Last May 2012, i had this very horrible experience. Sabihin na natin na hindi pa ako nkakakita ng mga multo, engkanto etc. but i truly believe in them.. Para sakin, hindi lang yun "to see is to believe", but "TO FEEL IS TO BELIEVE". Hindi naman kelangang makita pa naten bago tayo maniwala, as long as we feel their presence around us,thats enough to say that they really exists....
Ako nga pala si James, 20 years old, residente ng isang tahimik na bayan sa batangas, pero sa ngayon, dito ako nakatira sa Cabuyao, Laguna.
Hindi sa pagmamayabang pero kakaiba ang aming pamilya, in a way na hindi naman talaga madaling maiintindihan ng iba. Mahirap paniwalaan kumbaga.
May 17 nung tumawag sakin ang nanay ko para sabihing malala na ang lagay ng tatay ko, gusto nyang umuwe kaming lahat sa batangas. Pati ang ate ko na nasa Japan ay umuwe na rin dahil lagay na ang aming loob na malapit n kaming iwan ng aming ama.
May 22,2012..
nakumpleto kaming pamilya sa aming munting tahanan sa brgy. Tulay na patpat, ibaan,batangas.
kuya ko: buti naman at nakauwe ka... may makakapalit na ako sa pagbabantay.
ako: ha? bantay saan?
kuya: sa aswang.. wag ka ng tumanggi at binata kana! aba at mas matangkad kpa nga sa akin ei. mamayang gabi sasamahan muna kita. tapos sa mga susunod na gabi,
ako: ah sige, magsasama na lang ako ng mga tropa ko,
............at kumain muna kami ng tanghalian.naniniwala ako sa mga aswang pero hindi ako ganun katakot sa kanila. sabi nila, ang mga aswang daw ay mga tao rin na may kakaibang kakayahan. Kaya nilang mag ibang anyo bilang ibat ibang uri ng mga hayop.Inaamoy daw nila ang mga taong maysakit na malala, mga buntis at mga mga bagong panganak na sanggol dahil ito raw ang paraan nila upang magkaroon ng lakas.
kaya pala. kaya pala magbabantay kami ay dahil inaaswang na ang tatay ko. tssss
kinagabihan, pumwesto na kami ng kuya ko sa likod bahay para magbantay. nakarinig ako ng ibat ibang hindi pangkaraniwang tunog gaya ng hingal ng malaking baboy, pagkalampag sa kung saan na para bang may kung anong bumabagsak na mula sa kung saan.
halos mayat maya kaming nag iikot ng bahay tuwing may maririnig kami, ngunit wala kaming makita.
Ang pagbabantay naming ito ay umabot ng halos dalawang linggo ng wala kaming nkikita. Hanggang dumating ang araw na hindi ko inaasahan.
ako:Joff, pare samahan mo ulit ako mamayng gabi ha. ako na naman ang duty ei hahaha, alam mo nmn, buti nga khit hindi namin nkikita ung aswang na yun ei, nakakabawi ng lakas si papa, mas malakas na ulit sya ngayon kesa nung mga nkaraang araw.
joff:sige wala nmn akong gagawin, dapat pa-yosi ka ha! marlboro naman pare! wag naman fortune! haha semento sa lalamunan yun ei!
ako: basta ikaw ang bahala sa kape naten, kahit 3 in 1 lang.
kinagabihan 11:30 ...
nagkekwentuhan kami ng tropa kong si joff sa likod bahay habang nagkakape. syempre yabangan na nmn ng walang hanggan! wew. wala nmn magawa sakin to ei... haha walang kwentang usapan... hanggang..
joff: putang ina! pare, tingnan mo! (sigaw ni joff na muntik pang matapon ang kape..
tumingin naman ako. Hindi ko inaasahan ang nkita ko, tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan.. literal..lahat! nkita ko kung panu gumapang ang isang napakalaking aso na papunta sa likod ng kwartong tinutulugan ng tatay ko..
natakot ako. pero kelangan kong magtapang tapangan. ako ang bantay ngayun. kaming dalawa..agad akong tumakbo papunta sa asong gumagapang, hawak ang itak ko pero mabilis din syang tumakbo. hindi namin inabutan ang aso.
pero nasundan pa yun ng mas nakakakilabot na pangyayari..
03:47 ng madaling araw.
inaantok na ako, gusto ng magpahinga ng mga mata ko. kahit ang tropa ko ay tulog na sa bahay na tinataguan nmen. (may isang maliit na bahay kasi sa likod na bahay namin na bahay naman ng isa ko pang kuya, ang mga bintana nito ay transparent na nkaharap sa likod ng aming bahay kaya mula sa loob ay kitang kita mo kung may papalapit sa kwarto ng tatay ko)
isasara ko na sana ang kurtina dahil nasa loob n kami ng bahay ng kuya ko ng bigla akong natigilan. Tila napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. nagtayuan na naman ang balahibo sa aking buong katawan.. ginising ko agad si joff at dali daling lumabas sa bahy ng kuya ko. hawak ko ang itak at flashlight na nakatapat sa tambak ng kahoy sa likod bahay namin.
handang handa ako sa mga pwedeng mangyari at ganun din ang kasama ko. subalit sa tagal ng pag aabang ko sa "nilalang" na nkita ko,ay wala kaming napala. walang lumabas na kung ano..
joff: anu ba kasi yun? kinabahan ako sayo ei, putlang putla ka knina.
ako: ahh, yung... yung aso nkita ko lang na bumalik. kala ko kasi matyetyempuhan na natin. (sabay ang pilit kong ngiti.)
joff: yun lang pala, tana at matulog na, mag uumaga na!
ako: sige..
..hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.. hindi yung aso ang nkita ko..
isang tao,hindi, hindi ko sigurado kung tao nga talaga sya, isang babae.. nkita ko kung paano nyang tinalon ang pader namin na halos siyam na talampakan ang taas.. hindi sya humawak sa kung saan, basta na lang sya lumundag ng npakataas at napatingin sya skin pagkaliban nya..! kitang kita ko ang muka nya, hindi ako pwedeng mgakamali. kilala ko sya! bago pa sya nagtago sa likod ng mga tambak na kahoy..
siya si aling josefina.. ang...
ang..
ang ina ni joff..
mula noon hindi na kami nag iimikan ni aling josefina. natatakot ako.. sa ngayon wala na ang tatay ko, hindi nya na kinaya ang sakit nya..
THE END!!
true story po yan at sarili kong karanasan. marami pa pong mga susunod na kwento... puro karanasan ko po ang ibabahagi ko sa inyo, dahil kagaya po ng nasabi ko senyo, kakaiba ang pamilya namin, nraramdaman namin ang hindi nararamdaman ng iba...