Chapter 54 - I'm sorry

40 3 0
                                    


12/03/15
________

*BOOOOGG*

Pagkabitaw ng pinakaleader nila sa akin,agad niyang inambangan ng suntok yong lalaking nasa harapan ko,ang lalaking dahilan kong bakit napatigil siya sa panghahalik sa akin.

Hindi agad ako nakapagreak.Ibinaba ko yong tingin ko kay Yiru na sa ngayon ay hawak hawak ang pumotok na labi niya.

Oo si Yiru at wala nang iba.

Hindi pa siya nakontento at sinuntok uli si Yiru.

Ngumisi si Yiru at dumura lang siya.At sa pangatlo sanang suntok hindi na hinayaan ni Yiru na lumapag pa yong kamao nong lalaki sa mukha niya.

Bago pa man lumapag yong kamao nong lalaki sa mukha niya,binigyan na niya ito ng isang napakalakas na sipa sa tagiliran.

At doon na nagsimula ang talagang rambulan.Sampo laban sa isa.

Nanginginig parin ako habang sinusundan siya ng tingin.Blangko ang isip ko at walang maisip na paraan kong papaano tutulungan ang lalaking kasalukuyang nakikipagbugbugan ngayon ng dahil sa akin.

Sabay na sabay na sumugod yong lima kay Yiru.Sa sitwasyon namin ngayon,nagawa ko pang mamangha dahil sa galing niya sa pakikipaglaban.Alam kong bata palang kami ay taekwondo player na siya,pero kong makipaglaban siya ngayon parang kabisado na niya yong mga galaw ng mga kalaban niya.Hindi man lang siya pinagpawisan at  walang kahirap hirap na pinatumba yong lima.

Kahit papano kumalma na ako.

Sumunod na sumogod yong dalawa.Sobrang bilis nila.Nakafocus si Yiru sa pang bubugbog sa isa at hindi niya napansin yong isa pang sumugod kanina kaya natadyakan siya.

Parang wala lang yong tadyak na iyon kay Yiru at hindi man lang siya nasaktan.Pinatumba niya yong lalaking tumadyak sa kanya sa isang suntok lang sa sikmura.

Tatlo nalang sila.Kinabahan ako ng makitang may hawak nang baseball bat yong dalawa.

Sabay silang sumogod kay Yiru.Inihampas nong isa yong basebat sa may paanan ni Yiru pero mabilis niya itong iniwasan sa pamamagitan ng pagtalon.Bago siya lumapag binigyan pa niya ito ng isang flying kick.

Humarap siya sa isa pa.Inihampas naman nito ang hawak niyang baseball bat kay Yiru na agad naman niyang sinangga gamit ang braso niya.

Hindi ako yong napalo pero parang ramdam ko yong sakit dahil sa lakas ng palo.Inagaw ni Yiru yong baseball bat sa lalaking pumalo sa kanta tsaka malakas na pinalo yong paa niya dahilan para matumba siya.

Nakahandusay na silang lahat maliban sa pinakaleader nila.

"Tumakbo ka na habang may pasensya pa ako" Yiru

"Asa ka dude.Baka ikaw gusto mo nang tumakbo.Pero,ang isang pakialamerong gaya mo hindi inahayaang mabuhay pa"

Napangisi lang uli si Yiru.Unang sumugod yong lalaki kay Yiru na agad inambangan ng suntok pero naiwasan naman agad iyin ni Yiru.

"Tss.masyado kang lampa!" Mapanginsultong sabi ni Yiru sabay tadyak sa lalaki.

Madali namang nakabawi yong lalaki at nasuntok niya si Yiru sa mukha ng hindi naiiwasan.Nagpapalitan lang sila ng suntok at tadyak.Sa kanilang lahat,mukhang sa kanya mas nahirapan si Yiru.

Sisipain na sana nong lalaki si Yiru pero agad siyang umikot para maiwasan yong sipa.Ginagawa niya ding pagkakataon iyon para mahawakan niya yong paa nong lalaki tapos binalibag niya.

Tumayo agad yong lalaki tapos nagsuntukan na naman sila ni.Walang nagpapatalo sa kanila,susuntok si Yiru at agad din na babawi yong lalaki.

Nakahanap ng paraan si Yiru pala mapatumba yong lalaki.Umupo siya sa tiyan ng lalaki tsaka pinagsusuntok.

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon