Kabulastugan Ng Magkakaibigan

167 1 0
                                    

Paano na nga ba kami nagsimula?

Paanong nabuo at halos mamatay na sa katatawa?

Paanong nagkakabati ano man ang napag-awayan?

at Paanong nagkasundo-sundo at nauwi sa pagkakaibigan?

Ilang taon din kaming nagsama-sama..

May mga huling dumating at may mga nawala..

Patuloy pa rin naming pinapatibay ang pagsasamahan

Anumang problema sa ami'y dumaan..

Dumami kaming magbabarkada nang hindi namamalayan..

Dati'y tatatlo lang, ngayo'y sasampu na'ng nagtutulungan..

Iba-iba man ang aming mga katangian,

Patuloy pa rin ang aming pag-uunawaan..

Sa katunayan nga'y may tinatawag din kaming BAYANIHAN..

Gaano man kalalayo ang upuan pag may EXAM..

Ang aming gagawin ay magsesenyasan..

Kung minsan nga'y babawi na lang sa ASSIGNMENT ang mga 'yan..

Hayyy!!!...Kay sarap balikan ang aming mgha karanasan..

Sa sobrang saya ng nakaraan, napapaiyak ka na lang minsan..

Lalo pa ngayong magkoKOLEHIYO na kami..

Iba-iba man ng paaralan, may komunikasyon pa rin kami..

Kaya mga kabarkada ko..

Guys, text text at FB-FB na lang tayo..

Lagi nyong tatandaan, gaano man tayo kalayo

Pagkakaibigan nati'y mananatili at patuloy na lalago!!

Love you guys, mamimiss ko kayo

Sa muli nating pagkikita mga SUPER FRIENDS ko!!!

By:

Kwin Cybil P. Del Rosario

Kabulastugan Ng MagkakaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon