Falling for you....

9 0 0
                                    

Pasensiya na po sa mga typos……kahiya naman talaga, pero tao lang po at Malabo pa ang mga mata! 

"You can't blame gravity for falling inlove"- Albert Einstein

SYDNEY’S POV

Malapit ng mag-November.

Naalala ko every Holloween may party sa school namin. Isa sa mga kaek-ekan ng academic coordinator ng school. Pero ang cool din kasi hindi naman lahat ng schools ay nagce-celebrate ng Holloween.

May kanya-kanyang gimik every club. Kami ni George ay Art Club kaya assigned kami sa decorations. Si Bim ay Sports Club sila lagi ang gumagawa ng mga booths. Si Mina ay Wizzard Club at sila naman ang naka-toka sa pangangalap ng funds para maging bongga ang Holloween party namin.

Naka-costume din kami para mas masaya!!!

Ay nga pala……..birthday ko na din!

October 31 ang birthday ko.

Ganda nga eh, nakakikilabot na kaarawan! Buwahahaha!!!

Excited ba ko?

Well…..bukod sa padadalhan ako ng magaling kong ama ng regalo, si mama ay maghahanda nanaman ng children’s party para sa kin. (-__-)

Hindi naman sa ayaw kong ipaghanda ni mama. Kaya lang sa tanda kong ito bakit kelangan pang may balloons, party hats, hotdog na may marsh mallows na nakatusok sa cabbage at malaking tarpaulin na nakalagay ang malaki kong mukha ( oy! Hindi yung sa patay ha ) at may nakalagay na “ Happy birthday!”.

Nung last year ng bday celebration ko nagulat pa mga barkada ko nung may nadatnan silang dalawang clown na nagma-magic. Eh kahit naman yung mga clowns nagulat nung nalaman na damulag na pala yung bday celebrant. Tsk.tsk.tsk.

Napapatawa nalang ako pag-naaalala ko ang ka-O.A-an ni mama sa akin.

Nagmu-muni-muni ako ng may naramdaman akong pumasok sa room.

Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino yung pangalawang masipag na pumasok ng maaga.

Sa amoy palang ng pabango…..hmmm….Cool Water……

“ Good morning Syd!”- it’s Marco

Alam ko iniisip niyo! Hindi sa sinisinghot ko amoy niya. Araw- araw ko sila katabi ni Marco kaya pamilyar na ko sa mga pabango nila.

BTW: Wanna know kung ano ang perfume ni Dillan?

Polo Sport!- kaadik amuyin, ang sarap singhutin…….

Ay lumalandi nanaman ako!

Nilingon ko si Marco…….

“ Hi!”- ako with matching pa-cute na smile

Tumingon ako sa may gawing pintuan,

“ Hindi mo yata kasama si kulet,” tanong ko sa kanya

“ K-kulet?....Ahh, si Dillan ba?” para naming bigla syang naging serious,

Tumango ako in response,

“ Do you like my cousin?” mahina pero dinig na dinig ko dahil sa kaming dalawa lang ang nasa loob ng classroom,

“Hah?!.......hahahahaha!” okay, I stopped laughing mukha kasi lang akong tanga dahil nag-iisa akong tumatawa tapos siya seryoso,

“ H-hindi ko crush yun no! N-E-V-E-R,” masyado na ba akong obvious?

Hindi ko forte ang magsinungaling, pero kinailangan kong sabihin yun. Bakit naman ako aamin sa pinsan pa niya?

The Bully and The BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon