BABY KO (ONE SHOT)

47 2 1
                                    

For  YOU ; )

Enjoy reading :)

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

May mga bagay talaga na kahit pilitin mong iwasan, pilitin mong kalimutan...ay nananatili pa ring nakatatak hindi lang sa ating isipan, kundi pati na rin sa ating buong pagkatao...

Naging masama man ang mga karanasang ito, nagawa mang sirain ang kinabukasan at buong pagkatao ko...ang mahalaga, ito rin ang naging daan upang matagpuan ko ang lalaking magmamahal sakin at mamahalin ko rin, na  nagsilbing lakas ko upang magbagong buhay at itaguyod ang dalawang anghel ko...

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Hayyy... hirap ng buhay estudyante noh?! Aral dito, aral doon...Tapos na sana ko last year...kung di lang ako tumigil nung first year college pa lang ako dahil nga sa... hayy, ang hirap kalimutan... pero ok lang konting tiis na lang makakatapos na rin ako...

Aral...

Aral...

Aral...

After 2 hours...

Hayy, tapos na rin sa wakas...

Nagulat na lang ako ng biglang may humalik sa pisngi ko, pagtingin ko si Kier...ang pinakamamahal kong boyfriend...tama kayo may boyfriend ako...kahit na..." Wow, sipag naman ng baby ko..." sabi nya sabay ngiti sakin...
" Syempre naman noh, kailangan... " may long quiz kasi kami mamaya, kaya nag aaral ako...mahirap na noh?!
" Ang galing naman ng baby ko..." sabi nya sabay kiss na naman sa pisngi ko... " Syempre, wala kaya kong sakit..." pamimilosopo ko naman...tumawa lang sya at inakbayan ako...nandito kami ngayon sa open field ng university na pinapasukan namin.
" Ano oras next class mo?!" Napatingin ako sa kanya at napangiti na lang..." Hmm, 1:30 pa..." automatic na kasi yun, pag tinanong nya kung anong time next class ko,ihahatid nya ko o kaya susunduin kung vacant nya, sa totoo nga nyan mas parang babae pa sya sakin,super kasi sa kasweetan,tulad na lang ng call sign nya sakin na baby ko ... lumipas ang ilang minutong katahimikan ng magsalita ulit sya...
"May tanong ako?" napabaling ang atensyon ko sa kanya,nagbabasa kasi ako..."Ano yun?!" Nakatingin lang sya sakin ng seryoso " Mahal mo ba ko?!"
"Oo naman..."  mabilisang sagot ko...
" Gaano mo ko kamahal?!" sunod na tanong nya..." Gaano nga ba?!"  kunwaring tanong ko sa sarili ko,tinignan ko yung naging reaksyon nya at napatawa na lang ako...nakapout kasi eh, ang cute...hinawakan ko yung dalawang kamay nya at tinignan sya ng seryoso...
" Mahal kita, mahal na mahal Kier...sorry kung hindi ko maiparamdam sayo kung gaano kita kamahal...sorry kung hindi ko maibigay yung pangangailangan mo bilang lalaki..."  hindi pa kasi..." sorry kung hindi ako sweet na tao ah, ganito lang talaga ako..." sorry rin dahil may sikreto akong tinatago sayo, idadagdag ko pa sana kaya lang baka maguluhan siya...ngayon ko lang napansin lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya, naiiyak ako dahil alam kong totoo lahat ng sinasabi ko..."- pero kahit ganito lang ako?!  Mahal na mahal kita...mahal na mahal" ewan ko pero naiiyak talaga ako, ngayon lang kasi sya nagtanong tungkol dito, pakiramdam ko tuloy hindi talaga ko karapat dapat sa kanya...
"Sorry ah, ang dami ko nang pagkukulang sayo bilang girlfriend mo, hindi lang kasi ikaw yung priority ko, alam mo naman yun diba?!" priority ko rin yung dalawag anghel ko...Ewan ko pero kusa ng tumulo yung mga luha ko at kusa ring gumalaw ang mga kamay nya upang punasan ito... niyakap na rin nya ko ...
"Pero kahit ganun mahal na m-ahal k-kita..." may mga bagay talaga na kahit gusto mo...alam mong hinding hindi magiging iyo...at isa na dun si Kier, kahit gaano ko sya kamahal...alam kong may hangganan rin ang aming relasyon...lalo na kapag nalaman na nya ang sikretong  pinakatatago tago ko...
" Shhh, sorry na ang iyakin talaga ng baby ko, nagtatanong lang naman ako..." sabi nya habang hinahagod yung likod ko para patigilin ako sa pag iyak..." I-Ikaw k- kasi eh, p-parang s-sinasabi mo na h- hindi k-kita m- mahal..." sabi ko sa pagitan ng pag iyak ko...
"Shhh oo na, ako na may kasalanan... wag ka na umiyak..." tuloy pa rin sya sa pagpapatigil sakin sa pag iyak..." pero alam mo?! Ramdam ko naman talaga na mahal mo ko, na mahal na mahal...hindi rin naman mahalaga sakin yung pangangailangan ko bilang lalaki, kasi alam mo?! Ikaw  lang yung kailangan ko..."

BABY KO(ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon