita?
I took the elevator and went to each of the 18 floors that the hotel has. Daig ko pa ang isang baliw na nagpalakad lakad sa bawat floor, nagbabakasakaling makikita siya.
Pero bigo ako.
Wala ni likod niya.
Wala ni anino niya.
Wala.
Wala.
Wala.
Baka guni-guni ko lang ang lahat.
I gave up. Siguro kamukha niya lang yung babae sa grocery at hindi siya yung nakita ko, kahit na alam kong siya yun, at di ako pwedeng magkamali.
I decided to go to the rooftop to get some fresh air.
Nakakita ako ng set up ng isang dinner date. Nakakatawa lang. Bakit ba may mga taong nag-aaksaya ng panahon para gawin ang mga ganitong bagay.
Umupo ako sa isa sa mga benches at doon ko nakita ang babaeng kanina ko pa hinahanap.
Nakaupo siyang mag-isa at ilang beses na tiningnan ang relo niya, ilang beses siyang nagpalingon-lingon. Hanggang sa may kinausap siya sa phone at maya-maya pa ay nilapitan ang isa sa mga staff ng hotel at may sinabi dito.
Ininom niya yung orange juice na nakalagay sa mesa at di ko napigilang malungkot sa nakita ko.
I found my feet walking towards her and handing her my gray handkerchief. Napatingin siya sa akin at parang nagulat nang makita ako.
Yes. Siya nga. She is the same lady I've met at the grocery. Bumilis ang tibok ng puso ko at muling sumikip ang pantalon ko, mas masikip kesa kanina noong naiimagine ko pa lang siya at ngayong nasa harap ko lang siya, gusto ko siyang yakapin at gawing akin.
Pakiramdam ko, nabasa niya ang isip ko dahil dahan-dahang tumaas ang kilay niya at parang nagtataka kung bakit ko siya nasundan sa rooftop.
"Hey. I am just trying to be friendly and for the record, I am not stalking you just like what your eyes are telling me. I went out with a hot friend and sent her to her room when I saw you getting inside the elevator. You know very well that you still owe me a date so I decided to follow you, only to see you like this."
I know that she was the one who organized the dinner pero kawawa naman dahil mukhang di na matutuloy pa ang dinner na plinano niya.
"I guess your date didn't show up. "
"I don't owe you anything. I already said thank you."
Inis niyang sabi sa akin. Tumayo siya at tinalikuran ako.
Hinabol ko siya na parang bata.
"Hey, don't leave me. Look, I know you are broken hearted and perhaps a cup of coffee would help?"
Hindi siya tumingin sa akin. Mas lalo siyang nagmadaling naglakad at di-nial ang cellphone niya. Marahil mayaman ang babaeng to dahil kahapon eh nagkasira-sira ang phone niya.
Ganoon niya talaga siguro kamahal ang asawa niya na kahit na inindian siya sa date nila eh nakukuha niya pang tawagan ito.
Alam kong wala akong karapatang magselos pero di ko mapigilan ang sarili ko.
Hinabol ko siya at inagawa ang cellphone niya. Hinila ko ang kamay niya at pilit siyang sinama papuntang elevator.
"I thought I made it clear that I don't owe you anything! Why do you keep on bothering me."
Galit nag alit na sabi ng babae na mas lalong nag pa sexy sa kanya, mas lalo akong nangigil sa kanya at di ko na napigilan pa ang sarili ko.
"Because.."
Tinitigan ko siya sa mata at pilit na ipinadama ang tensiong nararamdaman ng katawan ko.
" I want you so badly."
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi and kissed her passionately. Nagpumilit siyang pumalag noong una pero naramdaman kong yumakap ang mga kamay niya sa batok ko at mas lalo akong ginanahan nang gumanti na rin siya ng halik.
Iba ang halik na to sa iba pang nagawa ko. Apart from the orange juice that I've tasted, her kiss is something refreshing, something that Ive not experienced my entire life.
Mas lalo kong diniinan ang halik ko at sinandal siya sa sulok ng elevator.
Nakita ko ang reflection ko at natakot ako sa nakita ko. Here I am, not drunk, kissing a woman I didn't dance with, kissing a married woman whose husband didn't show up in a dinner, kissing a mother whose child might be waiting for her at home.
I moved away from her. Mali ang ginawa ko. Maling maling magpadala sa nararamdaman ng katawan ko.
"Im sorry. Im really sorry. I know you are married but I still kissed you. I'm sorry. I am just so attracted to you. Im sorry. Im so sorry."
I pressed the button of the nearest floor and left her. Mali ako. Mali ang ginawa ko.
----------------
A/N
Read Lucy's POV over And I Kiss Brian Goodbye, chapter 39 part 3. Hihihih. Thanks.
****
Here's for our daily reflections
BINABASA MO ANG
I Found Love at Thirty Two
ChickLitWARNING: Read at Your Own Risk I am 32, single, no boyfriend since birth. At my age, I also have thoughts of falling in love, (I did once but ended not so well) of being loved by someone I love, having a family to call my own. I guess though...