I'M BACK!!!! Oh Chichay lang ang peg ko! Hahahahaha!!! I'm so sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Sobrang hectic ng schedule tapos kailangan talaga focus sa pag-aaral. Sorry kung medyo sabaw ang update ngayon. Babawi na lang po ako!
Hope you'll like it pa rin kahit na maikli......
________________________________________________________
Love does not begin the way we seem to think it does.
There is nothing simple about it, no matter how sweet the love may be.
It is a battle, love is a war, love is growing up.
It is a struggle to be honest, just, loving and to be anything else that is good.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Bea's POV
"Teka si Jhake yun ah,....Sandali lang susundan ko lang siya...", sabi ko at kinuha ang mga gamit ko.
"Teka Bea! Itong pagkain mo hindi mo pa nagagalaw!", narinig kong sigaw niya ngunit hindi ko na siya liningon dahil baka mawala si Jhake.
"Sandali, Jhake!", habol ko sa kanya. Medyo nakalayo na siya. Marami pa kasing estyudyante sa canteen dahil kalagitnaan pa lang ng break.
"Asan na 'yun?", kamot ko sa ulo. Paglingon ko naman sa likod ko ay saktong may nakabangga ako.
"Aray!", dahil nasagi niya balikat ko. Sandaling tumingin sa akin at tumakbo na rin.
"Aishh, hindi man lang ako hinintuan!Hindi pa mag-sorry!", sigaw ko kahit wala na yung kausap ko. Maglalakad na ako ng may nakapatid sa akin.
"Aray naman Kuya! Nanadya lang. Nakita mo bang may nakabngga na sa akin kanina!", masungit kong sigaw.
"Hindi eh! Sorry na lang miss, wag ka kasing humarang sa daanan", at umalis na rin.
"Aba, ang yabang mo ah! Akala mo naman pag-aari niya itong corridor!", sigaw ko pa rin. Nakakainis nag-sorry nga nag-inis naman. Maka-alis na nga.
Hay kanina pa ako pa-ikot-ikot dito! Nasaan na ba kasi si Jhake. Bwisit kasi yung dalawang lalaking yun! Ang lawak-lawak ng daan hindi tumabi! Ayan tuloy hindi ko mahagilap si Jhake. Napaupo na lang ako sa bench dahil kapagod din maglakad.
"Ms. Binene, it isn't right to sit here because the classes in this Department is still on-going", sabi ni Ma'am Montemayor in straight English........Kahit pala hindi English hours spokening dollars pa rin siya.
BINABASA MO ANG
The Love Behind Music
FanfictionLove........ Sabi nila, ang pinakamasayang event na dadating sa buhay mo. Pero ito din daw yung pinakamasakit kapag nawala. Kaya mo bang tanggapin ang pagpana ni Kupido sa puso mo? Handa ka na rin bang magmahal and at the same time masaktan? Love...