Chapter 17: Tulala

34 1 0
                                    

Chapter 17: Tulala



Hindi pa rin ako makapaniwala na nahalikan na ako ni Alex. Hindi ko maintindihan kung matutuwa ba ako o ano. Syempre natutuwa ako na siya ang unang nakahalik sa akin. Sino ba naman ang hindi matutuwa na nahalikan ka ng taong gusto mo di ba?

Pero at the same time naguguluhan ako. Bakit niya ako hinalikan? Yun lang ba talaga ang reason? Na dahil tinukso ko siya?

Hindi ba pwedeng dahil may gusto siya sakin?

"Sumire, are you alright?"

"H-ha?" Medyo nabiglang tugon ko at napalingon kay Alex.

As usual ay nandoon lang kami sa loob ng bahay nila specifically ay nasa sala nila. Mukhang boring pakinggan pero ang totoo hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabagot. Ang totoo pa nga ay nakukuntento na ako sa ganito. Kahit pa nga ba hindi naman talaga ako masyadong kinakausap ni Alex dahil busy siya sa pagharap sa laptop niya.

Nag aalalang mukha niya ang nakita ko kaya hindi ako agad makareact. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Tita Aoi? Daddy's asking if you're okay. Are you not feeling well tita?" Ngayon ay si Aki naman ang nagsalita.

Napatingin ako sa bata na nakatingala sa pagkakatingin sa akin. Katabi ko siyang nakaupo sa sofa dahil nanonood kami ng palabas sa tv. Si Alex naman ay nasa malapit na tabi ni Aki.

Nalipat ang tingin ko kay Alex at pakiramdam ko ay nag iinit ang pisngi ko. Napatingin kasi ako sa labi niya at naalala ko na naman ang paghalik niya sakin kahapon.

"A-ano.. O-okay lang naman ako." Sagot ko saka binaling ang paningin sa tv.

"Are you sure?" Hindi kumbinsidong tanong pa ni Alex.

"O-oo. Ayos lang ako."

Hindi na ito umimik pa pagkasabi ko nun.

-
-
-

Pagsapit ng bandang hapon ay napagpasyahan ni Alex na mamasyal daw kami. Nagpunta kami sa park ng naturang subdivision.

Hawak hawak ko si Aki sa kabilang bahagi habang hawak din siya ni Alex sa kabilang bahagi. Kung titingnan ay para kaming isang masayang pamilya.

Nakikita kong masaya si Aki habang naglalakad kami. Napansin ko din na magaan ang aura ni Alex. Mukha siyang masaya.

Pagdating namin sa park ay hinayaan ako ni Alex na maupo muna. Siya nalang daw muna ang titingin kay Aki.

Sa totoo lang, hindi ko masyadong ramdam ang pagiging yaya ni Aki. Mabait na bata si Aki at masunurin sa ama. Sa tingin ko nga parang hindi naman kailangan ni Alex ng yaya para kay Aki dahil mas madalas ay ito ang gumagawa ng lahat ng pagbabantay at pag aalaga sa anak nito.

"You seem to be not yourself today, is something bothering you?"

Napapitlag ako ng marinig kong may nagsalita sa tabi ko. Pagtingin ko si Alex lang pala.

"A-anong sabi mo?" Tanong ko.

"I remember that I keep on telling you that I don't like repeating myself. But I don't know why I always do it anyway with you." Anito na ikinanuot ng noo ko.

'Ha? Ano daw?'

Minsan talaga hindi ko nasasabayan ang pinagsasabi ni Alex. Minsan kasi parang wala naman sa topic ang sinasabi nito dahil nag sisingit ito ng mga bagay na irrelevant sa kung ano talaga ang pinag uusapan namin.

"I said, you seem to be not yourself today. Is something bothering you?" Anito.

Paano naman nito nasabi yun? Ibig bang sabihin nun na buong araw niya akong inoobserbahan?

Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon