Bakit Hindi ka Crush ng Crush mo?

496 24 23
                                    


Hello readers! Andito na naman ang Author na mahilig sa GummiBears. Hihi.

Hi sa mga may Crush dyan ..

Hi sa mga umaasa na sana may crush din sakanila ang crush nila..

Hi sa mga alam na nila na hindi sila gusto ng crush nila.

At ikaw ;)

Gusto mo ba malaman kung Bakit hindi ka crush ng crush mo?

At kung Oo..
Ang mga sumusunod ay aking opinion lamang..

Etoo na :))))


10 SIGNS Kung Bakit Hindi ka Crush ng Crush mo.

1. HINDI KA KILALA NG CRUSH MO
Syempre, hindi ka talaga nya magiging crush kase.. Hindi ka nga niya kilala. Pero, Thankful ka parin dapat kase Hindi ka pa nya kilala.. Malay naten (Malay lang) Pag nakilala ka na nya maging crush ka narin nya. Yieeee kelegmats.

2. MAGANDA/GWAPO ANG HANAP NYA
Trueee, may mga tao talaga na gusto nila Magandang Tignan, Gwapong tignan. Masyado kasing mataas yung standard nila. Yung tipong mataas ang level abot Heaven. Tss. Pero wala namang taong pangit e. Choosy lang talaga yang Crush mo. Pero Cute parin tayo. Hihihi.

3. MAY GIRLFRIEND/BOYFRIEND NA SYA
Talaga namang di ka nya magiging crush.. kase.. MAY NILALAMAN NG IBA ANG KANYANG PUSO. Capslock na yan para sapul. Jukonleh. I know it hurts i feel you. Isa din kasi ako sa mga nakakarelate dito. Charr. So yun. Maghintay ka nalang na magbreak sila. Jk hahahaha. Badyun. Moveon nalang tayo.

4. BAKLA/TOMBOY SIYA
Hindi mo alam na baka di ka nya crush kase Bakla/Tomboy sya. Gosh. Lalake ang gusto ng crush mong bakla at nandidiri sya pag lumalapit ka sa kanya. At higit sa lahat Babae ang crush ng  crush mong tomboy na tropa lang ang tingin sayo. Kaya please wag ka ng umasa dahil mahirap magpalit ng katangian (Katangian talaga e no?)

5. INLOVE SYA SA SARILI NYA
May mga tao kasing ganto e. Ayaw nya sayo. Kase I Love Food daw. Yung tipong Foreveralone daw sya. Mahal na mahal nya sarili nya hays. Di nya alam na may nagmamahal sa kanya.

6. BORING KA KAUSAP
baka naman pag naguusap kayo e sawang sawa na sya sa paulit ulit na sinasabi mo sa kanya. Kumain ka na ba? Ah ok. Ts. Napipikon na sya sayo sana mahalata mo haha.

7. MAY MGA BAGAY NA HINDI NYA TALAGA MAGUSTUHAN SAYO
Walang maooffend, Hihi. Baka hindi ka nya gusto kase May amoy kang di kanais nais. Pero alam ko namang naliligo kayo araw-araw kaya mabango tayo. Magiging crush din tayo ng crush natin tiwala lang.

8. MATALINO KA
Baka naman kase naiilang sayo yung crush mo kase sobrang talino mo. Parang ang hirap makipagcommunicate sayo kasi iba yung level ng Talino mo . Wooo.

9. MAY IBA SIYANG CRUSH
Aw eto yun e. Darating sa time na nanliligaw na sya o nililigawan na sya ng crush nya. Masasaktan lang tayo. At never ka nyang magugustuhan kase iba yung gusto nya. At kung ikaw yung ginusto nya edi sana matagal na syang umamin sayo. Kaya tama na wag ng umasa.

10. HINDI KA TALAGA NYA GUSTO
Eto, Masakit man isipin na hindi ka crush ng crush mo. Part ng life yan. Wag mong isipin na forever alone ka na porket di ka crush ng crush mo. May taong nakalaan parin para sayo. Kaya yung mga umaasa dyan na tulad ko. Kaway.

Thanks Readers! ;)
Salamat sa mga nakarelate. ;))

P.S Pwede nyo po akong Ipm if you want to request some stories. ☺


Wattpad: https://www.wattpad.com/user/MynameisGiseeel

Twitter: https://twitter.com/MyNameisGiseeel

Bakit Hindi ka Crush ng Crush mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon