FLASHBACK.... ( 5 YEARS AGO)
Marahan kong tinatahak ang maputik na daan patungo sa eskwelahan na papasukan ko.
Malubak ang daan at makipot... Itong ang mahirap pag sa probinsya at saktong sa liblib na lugar ka nakatira.
Matagal nako tinatagao dito.
Ang sabi lang sakin ng mga magulang ko, mas ligtas dito
Weird siguro pakinggan pero ang totooNandito ako para itago mula sa sarili kong kapatid, si felize
Ako si ELISE..
Matangkad, morena at may mahabang brown na buhok.
Yun siguro yung pinaka kakaiba sakin.Usually kasi pag morena black ang hair color pero sakin, matingkad na brown.
Maraming nagsasabing kapitbahay na hindi daw ako mukang probinsyana, mas muka daw akong city girl kung mabibihisan lang
Kaso malabo ata mangyari yonHindi ako pwede umalis dito. Tinanggap ko na yun.
Matagal na.Mula ng iwanan ako ng kapatid ko para ilgtas kami nila mama at papa mula sa kanila.
Ang "CONRAD" .... Pinaka malaking mafia group sa bansa.
Minsan iniisip ko kung anong ginawa nila sa kanya?
Nahihirapan kaya sya???Natatakot ako.
Bakit ba kasi sa dinami dami ng lalake sa mundo na pwedeng maka buntis sa nanay ko siya pa??
Oo tama ang narinig nyo, anak ako/kami ng boss sapinaka malaking mafia sa pinas.
At hindi ako proud don.
*splash*
"anak ng ng --! Bastos yun ah!"
Talsikan ba naman ako putik! Hindi porket naka 4 wheels sila pwede na silang mang ganun ng tao. Hay... Nakaainis pero hahayaan ko nalang.Lalakad na sana ulit ako ng biglang huminto ang magarang puting kotse.
Kinabahan ako.