"Janrima Keliah Manuel Bernardo.. Will you be my girlfriend?"
"Ye-----""RIRI!!!!!!!!"
Bigla akong nahulog sa kama ng narinig ko yun, badtrip! Ang ganda na eh magiging girlfriend na ako ni.. Sino nga ba yun? Bakit blurred siya sa panaginip? Ah basta nakakainis.
"ikaw ba talaga walang balak umuwi shanaia? Ang ganda na ng panaginip ko eh."
"eh kasi naman oh tingnan mo, ang pogi pogi nakita ko sa internet!!"
"Wala akong pake kung gaano man kapogi yan, sinira mo parin tulog ko"
"Ang kj naman nento, hmmmp bahala ka nga diyan basta pogi siya"
Aba nag be-beautiful eyes pa ang babae. Makatulog na nga lang ulit.
"Riri sige na uwi na ako hinahanap na ako sa bahay, oh eto pangalan nung pogi search mo nalang babuuush loveyou!"
"Loveyoutoo sha"
Hay salamat umalis na ang maingay, ang ingay grabe daig pa aso kakakahol hahaha pero mahal ko yun sobra, simula bata kami na magkaibigan at magkasama.
"Llance Jaelo Ford Padilla.." Ang ganda ng pangalan, mukhang pogi pero paano naman kung mayabang? Edi wala din.
Searching..
Ay jusko, bakit ba sobrang judgemental ko? Nung panahon na nagpasabog ang Diyos ng kagwapuhan eto siguro ang pinakamadaming nasalo.
"ANG POGIIIIIIIIIIIIII"
"Oy Janrima ano ba yan ang nagtitili ka diyan ha?
Si papa. Paktay.
"Ah pa wala po, may nakita kasi akong ipis hehe"
"Osige bumaba kana dito at kumain"
"Opo!"
Grabe, ano ba naman 'to. Bakit may katulad niyang nabubuhay sa mundo? Pero sino rin kaya yung lalaki sa panaginip ko? Posible kayang iisa sila? Ay ang ilusyonada ko naman masyado hahaha makakain na nga lang.---------
Hi guys! Please support po etong una kong kwento hahahaha ang lame, first time ko po kasi. Thankyou pa vote narin po sa mga nagustuhan ang first chapter, spread the love everyone. :)
YOU ARE READING
It Might Be You
FanfictionSimpleng taong babae lang ako, na may simple at sariling buhay. Top ng klase at may mga taong hindi inaasahan dumating sa buhay ko, lalo na ang isang lalaki na hindi ko aakalain na magpapabago ng buhay ko.. He changed me. Sikat, maporma, "Mayabang d...